PAREHO kaming walang commitment ngayong araw na ito, hindi ko rin alam kung bakit ba naisipan na maggala kami. Pero sabagay, papawala nga naman ng stress.
Dahil pareho kaming madrama at nakaranas ng kaartehan sa buhay. May pa chase pa na nalalaman. Pero okay lang, ang ganda pa nga plot twist, kasing ganda ko actually.
Ang umagal habang buhay nang magiging single! Amen!
So as I was saying, binigay na nga sa akin ni Mikyle ang partnered shirt namin. To be honest naman, cute ‘yung binili niyang shirt. Bagay ito lalo na kung taktak ang susuotin ko. O ‘di ab? Napakabongga.
Kaya naman lumabas ako ng banyo na para bang woke up like this ang ganao ko! Legs pa lang titigasan na ang makakakita sa akin, because why not?
Chareng!
“Ano iyang suot mong short? Bakit hindi ka magpalit?” ani Mikyle sa akin na para bang lukot na nota ang mukha. Haha, e bakit ba? Gusto ko ng ganoon na description at adjective e!
“Oh? Ano na naman ba ang masama sa suot ko?” pakiwari ko sa kanya. Bwisit din minsan itong lalaki na ito e.
“Basta, masyadong maikli, kita na nga legs mo o,” dahilan anman niya sa akin habang napapaiwas na lang ng tingin kasi guilty siya na saan-saan na naman nakakagala iyang mata niya. Manyakis talaga ‘tong bwisit na ito e.
At may ebidensya ako! Kita niyo iyang pants niya? Hindi naman araw ng kagitingan pero nakasaludo na naman ang kanyang kampilan!
“Ikaw lang naman ang bastos dito e. Hayaan mo na at lalabas akong ganito, okaya ay maghapon na lang tayong magtitigan dito,” inis na wika ko naman sa kanya.
Nag-tsk naman siya at saka masama akong tiningnan. Wala naman siyang ibang sinabi, basta kinuha niya ‘yung jacket niya na uniform sa basketball team niya, at saka niya inilagay sa bewang ko. Alam niyo iyon? ‘Yung kapag nilalagay ang jacket sa bewang kapag may tagos.
O kung hindi niyo alam, bumalik ulit kayo sa grade 1! Pinapainit niyo na naman ang ulo ko e.
“Tara na,” sabi nito na todo ngiti na ngayon. Umandar lang pala ‘yung pagiging likas na bipolar niya. Utak ni Mikyle may ubo lagi. Pasalamat siya at poi at macho siya, baka sipain ko an siya palabas ng pad namin e.
Paglabas namin ay diretso kami sa kotse niya. Ang plano pala niya ay dalhin ako sa mall. Siyempre naghanap kami ng papanoorin. Ang pinili ba naman niya, horror!
Kaya naman ang daming magjowa sa paligid! Talamak na naman ang motel sa kabilang kanto nito! Huwag ako ha? Alam niyo iyan. Lumang tugtugin na iyang mga pa-horror ng mga jowang lalaki para may pa-chansing effect! Kailan kaya maga-update mga galawan ng mga lalaki.
“Wala ka bang emosyon? Bakit parang hindi ka natatakot?” tanong sa akin ni Mikyle na para bang nayayamot. Akala niya ba ako ‘yung tipo ng bakla na tili nang tili sa mga ganitong klase ng sitwasyon, ay nako! Gusto ba nitong ma-seminar?
“Mas nakakatakot pang mawalan ng gasul habang nagluluto ng midnight snack. Ito ba plano mo? Kakagaling mo lang sa Baguio manyak ka na naman. Hindi ka ban aka-score doon?” tanong ko sa kanya na may inis.
“Sa iyo ko nga balak na umiskor e,” wika naman niya sa akin habang nagpapakawala ng kindat.
“Mikyle ha? Maggtigil ka o sasapakin kita?”
MATAPOS ng pa-pelikula ng mayor, ayon naghanap kami ng masarap na kakainin. Nag-offer pa nga siya sa akin na siya na lang kainin ko, total masarap naman daw siya, hindi pa kami mapapagastos. Feeling amputa, sapakin ko itlog nito e.
“Ako nagugutom ako para sa pagkain ha? Huwag kang ano diyan. Masyado ka na,” ani ko sa kanya, huwag akong bibiruin ng walang laman ang aking tiyan! Hindi mo kaya, talagang makakapagpalipad ako ng kutsilyo ng wala sa oras.
“Masyado ka namang mainit. Tara kain tayo ng seafood.”
Siyempre bumalik na ‘yung mood ko. e di sana sinabi niya agad para hindi ako agad nagali, hindi ba? Anak naman ng tokwa oo.
