MATAPOS ang masarap naming na tanghalian, malamang sa malamang, alangan naman na laitin ko iyung sarili ko na luto. Sobrang init nga naman ng panahon ngayon sa Pinas. I mean, gets ko naman iyung point na maraming demonyo at Diablo sa Pilipinas, pero shuta, mhie naman ang aga ng free trial ng impyerno sa Pilipinas, hindi na rin naman na nakakatuwa. Dalawa na ang electric fan na nakatutok sa amin ni Tristan, ang hot ko pa rin, ang kumontra tatamaan sa bagang. “Pagpasensyahan mo na muna ang klima sa bahay namin ha? Wala kasi kaming aircon dito e. Iyung nakabukas pa nga lang maghapon ang tv namin, ang ingay na ni Clara, este ni nanay. Tapos kapag nagpalagay pa kami ng aircon, mas lalong aatakihin ng high blood iyon, like legit,” kwento ko sa kanya. “Hindi, okay lang naman sa akin. Ang cool

