HINDI p’wede. Hindi sinabi ni Nick na hindi. Basta, hindi p’wede. Hindi tuloy niya alam kung ano ang ibig sabihin noon pero p’wede naman nitong sabihin na hindi, period. Mas okay nga siguro kung sinabi na lang nito sa kanya na hindi, kaysa sa ganoon na mamatay-matay siya sa pag-iisip kung ano ang ibig niyang sabihin sa hindi p’wede. Maraming konklusyon ang nabuo sa isip niya dahil doon - hindi p’wede dahil kapatid nito si Neil. Hindi p’wede dahil ayaw talaga nito sa commitment. Hindi p’wede dahil may iba na itong mahal. Hindi p’wedeng hindi niya isipin na mahal rin siya nito kahit kaunti. Kapag tinanong niya si Neil kung mahal siya nito, walang kakurap-kurap na sasabihin nito’ng oo. Hindi siguro, hindi medyo, at lalong hindi hindi p’wede. Mahal siya ni Neil, period. Walang alinlangan. A

