"LAKAS mong mambawal a? E ikaw nga kapag tumatambay ako sa students park, katabi pa ng department ninyo, kung sino-sinong bilat ang kasama mo!" Ako naman ngayon. Lakas maging possessive, ukinam akala mo naman talaga anak ng loyalty and chivalry. Huwag nga ako.
Oh? Natameme siya ano? Iyan ang napapala ng possessive kuno pero babaero naman in real life! Naku, doon pa lang bagsak na siya. Patunayan niya na ang gusto niyang patunayan.
Pero hindi niya agad maaalis ang duda sa akin. Siyempre naman, e hudas ko siyang nakilala e. Memorized ko pa hanggang ngayon kung paano siya mambabae, at kung gaano siya kalibog. Anak siya ng tipaklong!
"Ano! Dati iyon, ngayon hindi na. Saka ginagawa ko lang naman iyon dahil hindi ko agad matanggap na nagkakagusto ako sa isang bakla. Natakot ako siyempre, kaya naman sinubukan ko rin na iwasan, pero hindi ko kaya," aniya pa. Galing mambola a? Saan kaya gawa ang dila ng lalaki na ito? Masyadong ginagalingan e.
"Asus! Sige, maniniwala muna ako saglit habang hinihiwa ko itong gulay para sa chapsuy na ito. Pwede ba at tigilan mo muna ang kakayakap sa akin? Kung may bayad lang iyan, mayaman na ako," wika ko rito. Aba, siyempre hindi ka lang dapat green minded, maging business minded ka rin! Hindi naman maganda 'yung labas ka nang labas ng pera, e wala namang napapala.
"Willing to pay, basta ikaw," banat pa nga niya. Kaso hinampas ko na ang braso niya upang makawala ako sa mahigpit na yakap niya. Akala niya ba sa katawan ko gawa sa marmol? Ang sakit ng braso ko sa mahigpit na yakap niya.
"Che! Hindi naman ako mukhang pera... Umupo ka na nga muna sa isang tabi at huwag mo muna akong kulitin. Kapag ako ang nabwisit sa iyo, pakakainin na lang kita ng pinakulong tubig na may asin!" banta ko sa kanya. Kaya naman dali siyang umupo at parang bata na nagpapa-cute sa akin.
At gaya ng sinabi ko, hindi naman ako gawa sa marmol o bato! Natural kikiligin ako. Shuta, bakit naman kasi may biglaang confession? Akala ko ba move on na tayo, self? Atras na ba? Retreat na ba at huwag ng ituloy ang change of heart operation?
Habang nagluluto ako ng chapsuy, tapos may kapares na baked chicken ay hindi ko naman maiwasan na lagyan ng pagmamahal ang niluluto ko na pagkain.
Sa true lang 'di ba? Kahit magpaka-plastik pa kayo diyan, hindi niyo maitatanggi sa akin na masarap magmahal, kahit crush life nga nasasaktan na tayo, paano kapag naging real object of affection na natin 'yung isang tao!
Wala pa ngang isang tao hulog na hulog na ako kay Mikyle. Sa ngayon ay hahayaan ko muna siyang manligaw. Oo, magpapaligaw ako kasi wala kayong k. Hindi naman kasi por que ligaw, jowa na agad. Aba, susubukan ko muna ang tubig. Saka wala pang kasiguraduhan ito.
Malay niyo naman kasi, biglang jinowa ko itong si otoko, tapos malalaman ko na straight pala siya, want niya ng family, hate niya na maging kasama ko sa habang buhay. Ang dami kasing consequences kapag nagmahal ka ng straight, 'yung mga straight couple nga walang assurance na sila na talaga ang end game.
Sa mga bakla pa kaya? Mas bumaba pa ang kasiguraduhan.
Kaya naman pinakain ko na ang manliligaw ko. Baka nalipasan lang siya ng gutom kaya naman gustong manligaw.
"Ano? Solve na solve ka na ba? Okay na ba ang pag-iisip mo?" tanong ko rito. Malay ko ba kung sumikip na ang paglakaikot ng turnilyo sa utak niya.
"Ayos na boss, sarap mo talaga, este ang mga niluto mo." Hindi na ako nagalit nang sabihan niya ako ng masarap. Oh 'di ba? Hindi pa nga niya ako natitikman, alam na niya.
"Ngayong busog ka na, baka naman malinaw na ang pag-iisip mo? Aatras ka na 'di ba? Aba at ako na ang nagsasabi sa iyo, kapag sinubukan mo akong ligawan magsisisi ka. Hahanapin mo pa rin ang tulya at talaba. Hindi lahat ng pangangailangan, benefits and convenience sa isang babae ay makukuha mo sa akin... Alam kong hot ako, pero hindi ako mainit na kanina na kapag kinain at napaso ay iluluwa mo na lang basta-basta. Hindi rin ako TAE. Trial And Error ng sexuality mo. If you want to explore, ask somebody else," linaw ko sa kanya.
Pero hanggang ngayon ay seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa anong nasa utak ng lalaki na ito.
"Basta, buo na ang desisyon ko na likigawan kita. Kahit na ano pang sabihin mo na discouraged, gagawin ko pa rin. I dated girls, yes, but I never saw someone like you for a very long time. If you think na nagustuhan kita dahil kailangan kita, nagkakamali ka," aniya sabay hawak sa kamay ko upang halikan.
Ayaw kong tumili rito! Protacio, sinasabi ko sa iyo! Kapag tumili ka, babarilin ko sarili natin.
Oh 'di ba? Medyo na-stress na ako kay Mikyle at sa inyo, kaya naman chinichikahan ko na ang sarili ko.
"Eh bakit mo pala ako gusto?"
"I just felt that I like you, ayaw ko ng mag-explain pa," wika nito. Ang tipid naman magsalita! Wala namang bayad e. Gunggong talaga ang lalaki na ito.
"Ewan ko sa iyo at gawin mo lang gusto mong gawin. Ang gusto ko lang sabihin sa iyo, pagdating ng araw ay huwag mo akong sisisihin kapag nagsisi ka."
Matapos kaming kumain ay nagpababa muna kami ng kinain namin. Siyempre nagkainan kami, char! Nasta, nakatayo lang kami habang naka sandal siya sa pader, ako naman ay nakatingin sa bintana.
Biglang bagsak ng ulan, at hindi ko maiwasan na isipin ang nakaraan. Kung nasaan man ang LALAKI na IYON, sana karmahin na siya. Because of him, I am so afraid to love again.
Siya ang nagturo sa akin kung ano nga ba ang kulay ng love. He described it for me. Been there done that. Pero siya rin ang nagbigay ng pangit na kukay sa paniniwala ko sa love.
I was hurt by him, played by him, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatakas sa trauma na inaabot ko.
"Sho? Sho?! Hey, ang lalim naman ata ng iniisip mo?" sita niya naman sa akin. Ano ba naman iyan! Ang perfect ng senty mode ko rito tapos guguluhin niya. Tapikin ko kaya bulbol ng lalaki na ito?
"Bakit ba? Ang gulo kita mong appreciate na appreciate ko 'yung patak ng ulan. Nakaka-fresh kasi," inis na sabi ko naman sa kanya.
"Matulog na kasi tayo," lambing niya sa akin habang marahan naman niya akong hinihila papunta sa kama!
Ay, hindi pa ako prepared sa mga ganyan na daring na eksena ha! Virgin pa ilong ko sa mga ganyan! Cannot be barrow one!
"Kailan ka pa natutong hindi makatulog ng wala ako sa tabi mo? Masyado ka naman, required na ba ngayon ang existence ko para maging mahimbing ang tulog mo?" wika ko naman sa kanya.
"Yeah, of course," aniya naman na parang wala lang 'yung ginawa ko na pangbabara. Aba, at hindi na ata siya tinatablan ng pasma ko sa bibig.
"Hayst, sige na nga at matulog na nga tayo ng mapayapa, loko ka talaga kahit kailan ano? Pasalamat ka at napakalamig na ng panahon at masarap ng himimlay ng malala."
I manage to go on his side, dahil sabay na rin na kaming nahiga ni Mikyle sa kama. Queen size naman ang laki kaya tabi kami. Usually ay may unan na naghihiwalay sa aming dalawa. Ang kaso ay lagi namang inaalis ni Mikyle iyon, ang siste ay nagigising na lang ako na para bang may ahas na nakapalupot sa akin.
Muscle lang pala ni Mikyle.
Huwag na kayong mainggit, hindi na kayo magkakajowa. Magkakajowa man kayo, wala na sa level ni Mikyle, okay? Sana nalinawan na kayo ng malala.
At habang nasa kama kami ay bigla niya na akong hinila para mayakapa.
"Ano ba?! Mukha ba na body pillow ang katawan ko? Kainis ka rin madalas e. Ang luwag ng kama sa akin ka sumisiksik. Sardinas ka ba?" inis na sabi ko na sa kanya. Hindi ko na lalagyan ng preno ang bibig at salita ko. Sanay na sanay naman na siya sa mga choice of words ko.
And in fairness naman ha? Hindi ko na problema kung hindi niyo kayang i-appreciate iyon.
Pero mas maayos na ang mga salita ko ngayon. Siyempre ayaw ko naman na madalas mapaaway. Same na maldita pa rin naman ako, pero maa humaba ng 0.00006 percent ang patience and virtue ko ngayon. Share ko lang!
"Yakapin na nga kasi kita. Ang lamig ng panahon o? Masarap may kayakap kapag ganito," dahilan niya pa sa akin. Akala ba niya mabenta iyang sinasabi niya? Nakaka-ulol kamo.
"Ay, ako tigilan mo sa ganyan, Mikyle. Hindi na gagana sa akin iyan, harot nito. Mabuti pa at suggestion ko sa iyo, matulog ka na ng mahimbing doon sa pwesto mo! Aba, anong akala mo sa akin? Humihinga sa pwet? Nasasakal ako," wika ko sa kanya. Preach b***h!
"Okay, sweet dreams at sana ay mapanaginipan mo ako na hubad, sumasayaw, gumigiling sa taas ng mesa..." At tinakpan ko na nga po ang bibig niyang hindi na mapigilan sa pagpapakawala ng maruruming salita!
Respect naman sa p********e ko. Ano? Shabu pa more, lods?
"Matulog ka na nga diyan, hindi 'yung puro ka na naman sa pagiging manyakis! Utang na loob naman, please." Ayaw ko magkasala ng lust ngayon. Matagal na akong walang dilig. Don't provoke me!
At least alam niya na mainit ulo ko. Huwag niya na muna sana akong galitin baka mabatukan ko siya ng matindi.
Kaya naman iyon natulog na kami ng mahimbing. Kasi naman e.
SO mabilis lang na natapos ang mga klase namin ngayong December! Alam na ang ganap nito. Opo, uuwi nga po ako sa amin. Magtutuos kami ni Clara at Fausto! Ilang buwan din akong walang paramdam sa kanila at sa maniwala kayo at sa hindi, hindi iyon nakaka-fresh. So ayon na nga.
Nagbabalot na ako ng gamit ngayon. Tamang ayos lang ng mga damit at other necessities na kailangan ko sa pag-uwi.
"Hatid na kita, boss,'' sabi ni Mikyle sa akin. Hindi raw siya uuwi sa hometown niya, which is sa Cebu pa, ang siste ay ii-spend niya ang bakasyon at ang mga important celebrations kasama sila Theo at Rob.
Hindi ko rin naman alam ang backstory bakit ayaw niya na umuwi, ang I think wala rin naman ako sa tamang posisyon para magtanong tungkol sa ganoon na mga bagay. Isa lang ang alam ko, at may kinalaman marahil iyon sa either pamilya niya, o sa nakaraan niya.
You know na sobrang bulok ng ugali ko. Ever since naging carefree ako sa mga pananalita ko, mas lumala pa ang pasma ng aking bibig. That is how hard it is for me.
Pero ayaw kong mag-judge ng isang tao base sa mga nakikita ko ng ganoon kadali. Lalo pa at tulad ko, they have their own backstory. Hindi ko lang talaga alam kung ano iyon. Basta ganoon siya.
So as I was saying, ihahatid daw niya ako, at ako naman ay um-oo na. Sbai niya ay ihahatid niya lang ang mga bagahe ko sa sasakyan niya, at ako naman ay aayusin muna, baka may naiwan kami na nakasaksak ano. Pagmulan pa ng sunog.
Paglabas ko ng pinto ay sakto rin na lumabas mula roon si Travis. Mukhang siya lang mag-isa a.
"Oiy, mukhang uuwi ka rin a?" puna ko naman sa kanya.
"Oo e, saka nauna na roon si Troy, may sumpong na naman." Ah, dinalaw na naman ng toyo.
"Suyuin mo na agad para mawala ang sapak," wika ko naman sa kanya na parehas naming ikinatawa.
Nawala lang 'yung saya nang makaramdam naman ako ng bigat sa aking balikat. Need ko bang mabigla kasi nakita ko itong si Mikyle na ngayon ay nakaakbay na sa akin, at saka masamang nakatitig kay Travis.
"Alis na ako, Sho, chat na lang! Advance holiday to you..." ani Travis sa akin. Mas naging mqbigat ang braso ni Mikyle sa akin. Hindi na lang ako nag-react.
"Ano ba, ang bigat ng braso mo. Anong akala mo sa sarili mo? Magaan?"
"Bakit mo kausap 'yung lalaki na iyon."
Eh ano pala ang gusto niyang gawin ko?