NAKAHINGA ng maluwag si Meg nang sa wakas ay muling magkamalay si Neil dahil sabi ng mga doktor ay dawalang linggo pa bago ito muling magising. Okay na si Neil at bukod sa bali sa paa at mga gasgas sa katawan ay parang walang nangyari. “The nurses said you were here round the clock, the whole four days,” nakangiting sabi sa kanya ni Neil nang nag-aayos na sila ng gamit pauwi. Kailangan pa rin nito ng saklay sa paglakad, at may cast pa rin ang kaliwang paa at kaliwang braso. Patuyo na ang mga gasgas nito sa katawan, at sa mukha. Pero malaki na ang in-improve ng itsura nito kaysa noon. “Thank you, honey,” sabi ni Neil at pilit siyang niyakap. Pero mahirap ‘yon dahil sa kundisyon nito. “I’m sorry about this, Meg. I know my schedule has been crazy lately and I’m not spending much time with

