“SALAMAT sa paghatid. Pasok ka muna.” HIndi na sana aakyat si Nick hanggang sa unit ni Meg sa 4th floor ng apartment complex na iyon pero dala niya ang mabigat na bag ng dalaga na hindi naman niya basta-basta iwan nang ganoon lang. Naroon sila sa tapat ng elevator, ilang hakbang lamang ang layo mula sa pinto ng tinutuluyan ni Meg. Magkaharap silang naghihintay ng kung ano ay hindi nila alam. Matagal silang nanatiling nakatayo roon, nakatingin sa isa’t-isa na para bang pilit pinatatagal ang nalalabing minuto nilang magkasama. “Pasok ka muna, kahit magkape ka man lang bago ka umuwi.” Ngiti lang ang naisagot ni Nick dahil ‘yung lang ang kaya niya dahil nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung ano ang tama niyang maramdaman. Sumunod si Nick kay Meg sa loob ng apartment. Binuksan n

