ILANG linggo na ang lumipas at tuluyang nang bumalik ang buhay ni Meg sa dati - pasok sa opisina sa umaga, lunch kasama ang mga officemates, dinner kasama si Neil kapag Sabado. Nothing out of ordinary, except the fact that Meg feels like her life had become more routinary and more boring than it used to. Ilang araw at ilang linggo na ang lumipas, wala na siyang balita kay Nick. Hindi niya alam kung nasaan na ito, kung ano nang ginagawa nito, kung ano na ang nangyayari rito. Hindi niya alam kung anong iniisip nito, o kung naaalala nito ‘yung mga araw na magkasama sila sa Batangas. At lalong hindi alam ni Meg kung iniisip siya nito katulad ng paraan ng pag-iisip niya rito. “Kumusta si Nick nung nandoon kayo?” tanong ni Neil nang dalawin siya nito sa apartment. “Hindi naman ba nanggulo iy

