SO ayon na nga, ang pinaka-prettiest mas pina-prettier pa na ako, rarampa na ngayon. Para magkalinawan lang, maghahanap lang ako ng someone na magiging dahilan para ma-uncrush ko na ang kuya Mikyle niyo. I know, I know, hindi ganoon kadali iyon! Walang madali sa ngalan ng pagpapawala ng feelings. Walang kahit na anong madali roon.
Bakit? Kasi lahat tayo marupok. Huaag niyong sabihin na ako lang? Girl, ang plastik ninyo! For sure naging tanga rin kayo.
Dahil sa crush gagawan ng project, assignment, at saka thesis? Dahil crush magiging tulay kaya maiiwan na luhaan? Naku teh! Been there done that. Ako pa ba lolokohin niyo mga kupalyers kayo. Huwag!
Dahil nga windy season na, 'yung season ng mga mahahangin na tao tulad ninyo, mga bwakangshit kayo, siyempre alam niyo na, may jacket ako! Galing pa nga kay kuya Wil! Kahit huwag niyo ng tanungin!
Anywho nga pala, naghihintay ako sa isang coffee shop. Malayo sa shop na pagtatrabahuan ko... alam niyo naman na maraming espiya si Mikyle doon.
Siyempre waiting game lang ako rito. Bahala na kung sino ang kaibigan ni Mae na mapupunta! Ang alam ko lang ay pak na pak at pogi 'yung ka blind date ko ngayon.
So ang siste nito ay tamang ganap lang ako rito. Sipping my coffee. I look extremely expensive right now! Hindi mo kakayanin! As in hindi mo kakayanin mamshoe!
So as I was trying to say, g na g ako rito hanggang sa makita ko na nga siya. Hindi ako pwedeng magkamali, kasi sa picture pa lang mukha ng masarap. Alam mo iyon? 'Yung kaluhod-luhod ang katawan at itsura! Ganoon siya kasarap sa eyes.
As in!
"Hi," aniya sa akin sa malalim na boses niya. 'Yung bed room voice talaga! Kung ganito rin naman 'yung magiging exchange rate sa akin ni Mikyle, move on who? Hindi na kailangan ng pahirapan na pagkakalimutan! Binabawi ko na nga pala ang sinabi ko kanina!
"Hello, ani ko sa mababang boses. 'Yung mahina pero parang babae na babae na boses! 'Yung magtutunog sampaguita ako! Ganoon mare! Hindi 'yung boses ninyo na pilit, tapos umu-uwu pa kayo hindi naman kayo cute. Ang kapal ng fes ha?
"I am Van, nice to meet you," pakilala naman niya sa akin habang may ngiti sa labi. "You are cute," puri pa niya. Ahem! Inubo ako, 'yung ubong nay halong kilig!
"I am Sho, you can call me taht way even though it si not my real name, you know, my real name is so mabaho." Do not judge me!
Marunong bang mag-Tagalog ang lalaki na ito? Baka naman maging anemic ako after kong jowa-jowain iting lalaki na ito.
"Okay, Sho. I have a set of plans for today, but of course I will ask for your opinion about that, hmm?" tanong pa niya. Alam kong basic naman 'yung English ko, pero 'yung pondo ko ng vocabularies, nanganganib na baka maubusan na rin ako.
"Hey, are you really spokening dollar?" tanong ko sa kanya bilang paninigurado.
"Nagta-Tagalog ako," aniya naman. Kahit medyo slang at least marunong naman pala! Shuta, pasalamatbsiya at gwapo, mukhang madatong, macho at may bakat! So i forgive him!
"Good naman pala! Akala ko ay mawawalan ako ng dugo sa iyo sa date na ito. You know, I am not the best among the rest when in comes of speaking dollars," ani ko trying to be funny. At least napasaya ko siya.
Kayo ba masaya?
"Then I am planning to go on a PlayStation nearby, then have a window shopping, explore some store, watch a nice beautiful movie, and let us ride a ferris wheel. Is it okay with you?" he tried to ask me! Ayan! Nahahawa na ako sa pagiging English Major niya.
"Sounds like a dream date for me," sabi ko naman sa kanya.
So ayon na nga, sunod sa plano ni boss Van, punta kami sa basta parang Playstation sa mall, siyempre kakain kami rito, alangan maglaro 'di ba? Playstation nga e!
Another naman ay punta kami sa mga shops, at talagang legit na rich kid. Pero kahit mukha akong pera, hindi ako user o gold digger. Wala akong pinabili sa kanya, and although he insisted to buy me things, siyempre nag-refuse ako. Girl, hindi ako materialistic na tao. Medyo plastik oo, pero materialistic? Hindi, hindi ako pinalaki na ganoon ni Clara at Fausto.
Then next naman tayo kumain kami ng lunch. So siyempre I requested something yummy and tasty, char! Gusto ko seafood as usual, mabuti at masunurin na tao.
Then ako ang namili ng movie namin. I requested a non romantic movie. Mabuti same taste kami on more actions ang gusto namin. Pabebe masyado ng romance! Hindi ko trip. Saka na kapag may halo na.
And ang rating ko? 6 lang, yes I enjoy pero dama ko na siya hindi gaano. I mean there is something na pumipigil sa kanya.
Gusto niyo pa ba ulit akong mag-English? Hmm?
Then ayon na nga po, after ng ganap ko ay go na kami sa Ferris Wheel. Sabi kasi niya ay pangarap niyang makasakay rito. Kaso...
Kaso hindi niya na natuloy ang sasabihin niya.
"May kulang ano?" panimula na sabi ko. Mukhang nabigla naman siya.
"I am too obvious, I guess," aniya naman sa akin.
"Yup, alam ko na may dahilan ka kung bakit pumayag ka sa blind date na ito. But you are not wholeheartedly about this thing. Someone drag your heart away from you, and you are now just looking at that person. So? Chika mo na. We cannot date because obviously you like someone but you cannot get iver, same to me rin naman. May gusto akong lalaki, but I cannot get over."
Nataww naman siya. "Looks like we are just on the same bought right now. Yup, I like a guy, but he hates me so much because I ruined him, and everything on his life too."
Parang ang bigat naman ng simula niya. Ang bigat ng ganap niya sa buhay. Keri ko kayang pakinggan siya? Parang ang hirap naman!