Chapter 8

1020 Words
PINILI ni Beatrice na tumingin sa labas ng bintana ng kotse dahil hindi naman niya alam kung ano ang pinag-uusapan ni Paula at ni Brandon sa harapan niya. Pero madalas ay si Paula lang ang nagsasalita dahil boses lang nito ang naririnig niya. Brandon seemed like a man of few words or was she only assuming that? "Beatrice." Mayamaya ay umayos si Beatrice mula sa pagkakaupo nang marinig niya ang baritonong boses na tumawag sa pangalan niya. Inalis nga din niya ang tingin sa labas ng bintana at tumingin siya sa kanyang harapan. At agad naman na nagtama ang mga mata nilang dalawa ni Brandon mula sa rearview mirror. Napatigil nga din si Paula mula sa pagsasalita nito. "Bakit po, Sir?" tanong naman niya dito. “Are you okay in there?” Tumango naman siya bilang sagot dito. “Anyway, when did you and Paula become close?” mayamaya ay tanong nito sa kanya, mababakas sa boses ang kuryusidad. "Since 3rd year, Sir," sagot naman niya. "It's Brandon." Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Sir?" "Call me, Brandon," wika nito sa kanya. Bumuka-sara naman ang labi ni Beatrice sa sinabi nito. Hindi kasi niya alam kung ano ang isasagot dito. “Just drop the ‘Sir’ and call me Brandon.” Saglit naman siyang hindi nagsalita pero mayamaya ay tumango na lang siya. "Kung...iyan po ang gusto niyo, B-brandon," wika niya sa gusto nitong mangyari. “Yeah. That’s what I want you to call me.” Sa halip naman na sumagot ay sumulyap siya kay Paula na tahimik na. “Anyway, have you been a working student for a long time?” mayamaya ay tanong nito sa kanya. Bubuka sana ang bibig niya para magsalita nang unahan siya ni Paula. "Since freshmen," sagot nito. "Beatrice was working since then." Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Brandon. Parang may gusto pa nga itong tanungin, para bang gusto nitong itanong kung bakit nagta-trabaho siya at kung nasaan ang mga magulang niya. “So how many jobs do you actually have?” tanong nito sa kanya. "Itong sa coffee shop lang talaga," sagot niya kay Brandon. "Sumadline lang ako do'n sa catering services kasi kailangan kung pag-ipunan iyong pambayad ko sa graduation fee." "Sinabi ko nga sa kanya na ako na ang magbabayad sa graduation fee niya pero tumanggi siya sa inaalok ko," singit naman ni Paula. "Okay lang naman, Paula. Mapag-iipunan ko pa," wika naman niya dito. Ayaw naman niyang i-asa iyon dito. Baka isipin kasi ng nakapalibot sa kanya ay user siya. “When is the deadline for your graduation fee?” tanong ni Brandon sa kanya. "Sa susunod na linggo pa naman. Kaya pang pag-ipunan," sagot niya. Nakita naman ni Beatrice ang pagtango-tango ni Brandon mula sa rearview mirrow. Inakala nga din niya na hindi na ito magtatanong pero nagkamali siya dahil muling bumuka ang labi nito para tanungin siya. “And what time does your shift at the coffee shop end?” Mukhang interesado ito sa trabaho niya kaya sinagot niya ang tanong nito. "10," sagot niya. "What?" "10 pero kapag maraming tao ay inaabot kami ng alas onse nang gabi." "What?" Nagulat naman si Beatrice nang marinig niya ang seryosong boses nito, nagtataka nga din siya nang mapansin niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "May masasakyan ka pa ba sa oras na iyon?" tanong sa kanya ni Brandon. "Mayro'n pa naman." “But it’s too dangerous," wika ni Brandon sa seryosong boses. "Sanay naman na," sagot niya sa lalaki. Sa totoo lang, sa panahon ngayon ay nakakatakot na ang umuwi ng gabi, pero lakasan ng loob lang iyon. Kasi kung hindi niya lalakasan ang loob, hindi siya mabubuhay. Mabuti sana kung anak siya ng mayaman. Hindi naman na ito nagbigay ng komento sa sinabi niya, pero kapansin-pansin naman ang pagsasalubong ng mga kilay nito. At nang sa tingin ni Beatrice ay wala nang ibang sasabihin si Brandon ay inalis na niya ang tingin dito at muli siyang tumingin sa labas ng bintana. At mayamaya ay nakarating naman na sila sa coffee shop kung saan siya nagta-trabaho. Napatingin naman siya kay Brandon nang makita niya ang pagbaba nito ng kotse ng maihinto nito iyon. At nagulat na lang siya ng bumukas ang pinto sa gilid niya. At doon na-realize ni Beatrice na bumaba ang lalaki ng kotse para pagbuksan siya nito ng pinto. At bago naman siya bumaba ay binalingan muna niya si Paula na tahimik pero pansin ang kaseryosohan sa mukha. "Paula, mauna na ako," paalam niya dito. Ngumiti naman ito sa kanya. "Ingat ka," wika naman nito sa kanya. Bumaba naman na si Beatrice ng kotse. Pinagdikit naman niya ang ibabang labi nang maamoy niya ang mamahaling pabango ni Brandon na biglang nanuot sa kanyang ilong. "Salamat sa paghatid," pasasalamat niya sa lalaki. Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya. "At ingat sa pagmamaneho," dagdag pa niya. "I will," sagot nito habang titig na titig sa kanya. "Pasok na ako," paalam niya sa lalaki. Hindi na nga din niya ito hinintay na magsalita dahil humakbang na siya paalis. Pero kahit na nakatalikod ay ramdam pa din ni Beatrice ang init ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya. At nang makapasok siya sa coffee shop ay agad siyang nagtungo sa locker para ilagay doon ang gamit niya. Nagpalit na siya ng kanyang uniform para makapag-trabaho na. Nagpasalamat naman si Beatrice dahil walang masyadong customer ngayong gabi. Kaya hindi siya masyado napagod at saktong alas diyes siyang makakauwi. Pagsapit nga ng alas diyes nang gabi ay nagsara na sila ng shop. "Mauna na ako, Beatrice," paalam naman sa kanya ng ka-trabaho niyang si Alicia ng dumating na ang susundo dito. "Sige. Ingat." "Ikaw din," sagot nito sa kanya. Inayos naman ni Beatrice ang pagkakasukbit niya sa bag sa kanyang balikat bago siya humakbang paalis. Pero hindi pa siya tuluyang nakakahakbang nang mapatigil siya nang may pamilyar na boses na tumawag sa kanya. "Beatrice." Mabilis naman lumingon si Beatrice sa kanyang gilid. At hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k nang puso niya nang makita niya si Brandon na naglalakad palapit sa kanya. "B-brandon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD