MALIBAN. Sa pagiging Marites ko, siyempre dakilang guidance councilor, love guru na walang love life at madami pa akong ambag sa mundo.
So after kong mapakinggan ang side niya ay nais ko siyang batukan. Akala ko pa naman ay iba itong lalaki na ito kay Mikyle. Kailangan ba lahat ng leading man parang may depekto sa ulo? Aba! At sobrang nakaka-stress naman ata noon.
"Ako ha? Ayusin mo ang buhay mo kung gusto mo talaga iyang mystery gay na bet na bet mo. Ang pangit naman kasi ng approach mo e. Outed ka naman pala sa pamilya mo, wala ng problema roon. Buti nga kahit may lahi ka na Turkish accepted ka. Parekoy, kung bet mo si bottomesa! Ligawan mo, hindi 'yung mapapansin ka naman sa masamamg paraan. Ano bully mo siya? Tapos napansin ka nga, dumagdag naman ang sama ng loob noya sa sa iyo, aba at sobra naman atang nakakaloka iyang mindset mo!
"To be honest, isang beses pa lang akong pumasok sa relasyon, and he only use me. Sana huwag ganoon ang iparamdam mo sa kanya. Do whatever you can do para mapatawad ka niya, saka mo patunayan na malinis ang intensyon mo," medyo mahaba na payo ko sa kanya. Para naman magising siya sa kagaguhan niya.
"This blind date is the best!" aniya naman na tila alam na niya ang kasunod na gagawin nito. Sanaol na lang muna ako, ems.
At least 'di ba? Natulungan ko siya. He also asked my sutuation, napa-kwento rin ako. Malay ko ba kung kilala niya si Mikyle. Basta hindi ko rin pinangalanan 'yung si Mikyle para quits kami ni Van.
He offered any help na pwede niya raw magawa para sa akin, sabi ko naman ay small things lang 'yung payo ko. Gusto ko nga na ichika, masyado lang common sense 'yung ganoon na klase ng behavior.
Kung mahal mo, ingatan mo! Jusko, iyang regret na iyan alam ba nila kung saan nagsisimula? Nagsisimula iyan kapag akala nila tama ang ginagawa nila pero hindi pala.
At least he offered me a dinner kaya masaya ako. Butok batok kami now with these lovely food here. Parang pumalakpak ng literal ang tenga ko! Busog na naman ako. Kaya naman pag-uwi ko ay diretso na lang ako na matutulog.
Tatlong taon ko pang itutulog itong nararamdaman ko kay Mikyle. Bakit ba kasi ang bilis ko lang mahulog? Ha? Sabihin niyo nga sa akin agad, as in now na. Nakakainis na rin kasi e.
So ayon na nga, speaking of the devil in prada, nakauwi na ako at parang baliw na naghihintay sa akin si Mikyle. Ewan ko ba sa lalaki na iyan, required ata maging praning sa kanya.
Nag-message naman ako rito na nasa maayos ako na lugar, kumain lang ako sa labas. Ang kulit ng lahi niya kasi. Kahit ayaw ko ay napapa-reply talaga ako ng malala.
Tatanungin niya ako kung nasaan na ba ako? Sino ba raw ang kasama ko? Lagot daw ako sa kanya kapag lalaki raw ang kasama kom. Ako pa pinagbantaan niya? E hindi naman ako takot.
Hindi ko nga siya kinukudaan kapag may babae siyang kasama. Kasi heto ang bottom line kasi diyan! Walang kami! And never na magkakaroon ng something's between us! Ganoon katindi!
Nang makita niya ako na papunta sa gawi niya ay agad niya akong nilapitan, nanlilisik ang mga mata niya, mukah siyang toro na namumula. Hindi ko na maintindihan saan hinuhugot ng lalaki na ito 'yung dahilan niya para magalit. Lumabas lang naman ako, single na single ako! Pwede naman akong makipag-mingle!
"Ha! Magaling! Magaling ka na naman, Sho. Imagine, anong oras na at ngayon ka pa lang, ni hindi ko alam kung sino ang mga kasama mo. Hindi sila Mae, hindi si MM at Lei." Aba! Daig pa nito ang pulisya a?
"Okay ka lang? Alam mo boy, ang mahalaga buo akong nakauwi. Saka saan ako nagpunta, pumunta ako blind date," sabi ko na walang gatol. Bakit nga naman ako matatakot e wala naman akong ginawang masama. Walang masama kung nakipag-blind date man ako.
Wala naman aking commitment, wala akong inaapakan na tao.
"Sho naman! Why do you have to do such thing? Nandito naman ako o?" aniya pa na ikinanganga ko. So what kung nandiyan siyañ ano naman ngayon? Ikakabusog ko ba kung sakali man na nandiyan siya?
"Mikyle, pagod ako okay? Masakit paa ko kakalakad sa mall, kumain na rin ako ng dinner, pero kung ikaw hindi ka pa kumain go, pagluto kita." Gusto ko nq lang iligaw 'yung topic ng usapan. Ang wild kasi masyado ng imagination ng lalaki na itk. Baka isipin niya pahod ako dahil kumana ako sa kung saan-saan.
"Ha! Sino iyang lalaki na iyan? Tangina saan mo nakilala?" tanong niya habang sinusundan ako sa kusina. Parang timang madalas si Mikyle. Hindi rin nakakaintindi ng simpleng salita ano? Ang basic lang naman ng sasabihin ko sa kiya. Gusto ko lang naman i-chika sa kanya na blind date iyon. Malamang kanina ko lang nakilala.
"Ay, huwag mo ng lagyan ng kulay pa ang buhay pag-ibig ko. Single naman ako, kaya naman may karapatan akong makipag-meet up. I believe also na walang masama na makipagkilala ako. Hindi naman por que nakipag-blind date jojowain na agad. Have some fun din," sabi ko sa kanya!
"Pero ako lang ang crush mo," he insisted. At talagang ilalaban niya pa talaga. Alam ko naman iyon, at ang kapal ng mukha niya na ipaalala. E sa araw-araw nga na ginigising ako ni Lucifer, algi kong natatandaan na mahal ko pala si Mikyle.
'Di ba? Wala naman akong ginawamang masama. Ay madami pala, pero hindi iyon rason para karmahin na naman ako ng isang lalaki. Pero okay na, at least hindi babae karma ko!
"Oo nga, crush na kung crush, bet na kung bet. So what? Sabi mo nga tutulungan mo akong maka-move on, kaya namam go lang ako. Kaso wala naman akong tulong na natatanggap mula sa iyo, so ano ang siste? Ako na lang ang gagalaw! Hanap ako diyan ng mas better option, at least mawawala na ang tinik sa lalamunan mo."
Pero literal na nagimbal naman ang aking pagkatao nang hawakan niya ako sa braso. He looks mad, maybe even furious about what I have said.
Oh! Shuta kasing Van na iyan e, napapagaya na ako sa pagiging Englishero niya.
"No, huwag mo na alng ituloy ang pakikipag-date na iyan, ako na lang," wika niya sa akin na ikinasindak ko. Ano pinagsasabi niya?
Tinigilan ko muna ang panghihiwa ko ng gulay at saka siya hinarap. Gusto kong panoorin ang mukha niya habang sasabihin niya sa akin na prank lang naman ang lahat ng ito e. And I should not take this seriously.
Minsan alam ko na rin ang mga behavior niyang ganyan e. Aminin niya pa man sa akin o hindi, I know how hard headed he is, he is also possessive sa mga bagay. I know maybe it his innately nature, pero huwag niya naman aking idamay.
Kahit pa alam niya na may pagtingin ako sa kanya, hindi niya dapat gawin basehan iyon para masabi na kailangan at kaya niya akong hawakan sa leeg. Kahit kaya niya, wala pa rin akong pakialam! Ano siya? Gold? Huwag niyang sabihin ng harapan na daks siya, dadagukan ko talaga siya ng malala! Anong karapatan niyang i-flex lahat ng katangian na nagustuhan ko sa kanya, ngayon pa na may dating plan na ako.
"Kung ano man ang trip mo sa buhay, Mikyle, please lang at huwag mo na muna akong idamay. Nananahimik na nga ako rito e. Gusto ko na lang ng mapayapang mundo, word peace sana 'di ba?" Kasi nakakabwisit at hindi naman nakaka-flatter ang sinabi niya.
