TAMA nga si Nick, na hindi mapagkakatiwalaan ang malalalim na dimples ni Lester. Pagkatapos ng ‘friendly’ coffee, inimbitahan siya nito sa tinutuluyan nitong apartment at nang hindi siya pumayag ay halos kaladkarin siya nito para maisakay sa kotse. At kung hindi dumating si Nick ay siguradong may masama nang nangyari sa kanya. Kung hindi pa pinigilan niya si Nick, baka naospital na si Lester dahil sa bugbog. Pinilit pa ni Nick na humingi ito ng tawad sa kanya bago nito pinayagan ang binata na umalis. Halos gumapang na ito papasok ng kotse nito. At kung nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Nick at pagtulong sa kanya ay mas ikinagulat niya ang tila labis nitong pag-aalala. Hindi niya alam kung ano ang iisipin nang bigla siya nitong niyakap nang mahigpit, at matagal. At hindi niya maiwasan

