"BEATRICE."
Nag-angat ng tingin si Beatrice nang marinig niya ang pagtawag ni Paula sa pangalan niya pagkatapos ng klase nila.
"Bakit?" tanong naman niya sa kaibigan ng magtama ang mga mata nila.
"Lunch na tayo," nakangiting wika nito sa kanya. At akmang bubuka ang bibig niya para sana magsalita nang mapatigil siya ng unahan siyang magsalita ni Paula. "At libre ko at bawal tumanggi," dagdag pa na wika nito.
Mukhang alam na ni Paula ang sasabihin niya kaya inunahan na siya nito. "Fine. Pero iyong mura lang sa akin."
Isang ngiti lang naman ang isinagot ni Paula sa kanya. Pero parang diskumpiyado pa siya sa ngiti nito.
Nang maisukbit ni Beatrice ang bag sa balikat ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya. Pagkatapos ay sabay na silang dalawa na humabkang palabas ng classroom.
"Beatrice."
Napatigil sila sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan niya. Sabay nga silang napatingin ni Paula sa kanilang gilid.
At nakita nila si Ma'am Joanna na naglalakad palapit sa gawi nila. Isa sa mga professor nila si Ma'am Joanna sa unibersidad kung saan sila nag-aaral.
"Ma'am, bakit po?" tanong ni Beatrice ng tuluyang nakalapit ito sa kanya.
"Pwede ba kitang makausap?" tanong nito sa kanya.
"Tungkol po saan, Ma'am?"
"Tungkol sa future mo, pagka-graduate mo," nakangiting sagot nito sa kanya.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Paula. At mayamaya ay bumuka ang bibig nito para magsalita. "Mauna na ako sa canteen, Beatrice. Hintayin na lang kita do'n," wika nito sa kanya.
Tumango naman siya. Nagpaalam nga din si Paula kay Ma'am Joanna.
At nang maiwan silang dalawa ni Ma'am Joanna ay pumasok silang dalawa sa classroom para makapag-usap silang dalawa. Saktong wala nang estudyantemg nasa loob.
"The faculty member was thrilled with your academic standing, Beatrice,” umpisa ni Ma'am Joanna. "And they don’t want to lose someone like you, which is why we decided to hire you here as a teacher when you graduate," dagdag pa na wika nito sa kanya.
"Thank you for believing in me, Ma'am," wika niya. "But can I think this matters first? May plano na po kasi ako pagka-graduate ko. Magre-review po ako para sa Architect Licensure exam," pagpapatuloy na wika niya.
"Sure, Beatrice. Hindi ka naman namin pini-pressure. Pero kung ang nasa puso mo ang pagtuturo, welcome ka dito. Pero kahit na anong desisyon mo, susuportahan ka namin," sagot sa kanya ni Ma'am Joanna.
"Salamat po."
Hindi naman pinatagal ni Ma'am Joanna ang pag-uusapan nilang dalawa. Sabay na nga din silang lumabas na dalawa sa classroom, pero magkaibang dereksiyon sila nagtungo.
Dumiretso na si Beatrice sa canteen kung saan naghihintay si Paula sa kanya. Pagkarating niya ay agad niyang inilibot ang tingin sa paligid para hanapin ito. At nang makita ang kaibigan ay agad siyang lumapit.
"Pasensiya na kung pinaghintay kita," paghingi niya ng paunmanhin ng umupo siya sa harap nito.
"Okay lang," sagot ni Paula, pagkatapos ay inusog nito sa kanya ang pagkain niya.
Napahugot na lang si Beatrice ng malalim na buntong-hininga nang makita niya ang in-order ni Paula para sa kanya. Sinabi niyang mura pero mahal ang in-order nito.
"Anong pinag-usapan niyong dalawa ni Ma'am?" mayamaya ay tanong ni Paula sa kanya.
"Tinatanong niya kung gusto ko daw magturo pagka-graduate ko," sagot niya sa kaibigan.
"Pumayag ka?"
"Sinabi kung pag-iisipan ko pa. May plano na kasi ako," sagot niya kay Paula.
