NAPATINGIN si Beatrice sa kanyang gilid nang maramdaman niyang may kumalabit sa kanya. At nakita naman niya ang kaibigang si Paula, ito ang kumalabit sa kanya.
"Bakit?"
"Deretso ka na sa work mo?" tanong nito sa kanya nang magtama ang mga mata nila.
"Oo," sagot naman niya. May part time job kasi si Beatrice ngayon. Sa isang coffee shop siya nagta-trabaho, kahera siya do'n.
Alas sinko ng hapon hanggang sa alas diyes ng gabi ang trabaho. Kaya pagkatapos ng klase ay dumi-deretso na siya do'n para mag-trabaho.
Iyong naging part time niya sa catering services, saktong day-off niya sa coffee shop kaya nakapag-trabaho siya do'n. Pahinga sana niya iyon pero mas pinili niyang mag-trabaho dahil marami siyang babayadan.
"Sama ako," wika nito sa kanya mayamaya. "Wala naman kasi akong ibang gagawin sa condo kaya sama na lang ako sa 'yo," paliwanag nito kung bakit gusto nitong sumama sa pinagta-trabahuhan. "Tatambay muna ako do'n ng ilamg oras."
"Magji-jeep ako, Paula," wika naman niya dito. Coding kasi ang sasakyan nito kaya nagpahatid lang ito sa family driver ng mga ito.
"Eh, di magji-jeep lang din ako. Do'n na lang ako sa coffee shop magpapasundo sa driver," wika nito sa kanya.
"Bahala ka," sagot na lang naman niya sa kaibigan. Mukha kasing hindi ito magpapapigil sa kanya. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya, ganoon din si Paula. At saka sabay na silang dalawa na lumabas ng classroom.
Tuloy-tuloy naman silang humakbang na dalawa palabas ng university nila. At habang naglalakad ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon nang maramdaman niya ang pag-vibrate niyon na palatandaan na may nag-text sa kanya.
Inakala naman ni Beatrice na importante ang text message na natanggap niya, spam message lang pala.
At akmang ibabalik ni Beatrice ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon nang mapatigil siya nang marinig niya ang pangalan na binanggit ni Paula.
"Brandon?"
Nang mag-angat si Beatrice ng tingin ay ganoon na lang ang pag-awang nang labi niya nang makita si Brandon sa labas ng unibersidad nila.
Brandon was leaning against his car, dressed in a white long-sleeved shirt with the sleeves rolled up to his elbows. His arms were crossed over his chest, making the veins on his forearms stand out even more, along with the expensive watch wrapped around his wrist.
At nang sandaling iyon ay para itong isang modelo. No wonder, ilang kapwa nila estudyante ay napapatingin sa dereksiyon ng lalaki.
"Brandon!"
Iniwanan naman siya ni Paula para lapitan ang lalaki. Nakita naman ni Beatruce ang pag-ayos ni Brandon mula sa pagkakatayo nito ng marinig nito ang boses ni Paula.
At ganoon na lang ang pagsinghap ni Beatrice nang sa halip na si Paula ang sulyapan ni Brandon dahil ang kaibigan ang tumawag at lumapit dito ay napansin niya ang pagtagos ng tingin nito kay Paula patungo sa kanya.
At hindi naman maintindihan ni Beatrice ang puso kung bakit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya.
At nahagip nga din ni Beatrice ang pagtigil ni Paula mula sa paghakbang nito ay nilingon ang tinitingnan ni Brandon hanggang sa makita siya nito.
Saglit lang naman siyang tiningnan ni Paula dahil mayamaya ay ibinalik nito ang tingin kay Brandon.
"What are you doing here, Brandon?" tanong ni Paula. "Nalaman mo ba kay Papa na coding ang kotse ko kaya ka nandito?" tanong nito.
Hindi naman alam ni Beatrice kung lalapit ba siya o hindi sa mga ito. Pero nang makita niya ang oras sa mumurahing wristwatch na suot ay wala na siyang nagawa kundi lumapit. Kung hindi kasi siya lalapit ay mali-late siya sa trabaho. At mukhang hindi na din makakasama si Paula sa kanya dahil naroon si Brandon. Baka may pupuntahan ang dalawa.
Sasagot sana si Brandon sa tanong ni Paula nang mapatigil ito ng mapansin nito ang paglapit niya.
Inalis naman nito ang tingin kay Paula at inilipat iyon sa kanya. Nakita naman niya ang paglingon din sa kanya ng kaibigan.
Inalis naman niya ang tingin sa lalaki at inilipat iyon sa kaibigan na ngayon ay seryoso ang ekspresyon ng mukha.
"Paula, mauna na ako. Baka kasi ma-late ako," wika niya dito nang makalapit siya.
"Sige, Beatrice," sagot naman nito, mukhang tama siya, hindi na ito makakasama sa kanya.
"Where are you going?"
Sabay naman silang nag-angat ng tingin ni Paula kay Brandon ng magsalita ito. At mukhang siya ang kinakausap nito dahil nakatingin ito sa kanya.
At bago pa siya makasagot at inunahan na siya ni Paula. "Papasok kasi siya sa trabaho, Brandon."
Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Brandon sa sagot ni Paula. "You're student, right?" tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya bilang sagot. "Working student po," sagot naman niya dito. "Hmm...maiwan ko na din kayo dito. Kailangan ko na din kasing umalis," mayamaya ay paalam na niya.
"Ihatid ka na namin," mayamaya ay wika ni Brandon.
Saglit naman siyang natigilan sa sinabi nito pero nang makabawi ay umiling siya. "Hindi na, Sir. Ayokong makaabala," sagot niya.
"I insist," giit nito.
Sumulyap naman siya sa kaibigan para sana humingi ng tulong. Napansin niya ang pagseryoso ng ekspresyon ng mukha nito.
"Convince your friend to let us give her a ride, Paula," wika naman ni Brandon nang makita nito ang pagsulyap niya sa kaibigan.
Mayamaya ay napansin niya ang pag-ngiti ni Paula sa kanya. "Pumayag ka nang ihatid namin, Beatrice," wika naman ni Paula.
Sa halip na sumagot ay muli niyang sinulyapan si Brandon na hanggang ngayon ay titig na titig pa sa kanya. "Hindi ba ako nakakaabala?" tanong niya dito.
"No," sagot naman nito s kanya sa baritonong boses.
At nang marinig iyon ay tumango na lang siya biglang pagpayag sa gustong mangyari ni Brandon.
At hindi nga niya napigilan ang mapakurap-kurap ng mga mata nang makita niya ang pag-angat ng dulo ng labi ni Brandon.
"Let's go," mayamaya ay yakag nito.
Binuksan ni Brandon ang pinto sa front seat. At napansin niya na bahagya itong natigilan nang biglang sumakay si Paula sa loob ng front seat pagkabukas nito do'n.
"Thank you," nakangiting sagot pa ni Paula sa lalaki nang tuluyan itong makasakay.
Walang imik na isinara naman ni Brandon ang pinto.
Hindi na din naman na hinintay ni Beatrice na pagbuksan siya ng lalali ng pinto dahil lumapit na siya sa backseat para buksan iyon.
Pero sakto din na inabot ni Brandon ang handle ng pinto dahilan para ang kamay niya ang nahawakan nito.
At hindi napigilan ni Beatrice ang manlaki ng mga mata dahil do'n. And when their hands touched, it felt as though a jolt of electricity ran through her entire body.
At alam ni Beatrice na naramdaman din iyon ni Brandon dahil napansin niya na natigilan ito habang nakatitig ito sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya.