NAGISING si Meg sa tunog ng cellphone na nasa nightstand. Pilit niyang idinilat ang mga mata, muling napapikit at hinila ang kumot na para itakip sa hubad na katawan. Kinuha niya ang telepono at muling inilapag sa kinalalagyan nito kanina nang malaman kung sino ang tumatawag. Hinayaan lang niya iyong mag-ring. Wala na si Nick sa tabi niya, wala na ang mga damit nito, na parang walang nangyari. Wala na rin ang malakas na ulan kagabi at mainit na ang sikat ng araw. Alas otso na, Linggo, at hindi niya alam kung paano sisimulan ang araw na iyon. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, at tanggapin ang nangyari. Ginusto niya iyon, at walang dahilan para mag-drama sa buhay. Alam niyang isa iyong malaking pagkakamali pero itinuloy pa rin niya at kung may isang tao’ng dapat sisihin sa lahat ng mga