"Kung ano ang desisyon mo, suportahan kita, Beatrice," nakangiting wika sa kanya ni Paula.
Ngumiti lang naman siya bilang sagot sa kaibigan. Pagkatapos niyon ay itinuom na niya ang atensiyon sa pagkain, taimtim ngang napasalamat si Beatrice sa pagkain na nasa harap bago siya nag-umpisang kumain.
"Anyway, bigla kang nawala sa party kagabi," mayamaya ay wika nito. "Hinanap kita pero umuwi ka na daw."
Naalala na naman ni Beatrice ang nangyari kagabi sa party. "Pinauwi na kasi ako," sagot niya.
"What?"
"Nagalit iyong may-ari noong catering dahil sa nangyari. Hindi na niya ako pinag-trabaho at saka pinauwi na niya ako," paliwanag niya.
"That's exclusive subdivision, Beatrice. Walang taxi na dumadaan do'n. Huwag mong sabihin sa 'kin na nilakad mo hanggang labasan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paula sa kanya. "Sana hinintay mo na lang ako o kung hindi kaya ay kinausap para maipahatid kita sa driver ko."
"Ayaw ko namang maka-istorbo, Paula," sagot nita. "At saka okay lang naman."
"So, nilakad mo nga?"
Tumango siya. "Pero nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nang may nagpasakay sa akin," sagot niya.
"Oh, sino?" tanomg nito sa kanya. "Baka kilala ko?"
Tumango naman siya bilang sagot. "Kilala ko?" ulit na tanong nito.
"Oo," sagot naman niya.
"Sino?"
"Si Sir Brandon," sagot ni Beatrice kay Paula.
At dahil nakatingin siya dito ay napansin niya ang pagkawala ng ngiti sa labi nito. Pero hindi naman niya iyon masyado pinagtuunan ng pansin.
"Isinakay ka ni Brandon sa kotse niya?"
Tumango siya. "Nagulat na nga lang ako nang makita ko siya na sakay ng isang kotse," sagot niya dito. "Ang bait din pala ni Sir Brandon, no, Paula? Kasi kahit na sinabi ko sa kanya na sa labas o sa sakayan lang niya ako ibaba, inihatid pa niya ako hanggang sa apartment ko," pagku-kwento niya sa kaibigan.
"Mabait talaga iyon," wika ni Paula sa kanya.
Napangiti naman siya. "Nangako pala ako sa kanya na babayadan ko iyong ginastos niya para i-compensate iyong babaeng natapunan ko ng dress," pagku-kwento niya kay Paula. "Pero hindi ko naman nakuha ang numero niya para sana kapag may pera na ako ita-transfer ko na lang sa kanya ang bayad ko."
"No need."
"Ha?"
"Ako na ang bahala, Beatrice. Ako na lang ang magbabayad ng utang mo kay Brandon."
"Pero--
"At alam kung hindi ka papayag na ako ang magbayad kaya sa akin mo na lang hulughulagan para hindi mo na din maabala si Brandon. Busy pa naman ang isang iyon," wika sa kanya ni Paula.
"Okay," sagot na lang naman niya.
Naging tahimik na din naman si Paula sa sumunod na sandali at itinuon na ang atensiyon sa pagkain. Ganoon nga din ang ginagawa ni Beatrice, itinuon na nga din niya ang atensiyon sa pagkain niya.
At nasa ganoon nga silang posisyon ng tumunog ang ringtone ng cellphone ni Paula.
Nag-angat naman si Beatrice ng tingin nang damputin nito ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
At napansin niya ang pagkislap ng mga mata at ang pagsilay ng ngiti sa labi nito nang tingnan nito ang hawak na cellphone.
Agad nga din nitong sinagot ang tawag. At akmang i-aalis niya ang tingin kay Paula nang mapatigil nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito.
"Brandon," sambit ni Paula sa pangalan ng lalaki na nakangiti. "Why did you call?"
At dahil nakatingin siya sa kaibigan ay napansin niya ang pagkawala ng ngiti sa labi nito bago ito nag-angat ng tingin patungo sa kanya.