"I AM back!" sigaw ko sa pamilyang ito. Ako lang ang maganda sa barangay namin, so it is not nakapagtataka na ako lang ang may karapatan na sumigaw rito, sana alam niyo na ngayon.
"Ingay, ano na naman bang nilaklak mong bata ka? Ano bang petsa ngayon? Hindi mo pa naman graduation, bumalik ka na a?" sita sa akin ni Inay na nasa harapan na ng pintuan.
As usual, siya lang sapat na para maharangan ang doorway namin. Lakas ng fesk na barahin ang dadaanan ng reyna na tulad ko.
At saka anong chika ni Clara? Na gusto na nita akong bumalik dito kapag graduate na ako? E hindi ko pa nga natatapos ang pag-aaral ko! Petsa de peligro sa akin talaga ang nanay ko.
"Nay, kung insecure ka masyado sa beauty ng sarili mong anak, pwes huwag mo na akong idamay pa sa pagiging miserable mo," ani ko sabay ismid malala.
"Anak, wala namang something na dapat ika-insecure sa iyo, pumasok ka na nga sa loob bago pa kita mabangasan. Masyado ng malala ang way ng pag-iisip mo." Gumamit pa nga ng English.
So ayon na nga at sa wakas ay parang tubol na nakaharang kanina si inay, biglang umalis kaya naman nakadaan na rin ako sa wakas. Itong si Clara, balak talaga akong pahirapan e ano?
Pagkapasok ko sa loob as usual nandoon ang tatay ko. Aba at nanunood ng cooking show si Fausto, akala mo naman talaga may laman ang katawan.
Imagine ninyo ha? Nanay ko extra-large, parang isang talon lang magwawala na ang San Andreas fault line! Tapos tatay ko naman allergic sa windmill. Paano ang payat, kaya naman itinatali namin kapag may darating na bagyo, kahit signal number one lang iyan!
Kaya naman ang naging anak nila ay perfect na perfect... Napaka-balance ng aking katawan. Pati na rin ng aking hitsura at kaluluwa. Kaya naman ligawin talaga ako ever since.
Hindi katulad ninyo na ligawin ng bala! Mga mukhang tokhang kayo.
"Tay, anong gusto niyong ulam? Hangin o gas?" tanong ko kay tatay ko. Ganyan kami, medyo magalang na ako sa lagay na iyan.
"Parang gusto ko na lang isako ulit ang mga gamit mo, nak. Nagpapatuloy pa rin naman sila sa boarding house ninyo kahit na Christmas na hindi ba?" tanong naman ni Clara na animo ay may balak akong pakayasin. Aba, sana pala sinamahan ko na lang ang macho ag masarap kong katuwang sa buhay!
Si Mikyle, sino pa ba?
"Nay, ang habol ko lang naman sa pamilya na ito ay 'yung pera ko. Kailangan ko ng pera, nay! Kung ako lang hindi kita uuwian," ani ko, kaya naman ako nakatanggap ng batok mula kay Clara.
Sa lapad ba naman ng kamay niya, muntik ko ng nakalimutan lahat ng alaala ko.
"Aray naman, nay! Ano bang akala mo sa kamay mo? Gawa sa balahibo ng kalapati? Ang bigat kayan butik ng mabali lahat ng ugat sa ulo ko."
"Hindi pa rin nagbabago iyang bibig mo, college ka na pero matabil pa rin ang dila mo," sabi ni Clara sa akin. Siyempre naman, hindu pwedeng mag-downgrade! Dapat sila ang mag-adjust sa akin, not the other way around.
"Ganoon talaga, Nay. Anong silbi ng kwento ko kung hindi pasmado ang bibig ko," ani ko na nagme-make sense naman madalas.
"May punto ka. At salamat din sa bibig mo at talas ng dila mo. Tiyak hindi ka magkakajowa, hindi ka lolokohin ng kung sino-sino diyan, gagamitin ka lang. Hindi ka an nga kagandahan, iyan ka pa at may ugali!" talagang diniinan ng nanay ko.
Attichona naman talaga ako e, at wala silang pakialam! Kahit kayo, walang pakialam!
Pero itong si Clara masyadong confident sa mga sinasabi niya. Kung hindi lang ako makakatanggap ng sermon mula kay inay kapag nalaman niya na may manliligaw na naman ako, tiyak pinangalandakan ko na, na may gwapo, macho, mayaman at daks na akong manliligaw. Ako lang naman masyadong mapili.
Saka na kapag napatunayan na ni Mikyle ang sarili niya sa akin. Ayaw kong magmadali. Mamaya sa sobrang pagmamadali ko, ayon na pala at naloko na naman ako. Masyado na akong dala na dala sa mga nangyari sa nakaraan. I want a life, so I will get a life.
"Pakainin mo muna ako, nay. Mamaya mo na ako basbasan ng dila mo," sabi ko sa kanya.
"Hay nako! Kahit kailan na bakla ka," sabi naman ni Calra sa akin, pero siya rin ang naglapag mg pagkain sa harap ko.
Kunwari pa akong ayaw rito, pero nami-miss din naman niya. Siyempre at given na dapat iyon, dahil ako lang naman ang only daughter sa pamamahay na ito.
"Anong nabalitaan ko pala? Nang huli na namin nalaman ng papa mo. Lumipat ka ra wng boarding house? Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo iyin? Mabuti at kilala rin namin ng papa mo si Mr. Ramos. Siya nga pala! Baka naman nag-live in ka na niyan ha? Naku, sinasabi ko sa iyo, Protacio Juanito, malilintikan ka sa amin ng papa mo! Mag-aral ka ng mabuti! Xoxo." Kanino nga ulit nanay ito? Masyadong jejemon e.
"Nay! Bakit naman ako makikipag-live in, e wala naman akong balak pumatol sa lalaki ngayon. Saka na kapag kaya ko na kaying sampalin ng kwarta," sabi ko naman sa kanya. Hindi na ako nakakain ng maayos sa sinasabi ni Mudra!
"Basta ayusin mo. Perp bakita ka nga ulit lumipat. Ang ganda na nga ng lagay mo sa boarding house na iyon," komento naman niya.
Siyempre alangan naman na sabihin kong, dahil sa na-in live ako sa barumbado, bastos, minsan ay loko na si Mikyle. Kaya naman naisipan ko na lumayo, at saka na mag-alsa balutan paalis. Para makapag-move on ay napakipat bahay na si bakla.
Ang kaso lang tinalo so si Repunzela sa pahabaan ng buhok! Ayon at hinabol ako ng gwapong lalaki na itago na lang natin sa pangalan na Mikyle.
After kong kumain ay hindi ako nakatakas sa mga hugasin. Alam mo 'yung feeling an isnag plato lang ginamit mo, tapos katambak ang huhugasin. Parang bumalik lang ata ako rito para maging alila a?