Chapter 5
Stay
"Queen, ito na po ang magiging kwarto niyo." Kunot noong tiningnan ko siya.
Queen?
"Queen?" I asked her. Natigilan naman siya sa tanong ko at pinakatitigan ako, na para bang may mali akong nagawa.
"Hindi po ba at magiging asawa ka ni Sir, Ethan?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"What?"
"Ay, hindi po ba ma'am?" Umiling na lang ako sa kanya, binuksan niya naman ang pinto sa likod ko at pumasok na ako.
"Wait." Pigil ko sa kanya ng akmang aalis siya.
"Afhmm. If may kailangan ako sino ang tatawagin ko?" Alanganin kung tanung. Pag katapos kasi akong madala dito ni Mr. Blackfox ay umalis din naman siya kaagad dahil may gagawin daw siya.
Ayuko sanang pumayag kaso nakakahiya naman at natatakot pa ako sa kanya.
Ngumiti naman sa akin ang babae.
"Si Sir po ang bahala sa inyo, mag pahinga na po kayo alam kung napagod kayo sa byahe." Sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto na kinauupuhan ko.
Napaupo ako sa gilid ng kama at inisip ang mga nangyayari. Tela ba kay bilis ang lang, na sa isang kislap lang ng aking mata ay ito na ako ngayun.
Ng mabagot ako ay lumabas na lang akk ng kwarto mag iikot ikot muna ako sa lugar na to. Wala rin naman akong gagawin sa loob kaya naman lumabas na muna ako.
Tumingin na muna ako sa hallway kung may tao ba dun, agad ko namang inayos ang damit kong nagusot at nag lakad na.
Nag lakad lakad ako ng may nakita akong isang paliko, hindi ko alam kung pupunta ba ako dun o hindi, pero napag desisyonan ko na lang na pumunta.
Isang pinto lang ang bumungad sa akin kaya naman dumerecho ako dun at sumilip ako sa siwang ng pinto kahit na naka sarado pa to. Wala akong makita kung ano, kaya naman umayos ako ng tayo at akmang bubuksan yun ng may magsalita sa likod ko.
"What are you doing here, woman?" Agad akong lumingon sa kanya.
"Ah?" Wala akong mahanap na sagot sa tanong niya. Hindi ko alam pero na agad kong naamoy ang pabangk niya kaya naman agad akong na distract sa kanya. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"What?" Masungit na tanong niya. Umirap lang ako sa kanya. Akmang lalagpasan ko na siya ng hawakan niya ang braso ko.
"Kinakausap pa kita, babae." Mariin niyang tigil sa akin. Bumuntong hininga na lamang ako at lakas loob na harapin siya.
Pero na babalisa talaga ako sa amoy niya, s**t! Gusto kong yakapin siya o di kaya ay mag sumiksik sa katawan niya para ang mabango niyang amoy ay dumakit sa akin.
Lumapit ako sa kanya at inamoy siya, napapkit na lang ako dahil sa bango niya.
"Ang bango mo." Mahinang daing ko sa kanya.
"What the heck, woman?" Napaatras ako ng bahagya sa kanya dahil sa iritasyon ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Gusto ko lang naman na amoyin ka ah? Bat nagagalit kana?" Inis na sabi ko sa kanya. Ang damot-damot eh, aamoyin ko lang naman siya, akala niya naman may ginawa akong masama sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ko, pero inirapan ko lang siya at iniwan siya dun na naka tulala. Bahala na siya sa buhay niya. Nilagpasan ko yung dalawang lalaking kasama niya, na seryusong naka tingin sa akin or sa amin?
Ngayun ko lang napansin na may kasama pala siya. Nag kibit balikat na lang ako, nakasalubong ko yung lalaking nag hatid sa akin pauwi noong nakaraang buwan. Ngumiti ako sa kanya pero tumango lang siya sa akin.
Lalagpasan na niya sana ako ng hiwakan ko siya sa braso niya.
"Anong kailangan mo?"
"Alam mo ba kung ano ang gamit ng boss mo na panbango o di kaya ay bodywash?" I asked him. Napakurap-kurap siya sa tanong ko.
May mali ba aa tanong ko? Tiningnan ko siya ng maiigi at kinaway ang kamay ko sa mukha niya, bigla naman siyang natauhan sa ginawa ko at agad na umiling.
"Pasyensiya na, Queen. Pero hindi ko alam kung ano ang gamit niya, ikaw na lang mag tanong sa kanya." Ngiti niyang sabi pero umismid lang ako.
"Ang damot naman noon, inaamoy ko lang naman siya kanina dahil gusto ko ang amoy niya eh." Sabi ko sa kanya at nilagpasan siya.
Bumaba na lang ako at pumasok sa kusina. Nag tanong pa ako sa kasambahay kung nasaan ang kusina dahil di ko ata makikita ang kusina kong di ako mag tanung at isa pa ang laki ng bahay I mean mansiyon na to.
Kumakain ako ng ice cream ng makita kong pumasok si Ethan at matalim akong tinginan, di din ako nag patalo sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay pero siya din naman ang unang umiwas.
Takot pala to eh.
Ngumise lang ako sa kanya at pinag patuloy ang pag kain ng ice cream ng matapos ako ay agad na may nag bigay sa akin ng tubig tinanggap ko naman yun at nag pasalamat sa kanya.