Siyempre gastos niya lahat. Ako ba mayaman dito? Tamang nakakaraos lang ako sa buhay, nakakabili ng Gucci at Lamborghini. Eme lang, wala pa akong nahahanap na sugar daddy na age 22-25, baka naman may alam kayo, ‘yung may-ari sana ng isang multi-million dollar na corporation.
“Ang dami naman ng in-order mo na pagkain,” reklamo sa akin ni Mikyle,
Madami na ba ‘yung family size na buttered shrimp? Tapos may king crab pa at saka ‘yung salmon soup? Grabe, nagtipid pa nga ako sa lagay na ito e! sana naman na-appreciate niya hindi ba?
“Bakit? May reklamo ka ba?” taray ko naman dito. Siyempre dapat medyo sinisindak natin, para naman hindi niya ipakita iyang pangil niya. Ano siya? Gold ?
Napapakamot na lang siya ng ulo. May kuto ba ‘to? Talaga namang sisipain ko siya paalis ng kama kapag nahawa siya ng kuto mula sa mga babae niya.
“Wala naman… ang akin lang ay baka hindi mo naman mauubos iyang in-order mo,” pangaral niya pa sa akin.
“Naku, Mikyle. Kahit dagdagan mo pa ito maiimbak ko lahat iyan sa tiyan ko,” pakiwari ko naman sa kanya.
Tumango naman siya. Kumain na kami habang nagku-kwentuhan. Naalala ko naman ang sinabi ni Rob sa akin.
“Nagwala ka raw sa bar sabi ni Rob? Minsan talaga hindi na maayos ang takbo ng utak mo ano?” sabi ko naman sa kanya.
“Siyempre masama ang loob ko. Nang mga oras na iyon, malas lang ng nasuntok ko,” yabang pa nito sa akin na ikinanganga ko. Ang hangin kahit kailan!
“Naku, iyang kayabangan mo ang magpapahamak sa iyo. Huwag o ng uulitin iyon. Kapag may nabangga ka na pader, baka huli na para magsisi ka,” sermon ko naman sa kanya.
“Basta huwag mo rina kong iiwan, wala ring gulo na mangyayari,” aniya naman sa akin.
Ang labo naman ng gusto ng lalaki na ito. Siyempre kahit anong iwas namin, kahit anong sumpa, hindi pwedeng hindi maghihiwalay ang landas namin.
Still, a woman will be his end game, and I will just see his story.
NARAMDAMAN ko na lang ang paghila sa buho ko ni Lei. Kahit kailan ang bakla na ito, masyadong insecure sa akin! Inggitera ampota.
“May palipat bahay ka pang nalalaman, pinagod mo pa mga kaibigan mo, mag-iinarte ka lang pala! Magiging marupok ka na naman niyan e!” aniya sa akin. Hinampas ko nga ng hardbound na notebook ko. punyetang bakla ‘to, nasasayang ang magandang buhok ko sa kanya.
“Makasabunot ka sa akin akala mo ikaw nagbabayad ng shampoo at pang hair care ko a? Saka hindi ko kasalanan na sa sobrang ganda ko pala ay ayaw na niya akong pakawalan, okay?” sabi ko naman sa kanya.
Minsan lang magtama mga schedule namin kaya tambay malala kami rito sa students park sa tabi ng Tourism department. Madaming nakatambay rito, kasi madami ring pogi at magaganda na tuatambay.
Siyempre isa na ako sa mga magaganda ano, ewan ko ba at dinala ko si Lei at MM, nagdala pa tuloy ako ng basura, very hindi environmental friendly.
“Bakit hindi hinindian? Mahina ka na naman. Huwag mo kaming sisihin kapag na-fall at napahamak ka na naman, bakla ka ng taon,” sermon sa akin ni MM as usual.
“Alam ko, ako ang accountable sa lahat. Isa pa matagal ko naman siyang nakasama sa kwarto. Saka kung may balak talaga siya sa akin, e ‘di sana matagal ng may naganap na karumaldumal,” sabi ko naman sa kanila.
“Bakla, naiintinidhan mo ba ang sitwasyo? Akala ko pa naman matalino ka, shutaka. Ngayon kasi nag-confess ka na, gets mo na ba? Alam na niya na may malisya na ang lahat? so if ever may mag-iiba na sa pakkitungo niya,” wika naman ni Lei. Nagmamagaling na naman.
“E ‘di umalis siya sa buhay ko. siya naman iong nag-insist na sundan ako. Saka nag-usap na kami patungkol diyan. Kaya naman wala siyang pwedeng sabihin. Kasi nga nagkalinawan na kaming dalawa about sa topic na iyan.” Kanina ko pa nililinaw ang lahat sa kanila. Sarap ng manakit ha? Ulit-ulit na lang marecakes.