For the sake na hindi lang ako eligible na makipa-date sa iba siya ang magiging substitute. Pakiramdam ba niya obligasyon na niya ako? Hindi ko alam kung saan nanggagaling mga sinasabi niya, pero malinaw sa akin na hindi niya dapat sinasabi ang ganyang mga bagay. He should never doing such thing.
"Look, sa palagay mo ba susundan kita rito kung wala akong nararamdaman para sa iyo, Sho. Sho can you hear me? At least listen to me when I say that I like you much. Gusto na gusto kita. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat. Kahit na sabihin mong nalilito pa ako sa sekswalidad ko, ang alam ko ay ayaw kitang mawala! I am getting jealous whenever you go out with some other guys! This is not just me being possessive at all!"
Kung pwede lang malaglag ang mga mata ko sa mga oras na ito, gumugulong na sila marahil! Grabe naman utak iyan. Talagang naisip niya pa iyon? Na akala niya ay maniniwala pa ako?
"Kahit anong sabihin mo, Mikyle, alam ko naman na confuse ka lang. Hello, ako lang ang bakla na tumalo sa iyo sa patigasan ng bungo, kaya naman attracted ka sa something new... Pero trust me na sa una lang iyan infatuation na iyan. Vonfuse6ka lang talaga kay ka nagkakaganyan. Hindi mo ako gusto, hindi mo ako bet. Iyon ang totoo! I just change your perspective about gays, but it does not mean na like mo na ako. Saka isa pa, dinala at sinama kita rito tulungan mo akong mag-move on, hindi 'yung ganito na lalo mong guguluhin at yayanigin ang paniniwala ko!" inis na wika ko.
"Sa tingin mo ganoon lang talaga iyon? I hate gays! Hindi ko kayo gusto, at nandidiri pa rina ko sa ideya na hahawakan, hahalikan ko ang ibang mga bakla maliban sa iyo! You have no idea how it is hard for me to resist you. I badly want to kiss your red kissable lips.
"I want to touch your white and soft skin, I want to carry you like my bride, I like when you hug me on an unexpected moment, I like the way you cook for em, teach me and guide me. You did not just change me, you becake part of me."
At para bang litera na nahulog na nga ng tuluyan ang puso kong marupok pa sa marupok. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang hindi ko na ata kayang kumalma. Gusto ko lang naman ng mapayapang college life, pero mujhang hindi ata mangyayari iyon.
Niyakap niya ako bigla. Hindi sobrang higpit, pero dama ko na ayaw niya akong mawala. He embrace me like there is no tomorrow, and you can't expect me to act like a stone. Sinubukan ko naman na maging pusong bato, perp pagdating sa lalaki na ito ay agad din naman akong nagiging malambot. I like him so much that way. He is a part of my dreams.
Pero hindi ko pa rin kayang magtiwala. I love him, but I do not trust what he feel. I do not want to take the risk yet. Masyadong malalim kasi ang nakuha ko na sugat noon. Hindi ko kakayanin pa kapag naulit muli iyon.
"Pag-iisipan ko, Mikyle. Hindi basta-basta ang gusto mo. Nakakabigla ang lahat."
"Take your time as long as you will not entertain any man right now," aniya pa sa akin habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Nakayakapa pa nga siya sa akin e.
Gusto ko nga siyang tanungin kung chill lamg ba siya sa lagay niya. Daddy Chill. Amg mahirap lamg ay hindi naman siya magaan.
"Hiy, masakit na, ang bigat mo kaya," saway ko naman sa kanya l.
"I just love Huggins you," aniya pa na parang nagpapa-cute.
"Pangit mo," sabi ko sa kanya saka na tumalikod at itinuloy ang ginagawa ko na panghihiwaka. Like legit na legit talaga.
"So sino ang mas gwapo? 'Yung gago na nanliligaw sa iyo? Sino ba kasi iyon?" tanong pa niya. Akala ko pa naman ay tapos na ang issue na ito. May pa-confess na nga hindi pa rin nakalusot.
"Wala, wala iyon. Hindi naman na kami magkikita noon. Saka isa pa ay nakilala ko siya dahil kay Mae,'' ani ko. Sorry na Mae, agad.
"Tsk, huwag ka ng pupunta sa kahit na anong blond date, be contented on me," aniya pa sa akin. Ang lalas mag-demand! Palibhasa alam niya ang weakness ko, bwisit na lalaking ito, magaling mag-take advantage!