"Follow me." Mahinahon niyang sabi at nag lakad na pa aalis, kaya naman nag madali akong sumunod sa kanya.
Natigilan ako ng makita ang lahat ng kasambahay ay nakatayo sa unahan namin at naka pila, pati ang mga guard ay nandun din.
"She's Gizashea Miller, respect her and treat her better. And don't you ever hurt her. And from now on she's the queen of this house. Kaya kung ano ang sasabihin o iuutos niya ay susundin niyo, maliwanag?"
Nagulat ako sa sinabi niya, tumingin siya sa akin at kumindat. What the f**k?
Pero inirapan ko lang siya, umalis na rin ang mga kasambahay at ang iba pa kaya naman apat na lang kami ang natitira.
"Fire and Callie." Tawag niya. Agad namang lumapit ang dalawa sa amin. Tiningan ko silang dalawa yung isa sa kanila ay yung lalaking nag hatid sa akin at yung isa ay yung lalaking nasa hallway kanina.
"Callie and Fire is going to be your bodyguard now." Nagulat nanaman ako sa sinabi niya. Tiningnan ko siya kung seryuso ba siya sa sinasabi niya.
At talagang mag lalagay pa siya ang bantay sa akin para di ako lang makatakas huh, as if naman makakatakas ako.
Umirap lang ako sa kanya, at agad na tumingin sa leeg niya. Pero aagad din akong umiwas dahil baka mamaya magalit nanaman siya kapag lumapit ako sa kanya.
At simula ipakilala niya ako sa buong tauhan niya sa mansiyon niya ay halos 'queen' na ang tawag sa akin. At naiilang ako dun at kahit pag sabihan ko sila na wag akong tawaging queen ay ginagawa pa rin nila.
Hinayaan ko na lang na bumuhos sa katawan ko ang tubig galing sa shower at ng matapos ako ay lumabas ako ng C.R ng walang kahit na anung saplot dahil ako lang naman ang tao dito at naka lock naman ang pinto kaya safe akong mag lakad dito ng nakahubad.
Tumingin sa whole body mirror at hinaplos ang flat ko pang tiyan. Kahit na hindi pa siya lumalabas mahal ko na siya.
'baby, just stay there ok.'
Excited na akong lumabas siya sa tiyan ko. Anu kaya ang magiging itsura niya? Kamukha ko ba siya o kamukha siya ng tatay niya? Pero mas gusto kong si Ethan ang kamukha niya at kahit sa akin na lang ang ugali ng anak ko.
And speaking of him.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang closet room namin at lumabas ang tatay ng anak ko.
Tatay ng anak ko.
Napakagandang pakinggan.
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa ibang tingin niya sa akin.
"What is your problem?" I asked him.
Ngumisi siya sa akin at nag isahang hakbang, ng makalapit siya sa akin ay mabilis niyang hinuli ang bewang ko.
"Damm, woman do you want me to take you right here, right now?"
Nanginig ako dahil sa boses niya o dahil sa haplos niya sa bewang ko.
Ramdam ko ang init ng katawan niya.
Pilit na tinulak ko siya pero mas malakas siya sa akin.
"Mag damit kana, babae. At baka maging kambal ang maging anak natin."
Doon ko lang na realize na naka hubad pala ako. What the f**k?
Pero panu siya nakapasok sa kwarto kung naka lock to?
Nagulat ako ng bigla niya akong hinila at isang makapal na kumot ang naka pulupot na sa akin, nagulat ako sa mabilis niyang kilos.
Sakto naman bumukas ang pinto, napatingin ako dun, agad namang hinarang ni Ethan ang sarili niya para di ako makita, pano niya nalaman na may papasok sa kwarto?
"What the f**k, Lance. "
"Sorry, bosing. Di ko naman alam na nag hohoney moon pa kayo eh."
"Get out now." Napatalon ako dahil sa lakas ng sigaw niya, narinig ko na lang ang mabilis na yabag ng lalaking tinawag na Lance ni anu nga pangalan niya?
Mabilis naman na umalis sa tabi ko si Ethan at pumasok sa closet ko pero di rin siya nag tagal at bumalik na siya at may dalang bestida at panty at bra.
Namula naman ako ng maalalang nakahubad ako, kung di niya ako tinakpan kanina ay siguradong makikita nito ang hubad kung katawan.
Ng makapag bihis na ako ay tumabi siya sa akin. Agad akong umisog dahil sa ginawa niya, s**t! Na didistract talaga ko sa amoy niya.
"You can smell if you want my cara mia." Napatingin ako sa kanya at agad na nag liwanag ang mukha ko.
"Talaga? Di mo ako papagalitan or ano?" Sigurado ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin, lumapad ang ngiti ko sa kanya at mabilis ko siyang niyakap at inamoy ang leeg niya.
Hmm, bat ang bango niya? Naaddict ako sa bango niya. Hinapit niya ako at pinaupo sa hita niya. Ngumuso ako sa ginawa niya, napatingin siya sa labi ko.
Kaya naman kinagat ko na lang ito at sinobsob nanaman ang aking ulo sa leeg niya at inamoy siya.
"Your smell good." Mahinang daing ko sa kanya.
"Ahuh?"
"Inaatok na ako." Mahinang sabi ko sa kanya, inaatok ako sa pag amoy sa kanya. Unti-unti na rin akong kinakain ng antok at ang huli ko na ring narinig ay.
"Sleep then my queen."