“Bahala ka na diyan, bakla. Anyway, malapit na ang semester break natin a? Uuwi ba kayo?” tanong sa amin ni Lei.
Tumango naman si MM. “Uuwi kami nila kuya, ipapakilala na niya kasi ang girlfriend niya sa mga magulang namin,” sabi ni MM na ikinalukot ng mukha ni baklang Lei.
“Mga lason talaga. Hindi na talaga ko sumaya ng dahil sa mga babae,” wika naman ni bakla na ikinatikim niya ng sabunot mula kay MM.
“Gaga, huwag mo kaming sisihin. Dapat ay maghanap ka ng lalaking mamahalin ka. Ikaw kasi masyado kang naka-focus sa mga taong gusto mo lang,” ani MM. iba talagang magpayo ang manang ng barkada.
“Alangan naman mag-focus akong magpaligaw sa aso ‘di ab? Kakaloka naman iyon.”
NATAPOS naman na sa wakas ang pagtambay namin. Actually paalis na lang kami nang makita namin si Mikyle na may kasamang babae, nakalingkis pa sa kanya ang babae, akala moa has.
“Ano? Nasasaktan ka ano?” buska sa akin ni Lei.
Nakatikim naman siya ng batok mula kay MM. “Nasasaktan na nga ‘yang kaibigan natin, nakuha mo pang mang-asar,” ani anamn nito sa akin. Up here naman tayo diyan mare, sarap sampalin ng salamin na sapatos ni Cinderella ‘tong bakla na ‘to.
“Okay lang mare, at saka si Mikyle? Hindi niya obligasyon na gutuhin din ako. Basta ako, magugulat na lang kayo na nakapag-move on na ako, may nahanap na ako na iba!”
Bumalik na ako sa klase namin at saka umarte na para bang hindi apektado. Baki kasi kailangan makita ko pa siya? Masyado ng eyesore, hindi na nakakatuwa.
Basta nag-aral na lang ako ng mabuti. Parang hindi kami nag-date a?
Charot, nakalimutan ko na anman na friendly date lang pala iyon. Sino bang nag-assume na tanga?
After ng class ay may work na ako.wala namang message sa akin si Mikyle na ihahatid niya ako. Baka may klase siya, klase kasama ang mga babae niya. Hay naku, mabuti na nga na gumawa na siya ng isang documentation ng mga reason. Reason to hate him so much. ‘Yung hate na hindi ko na siya magugustuhan pa.
Kaya naman ang ginawa ko ay nag-commute na lang ako papunta ng work. While sakay ako ng jeep ay may text message naman akong na-receive mula kay Mikyle. Mukhang hinahanap ako.
Sabi ko naman ay nasa biyahe na ako. Nag-call pa tuloy ang siraulo. Akala niya ba ia-accept ko? neknek niya blue! Wala akong balak gumawa ng issue sa jeep an ito ano, may sakay pa naman akong kaklase ko rito.
Pagdating ko sa work ay may ngiti sa labi naman akong tiningnan ni Travis. As usual naman ay ang sama ng tingin sa akin ni Troy. Sana okay pa siya. Minsan nga kausapin ko ito. ‘Yung usap na himlay malala. Masyado ng nakaka-personal ‘yung mga tinginan niya. Hello, hind ko deserve iayng mga death glare niya.
Nang una naman ay okay kami, super casual pero as in okay lang naman.
Kaya naman ang ginawa ko ay nagpunta na ako sa locker room upang makapagpalit na ng maisusuot ko.
Habang nagbibihis ako ay pumasok naman si Travis. Kinuha ata niya ‘yung tumbler niya.
“Nabalitaan ko an sinundan ka rin ni Mikyle a? ayos lang ba iyon sa iyo?” tanong naman ni Travis na mukhang nag-aalala naman sa nangyari.
Nginitian ko naman siya. “Kilala ko si Mikyle. Kahit naman saan ako lumipat, susunod pa rin iyon. kaysa sa masayang ang effort at oras ko, go na lang siguro. Magsasawa rin ang loko na iyo sa trip niya sa buhay.”
Sanay naman ako na parang laruan na naluma kapag hindi na ako kailangan pa. char, hugot iyarn/
Umiling siya. “Sabagay, pero kung kailangan mo ng tulong ko, katukin mo lang ako. Nasa kabilang kwarto lang naman kami ni Troy.”
Ay nako! Baka masakal pa ako ni Troy kapag ginawa koi yon.
Tumango na lang ako at saka na naghubad pa. wala naman sigurong masama dahil nakatalikod naman ako sa kanya.
Hindi ko naman akalain na aabutan ako ni Mikyle sa locker room, at nakita pa niya na naghuhubad ako.
Shutangina!