Episode 25

1010 Words
ALAM ko na alam ninyo ang pakiramdam na para bang nahuli ka ng nanay o tatay niyo na nangungupit ng barya pambili ng kendi o yosi. Naku huwag ako. Ganoon kayo nang mga bata kayo ano? Pwes, ako dama ko hanggang ngayon 'yung kabang walang humpay. 'Yung palagay na wala naman akong ginagawa na masama, pero para akong daga na nahuli ng pusa! Aba! Maryosep naman, wala naman akong alam dito ano? Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-thank you kasi nakaramdam din si Travis at mabilis na umalis siya. Pero ang siste naman dito, naiwan ako kasama ang nagbabagang si Mikyle. Problema niya? Ay oo nga pala, siya na pala ang may sabi, wala raw siyang tiwala kay Travis. Ang bait kaya nang tao, bakit naman pag-iisipan ng masama hindi ba? Utak talaga ng lalaki na ito literal na may ubo. Sana okay lang siya. "Ha, kaya pala gusto mong nauuna rito. Sana naman sa banyo ka na nagbihis," aniya na para bang inis na inis. Talaga naman kung makapagsara ng pinto ng locker niya, akala mo galit sa mundo ano? "Ha? Hassle, saka wala namang malisya iyon." Bakit nga ulit ako nagpapaliwanag? Required ba? Eme. "Ha? Sana all walang masliya," asik naman niya sa akin. "Ano bang kinaiinit ng ulo mo? Boss malakas 22?" tanong ko sa kanya. Pero ang sagot lang niya? "Wala!" Kita mo itong tao na ito. Pinapatunayan talaga na hindi lang naman babae ang pwedeng magkaroon ng touo sa utak. Grabe na talaga! Nagtrabaho na lang kami kaysa sa ma-stress pa kami sa isa't-isa. Siya talaga 'yung tipo ng lalaki na sobrang attractive, kaso masyadong kupal. Ewan ko ba sa puso ko at nagkaroon ng development para magustuhan ko siya. Maliban sa pagiging gwapo, mayaman at daks niya, wala na! Soge, idagdag na natin na sweet at gentleman siya kapag masaya siya, kapag nasa mood siya. Iyon lang mare! Maliban doon wala na akong makita na nakakaganda ng aura! So habang nagtatrabaho kami ay pansin ko na mas dumami pa ang customer namin. Siyempre, dati ng may tourists attraction dito. Imaw ba naman na model ang mag-serve sa mga kape at cake na order niya, kahit ang presyo ay ginto go pa rin! Tapos dadagdag pa si Mikyle. Ang dami na tuloy mga babaeng lason ang nandito, pati mga alipores ni Bathalumang Athena, nagsidamihan ang mga bakla rito! Pero go lang, customer pa rin naman sila. Ayaw ko namang magpalayas ng basta-basta, eme. At habang naaa trabaho ako ay nakita ko si Mikyle na todo effort magkwentuhan sa mga babaeng magaganda na customer. Kita mo 'tong tao na ito, galit sa akin kapag kaunting small talks lang kami ni Travis! Tapos siya pwede? Aba! Pwede ko bang mahanap ang hustisya? So natapos ang araw na ito na ang minumog ko ay sama ng loob, opo, sama ng loob talaga like legit. So ayon na nga sabay kaming umuwi ni Mikyle. Ang chika ko ngayon sa kanya ay paano ang araw niya, the usual lang naman. Tapos naisip ko na hindi rin enough na ganito ang set-up naming dalawa. Naisip ko na baka kailangan ko ng pangmalakasan na distraction. Saan kaya makakahanap ng boy toy? Eme. Wala akong pera para sa ganyan. Saka wala akong mahahanap na tangang gwapo, mayaman, malaki ang kargada at higit sa lahat may mabuting kalooban. Walang ganoon mars, baka nasa jupiter. Mga bobita mirasol. Pero hindi rin naman bad ang idea na makipag-blind date ako hindi ba? So bago matapos ang semester, opo, ganoon kabilis ang panahon, ganoon din naman ako katagal na nagtiis ng sobra kay Mikyle. Alam mo 'yung masaya kasi kasama ko 'yung lalaking bet na bet ko kahit na straight na straight siyang lalaki. Tanginang iyan. Pero mahirap din kasi araw-araw na ipinapamukha ni San Pedro sa akin na hindi siya para sa akin. Straight nga at hindi ko siya mababali. Alam ko na hindi niya pinapakita na may mga kasama siyang babae. Pero madalas ay hindi niya alam na nahuhuli ko siya. Alam ko, pwede na akong mag-apply na CCTV camera ng mga marites diyan. As of the moment nga, I asked Mae kung may kakilala siyang bisexual o kahit pansexual pa iyan na interesting makipag-date. 'Yung gagawin ko bang distraction at rebound. "Sure ka ba diyan mare? Baka mamaya mang amok ng away si Mikyle kapag nalaman niya na makikipag-date ka," aniya naman sa akin. Bakit ba takot na takot sila kay Mikyle. Parang naglalakad na tanga lang iyon e. "Bakit ba takot na gakot kayo roon? Ako ang bahala! Isa pa wala siyang k na pagbawalan ako. Siya masaya habang ako bantay sarado? Hindi naman ako babae na may iniingatan na p********e. I can handle myself well. At saka sa iyo ako nagpapahanap para sure ball na matinong lalaki ang mapupunta sa akin." "Well, nasa tamang tao ka nga naman! Sige, set natin ang date na iyan. Naku, may kakilala ako. Hindi siya straight pero walang bahid talaga. Ang alam ko ay anak pa iyon ng mga may-ari ng restaurant, at model din iyon. May lahing Turkish kaya naman go at go, pak din ng pak kasi daks!" Para namang pumalakpak ang tenga ko sa pa-description de papa nitong si ate ghorl ninyo! Para bang makikipag-blind date ako sa rich kid na may multi function na system. Gwapo daks at may pera pa! Anong klaseng biyaya naman ito. KAYA naman weekends pa lang ay go na go na ako. As in nagbihis na ako sa best out fit ko. Ang bango ko, kasi nilabas ko na 'yung maalamat na pabango ko. I look presentable enough para maglaway sila mga one hundred times! "Saan punta mo?" tanong niya sa akin. Malapit ng mag-10 ng umaga, usapan kasi 12 as in lunch date ang ganap namin ni Luke. Oo, Luke ang pangalan ng makakadaupang palad ko. Eme! Nakita ko na rin ang picture, kaya naman masasabi ko na ligwak ganern virginity ko teh, basta maliligwak ko rin pera at sociological benefits. "Basta, lalabas ako. Ikaw na bahala rito!" Makipag-date kankay satanas kung pwede lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD