“SIYEMPRE naman, kinausap ako nang tao at alangan naman na bastusin ko siya. Ang tawag doon, Mikyle, pakikisama. Okay? Hindi ko na naman ba makuha ang logic kung bakit galit ka na naman. Kung G na G ka na aawayin mo na naman ako? Uuwi na lang ako na mag-isa,” sabi ko sa kanya. Aba, ako ang may pinakamahabang pasensya sa aming dalawa.
Kung papansinin niyo, madalas lang na pasmado ang bibig ko s***h madada talaga ako. Pero at least ako ang may pinaka-patiece sa amin. Imagine mo naman ‘yung hirap ko kakaintindi sa kanya. Wala pa ngang kami, may karapatan na kunno ito.
Para naman siyang natauhan sa sinabi ko. I mean talaga naman na dapat niya munang isipin ang mga sasabihin niya. Hindi ‘yung kapag nasita ko siya ay roon lang siya gaganyan.
“S-Sorry na,” wika naman nito sa akin na para bang natauhan at natakot sa tono ng aking pananalita. Dapat lang ano!
“Okay ka na? Hindi na sinusumpong ng toyo iyang utak mo?” paninigurado ko naman sa kanya. Mahirap pa naman na kausap itong tao na ito kapag may sumpong.
“Okay na ako, sorry kasi hindi ko lang naman maiwasan na hindi magselos,” wika niya sa akin.
“At ano naman ang ikakaselos mo roon? For your information, kapag nagpapaligaw ako, sa isa lang. Grabe ka naman sa akin. Anong akala mo? Na gahaman ako?” Awayin ko na lang siya para ayos na ayos. Babawiin ko at ipaparamdam ko sa kanya kung paano ang ginagawa niyang pangtotoyo sa akin.
“Ha? Hindi naman ganoon ang gusto kong sabihin e,” aniya na napapakamot na lang ng ulo. Pasalamat talaga siya at ang suot niya ngayon ay sando. Kaya nang nagkamot siya ng ulo ay kita ko ang mabuhok niyang underarms.
Heto ang legit na chismis ko para sa inyong lahat, wala atang parte ng katawan ang lalaki na ito na mabaho! Lagi ko kasing naaamoy ang kili-kili ng lalaki na iyan. At talaga namang ang bango! Walang katulad!
“Siguraduhin mo lang ha?” ani ko sa kanya para naman matauhan siya.
Agad naman niyang itinaas ang right arm niya. “Promise.”
“Sige, hatid mo na ako.” Batas yarn?
So ayon nga at bumaba na kami papunta ng parking lot, ang sosyal naman ng parking lot! Garahe lang naman iyon, bakit ba?
So siyempre, dahil isa akong magandang dilag ay natural na lamang na dapat niya akong pagbuksan ng pinto ng kotse! Natural na iyon, basic mathematics! Kasikung ‘di niya gagawin iyon ay talaga namang sasabog ang kalawakan.
Siya rin ang naglagay ng aking seatbelt, saka pa siya nagnakaw ng halik sa akin. Ganyan naman kagi iyan e, magnanakaw ng halik. Minsan gusto ko na ngang magreklamo sa pulis! Eme lang mars!
As I was saying nga ay nasa byahe na kaming dalawa. Siyempre dapat pang malakasan ang playlist namin, All Too Well, at lahat na ng mapanakit na kanta ni Taylor Swift. Bakit ba? E malaki naman talaga ang dagok sa buhay ko a? Mga issue kayo!
“Bakit ba ganyan ang pinapakinggan mo? Nililigawan na nga kita, feeing broken hearted ka pa,” sita sa akin ni Mikyle. Bakit ba amok na amok ang lalaki na ito? Nais niya ba talaga ng away? Bakit hindi niya agad sinabi!
“Bakit ka ba nangingialam? Nasa mood akong masaktan ngayon,” ani ko sa kanya. Para naman bawasan niya ang pagiging g na g niya sa pangingialam sa akin.
“Sus, nababaliw ka na naman.”
At nagpantig na naman nga po ang aking tenga sa narinig ko. Tama nga ba ang narinig ko? Tinawag lang naman ako na baliw ng manliligaw ko?
“Ahh, so gusto mong maging jowa ang baliw na tulad ko? Aba at sayang naman kung sakali ang magiging lahi mo. Mabui pa ay ngayon pa lang basted-in na lang kita,” banta ko sa kanya.
Masama naman niya akong tiningnan. “Stop telling me na ba-basted-in mo ako,” aniya sa akin na nagtitiim bagang na ang kanyang mga panga.
Siyempre ako naman ay kabado sa sinabi nito ngayon lang. Napapano na naman siya.
“Osige, basta huwag mo ring pakialaman ang taste ko sa music.” At ang loko umismid lang. Nasaan na nga ulit ‘yung itak? Hmm?
Matagal talaga ang biyahe pauwi sa amin. Hindi na iyon secret ano, kasi nga kung malapit lang bahay namin e’di walang bakjla na magbo-boarding house, na ang labas ay wala rin akong makikilala na Mikyle, wala ako sa ganitong sitwasyon, na nauna akong na-in love bago ako niligawan ng gago na ito, ganoon lang naman iyon e. Kung baga nagsimula ang lahat ng dahil kay Fausto at Clara.
Imagine mo ng dahil sa plano nila, heto ako at hinahabol ng isa sa mga pinakagwapo na estudyante ng university namin. Tama pa ba ito? Wala e, hindi ko naman din kasi masisisi si Mikyle. Ako lang pinagpala sa baklang lahat.
Matapos ang ride na iyon ay nagpababa ako sa isang kanto, ayaw ko sa harap ng bahay namin dahil maraming chismosa roon! Laganan doon ang mga Mosang at Marites, na hindi koi kaka-fresh kahit kailan.
“Hindi mo lang ba ako ipapakilala sa mga magulang mo?” tanong ni Mikyle na kunwari pa ay nagtatampo. Sapatusin ko na talaga ito. Parang wala kaming pinag-usapan a? Ang usapan ay hindi ko na muna siya ipapakilala sa mga parents ko.
Why? Kasi ayaw nila muna akong magkajowa. Imagine kung gaano kalaki ‘yung trauma na dinanas ko sa unang boyfriend ko, ganoon din ang naging epekto nito sa mga magulang ko, baka nga doble pa e. alam niyo naman na only child lang ako.
“Pinag-usapan na natin ito ‘di ba? Saka na kapag jowa na kita, at hindi pa sa ngayon iyon. okay? Sabi mo naman willing to wait ka e,” ani ko sa kanya.
At huwag niyong sasabihin na babae ba ako para mag-inarte ng ganito. Hoy, mga panget kayo. Para sabihin ko sa inyo na hindi lang babae ang mag-inarte. Lahat ng may taste, standard ay prinsipyo ay pwedeng mag-inarte! Mga hinayup.
“Haha, I am just kidding. Pero alam ko naman na masaya ang pamilya mo. Kaya naman pangarap ko na someday ay makilala ko sila,” ani niya sa akin.
“Alam mo boi, hintayin mo muna na sagutin kita. Kasi kapag dumating ang araw na iyon ay mapapalayas na ako ng mga magulang ko, dahil baka mas ituring ka pa nilang anak kaysa sa akin.
“Sige na, pasok ka na sa bahay ninyo, pero wala ba akong last kiss diyan?” tanong niya sa akin.
“Gadgad mo sa pader iyang mukha mo.”
Pero wala rin akong nagawa nang magnakaw siya ng halik, at saka ito biglang naging kapanabik-panabik.