PAGKAUWI namin sa apartment ni Mikyle e inasikaso ko na siya... Himala na lang talaga na nagawa niya pang magmaneho kanina na sobrang siya na lasing na lasing. Parang ako rin muntik na rin na malasing sa mga pinagsasabi ko na rito. Anyway, highway, Gokongwei, minabuti ko na linisan si Mikyle. Opo, balik nursing tayo ngayon. Para bang nag-file lang ako ng vacation leave a? After bakasyon ano na? Balik tayo sa ganitong ganap ah. Do you feel the deja vu ba? Opo, kasi laging ganito ang ginagawa sa akin ng lalaki na ito. Hindi ko nga mawari kung deserve ko nga ba na maging ganito na lang ang ganap ko sa buhay niya e. Matapos ko siyang maayusan, at comfortable na siya na natutulog e lumabas muna ako. Gustuhin ko man na umuwi e anong petsa na. Sa ganda kong ito baka mapag-trip-an pa ako sa lab

