KAPAG nandito talaga ako sa pamamahay na ito, hindi talaga uso ang magpahinga. Ginagawa talaga akong katulong o alipin dito. Hindi na lang ako masyadong nagpaparinig, alam niyo namang may hiram na lakas si Clara kay Hercules. Kada hampas niya sa ulo ko humihiwalay ang aking kamalayan.
Ngayon nga ay araw na ng December 24. Opo, disperas na at hindi ako excited. Alam ko na dapat environmental friendly tayo, pero nakakapagod maghugas ng plato! Kailan kaya magkakaroon ng self cleaning na plato ano?
'Yung tipong ang plato na ang bahala, siya na ang maghuhugas sa sarili niya. Hays, nakakasawa.
"Alam mo, Proracio, lagi kang sumisinghal diyan ha? Akala mo hindi ko alam na ikaw lang ang nakaubos ng shanghai? Maghugas ka ng mabuti diyan. Baka imbes na masarap na luto ko ang matikman nila, makain pa nila iyang sama ng loob mo." Aba, hindi ko na problema iyon kung sakali pa man!
"Oo na nay, saka as if naman ikaw ang nagluto. Duh," sabi ko. Mabuti at nakaiwas ako sa hampas ni Clara. Baka masama ang abot ng Pasko at Bagong Taon sa akin.
But anyways, natapos ko naman ang tambak na hugasin. Stress talaga, pero go lang ng go ha? Wala naman tayong choice, isa pa iyan lang ambag ninyo sa bahay magrereklamo pa kayo? At least ako pwede akong magreklamo, kasi may ambag naman ako kahit papaano.
Ganda.
After hugas ng plato, then go na akis sa kwarto ko. Wala naman akong close sa mga nagiging bisita ni Clara. Siguro dati, nang uto-uto pa ako. Nang ako pa si Sho na walang malay, walang alam kung hindi maging mabuting mamamayan at anak ng Diyos.
Kasi hindi na uso iyon. Hindi na uso 'yung mahina ka, magmamakaawa ka. Kasi kapag pinakita ninyong mahina kayo, ay talaga namang easy target kayo ng mga gago at gaga diyan. Ayan, may tip na kayong nakuha sa pinakamaganda at pinakamalditang tao sa lugar namin.
Ako iyon, tanga.
At pagpasok ko ng kwarto ko ay may incoming call ako kaagad. Kakatawag pa lang kanina nitong Mikyle na ito, g na g na naman sa pagtawag. Sweet sana, kung hindi lang niya talaga sinisira ang araw ko.
"Anong problema mo na naman unggoy ka? Kapag ako tinanong mo na naman ako kung anong almusal ko, talagang iba-block kita sa Messenger!" banta ko sa kanya. Kagigil. Kung pwede lang magbilang 'yung tenga ko, narindi na sa mga nonsensical na tanong niya.
"Maka-unggoy ka naman, may ganito bang kagwapo na unggoy?" tanong niya sa aoin sabay foex niyang ng mukha at katawan. Mukhang nasa gym siya.
"Mayroon, kausap ko nga o," pamimilosopo ko.
"Aray, na-miss lang naman kita pero bakit ka nananakit? Hindi ba kita pwedeng dalawin diyan?" tanong niya sa akin. Mukhang hopeful na hopeful siya.
Ang hirap talaga na kausap itong lalaki na ito. Saan ba pinaglihi at ang kulit ng lahi?
"Alam mo, Mikyle, pwede ka naman dumalaw rito e, basta may sakit ako. Kaso malakas pa ako kaysa sa toro, so next time na lang," wika ko.
Ngumuso naman siya. "Sige na nga, over night na lang ako sa mga babae na nag-aaya sa akin."
Napataas naman ako ng kilay at talagang kumulo ang dugo ko.
"Go, punta ka."
Sa sobrang bad trip ko sa kanya ay ignore message muna ako at saka muna ako nag-deac ng mga social media accounts ko.
Para wala ring nagpapa-send ng aguinaldo sa akin sa gcash. Naiirita na rin ako e. At saka si Mikyle? Very wrong na sinabi niya ang mga iyon. Bakit kamo, aba siyempre naman, gusto niya bang maramdaman na less ako. Kapag patuloy niya pa akong gaganunin. Hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan siya, I mean basted pa lang pala.
Basta ganon, tapos ang koneksyon.
I know my worth, and I know how to establish it.
So ayon buong maghapon ay ganap na lang ako. Sa kusina ako most of the time dahil masarap na nga ako at masarap pa ang mga luto ko.
Balak ko ngang lagyan ng lason, nandiyan kasi mga attichona na mga pinsan kong feeling anak mayaman, asus! Ang kapal ng apog, pero 'yung limang piso na hiram nila sa akin noon hindi na nila nabayaran.
Sa sobrang taas ng inflation rate ngayon, dapat 5 thousand pesos na 'yung hiniram nila.
Siyempre natapos ang buong December 24 ko sa pagsisimbang gabi. Kasama ko ang mga magulang ko.
Kahit mga ganyan iyan, wish ko pa rin sa kanila ang good health and luck... Alam ko kasi na kung tatalikuran ako ng mundo, sila hindi.
So habang nasa Earth pa sila at kasama ako, babawi ako on my own way. Wala ng halong kineme iyon.
Kasabay ko ng umuwi si Lei at MM. Dahil ewan ko ba at may date pang nalalaman ang mga magulang ko, pupunta lang naman sila sa Motel.
Hays, oo na. Hindi ko talaga kayang maging mabait sa loob ng matagal na panahon.
"Tumutubo na naman ang sungay ni bakla a?" ani Lei sa akin. Akala niya naman ikinaganda niya iyang polkadot niya.
Polkadot sa pisngi! Mukha siyang anabel na sinapak sa sobrang pula ng mukha.
"Wala kang pakialam. Naging mabait na ako buong araw kanina, ibalato na sana ni San Pedro ang gabi. Hindi na maganda ang araw ko ng dahil kay Mikyle."
"Ay, ano ba ang nangyari?" tanong ni MM na animo'y talagang concern na concern! If I know lang talaga, ang ibig sabihin ng MM ay Marites na Mosang...
So ayon an nga at kwinento ko na sa kanila ang naging ganap. Siyempre ay sinabihan ko na sila na huwag munang magbihigay ng violent reaction.
"Sure ka bang magpapaligaw diyan? Choice of words pa lang mukhang wala naman talaga siyang balak na pumatol sa mga tulad nating nasa ikatlo na kasarian," wika ni Lei.
"Hays, ewan ko ba. Test muna natin. Ayaw ko naman sa huli magsisi ako. Isa pa ay hindi naman laging nagkakamali 'yung tao. Sadyang natamaan niya lang ang hindi dapat tamaan sa akin.
At habang pauwi na kami ay namataan ko ang pamilya na kotse.
Mikyle?