"Hala, anong ginagawa niyan diyan? Hindi ba at warla kayo? Pero in fairness naman ha? Ang gwapo niya ngayon, ay hindi pala! Gwapo siya araw-araw," wika ni bakla, akala mo naman hindi ko naririnig! Gusto ba niyang batukan ko siya ng walang latay?
"Bakla, LQ lang kami, huwag kang makati diyan. Kahit anong gawin mong itim na mahika, kahit anong timpla mo pa ng gayuma, hindi ka papatulan niya. Hindi iyang pumapatol sa mga animals," wika ko kay Lei. May balak pa ata ang hayop.
"Inamoka! Hindi ko alam kung bakit nay nagkakagusto sa iyo, may sungay ka naman," wika pa nito. Siya lang ata ang kaibigan na tanggap ko kahit insecure sa akin.
"Alam mo? Neknek mo blue. Malamang mai-inlove talaga sila sa akin kasi maganda ako. Iyon lang iyon, wala ng halong keme, at wala rin namang halo na kemikal! Umuwi na muna kayong dalawa, ako na bahala sa kanya."
Tiningnan naman ako ni MM na para bang ang wild ko sa paningin niya.
"Hoy, anak ka ng tinapa. Baka sa bahay ka ninyo magkalat ano, huwag mong ibinigay iyang kakarampot mong Bataan, Mariveles na lang 'di mo sinusuko." Bakit ba ang harsh ng mga taong ito sa akin? Wala naman akong ginagawa na masama sa kanila!
"Che! Labi pa lang ang nahahaplusan ni Mikyle sa akin ano. Get a life. Masyado kayong inggit sa akin, gusto niyo bang itanim ko na lang kayo para naman madiligan din kayo kahit papaano?"
Masama naman silang tumingin sa akin. "Tawag ka na lang sa amin kapag wala ka ng buhay," sabi ni Lei saka na sila lumisan. Sayang naman, babasagin ko muna sana ang mga bungo nila.
Nilapitan ko na si Mikyle. Tiningnan ko kuna kung lasing siya. Kapag nakainim talaga siya, hindi ako magdadalawang isip na sipain siya ng malala.
Lumapit ako at tiningnan ang tayo niya, tuwid naman parang 'yung ano niya... 'yung ano.
'Yung pagkatao niya. Ano nga ba ang iniisip ninyo? Aba'y Pasko ngayon hoy! Magnilay sa mga ginagawa ninyong kasalanan.
Tiningnan ko ang mata niya, hindi naman namumungay, 'yung amoy, wala namang hint ng kahit anong inumin. So ayon, pwede ko siyang kausapin.
"Nandito ka?" sita ko sa kanya. Ayaw ko muna sana siyang makita at makausap e. Kakasimba ko lang baka bigla na naman akong magkaroon ng puntos kay Abbadon.
"Mag-usap naman tayo o?" makaawa niya sa akin. Aba e dapat lang! Ano siya? Gold?
"Nag-uusap na tayo ngayon, okay? Doon nga tayo sa loob, huwag dito. Padating na 'yung mga chismosa sa brgy namin. Lakas magsimba, akala mo walang renewal ang pagiging member nila ng Marites Association." Natawa naman siay, pero nang nakita niya na seryoso na seryoso ako ay nawala 'yung saya niya. Aba e dapat lang.
Hindi ko trip magbiro ngayon!
Pumasok na kami sa loob ng bahay at pinaupo sa sala. "Diyan ka muna at ipaghahain kita ng makakakain."
"Nasaan muna sila Tito at Tita?" ask naman niya. Close ba sila ng mga magulang ko? Kailan ko pa ba siya naging pinsan? Chor.
"Sa palagay mo ba makakatapak ka sa pamamahay na ito kung nandito ang mga magulang ko? Uy, hindi."
Pumunta na ako sa kusina kasi baka maging marupok na naman ako. Ang gwapo niya na nga, ang tangkad at ang ganda ng porma niya, tapos basta! Ang perfect niya ngayong Pasko. Kulang na lang dapat nakabalit na siya para regalo na regalo ang ganap niya.
Naku, Sho! Iwasan mo muna ang pagiging marupok! Tandaan na galit ka pa! Iyang ang mindset natin! Please lang.
Kumuha ako ng walang kamatayan na Spaghetti, favorite din ito ni Mikyle. Kumuha ako ng platito at nilagyan ko ng graham, isang bowl ng fruit salad, juice at charan! Busog na busog talaga sa akin ang hayop kahit na madami siyang kasalanan.
Dinala ko na lahat ng pagkain niya sa lapag at umupo na ako sa opposite na couch.
"Kain ka na," wika ko.
Sumulyap naman siya sa akin. "Hindi ka ba galit sa akin?" tanong niya.
"Mikyle, kung galit ako sa iyo, malamang hindi ganyan kasarap ipapakain ko sa iyo." Real talk lang, malala.
"E bakit wala akong natatanggap na chat sa iyo? Hindi ka man lang mag-reply? Hindi rin ako makatawag sa iyo kasi mukhang blocked ang number ko. Sabihin mo naman sa akin o?"
Ako naman ay gusto na agad bumigay at makaramdam ng konsensya, kaso may kasalanan din kasi siya. Hindi naman ako baliw at tanga na biglang ignore ako sa kanya na wala namang valid na reason. Okay lang ba siya?
"Malamang, nainis ako sa iyo kanina. At ayaw ko muna isipin iyon. Heto a? Bigyan kita ng tip para huwag mo na sanang ulitin. Alam mo ba ang greatest insecurity ng mga bakal, lalo na kapag may straight sila na lalaki? Babae!
"Mikyle inggit na inggit kami sa mga babae. Kaya kahit na sabihin mo ngayon sa harapan ko na wala lang iyon, hindi mo naman sadya na ansaktan ang feelings ko, you still did it, and kung hindi mo naman kaya na ituloy ang ligawan na ito, okay lang naman sa akin. Choice mo iyon e."
Kahit masakit, why not? Wala akong balak na ikulong siya sa isang bagay na ayaw naman na pala niya.
Umiling siya. "Wala na akong ibang hinangad kung hindi ikaw lang. Tanga na lang ako kung papakawalan pa kita... Please gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. I have a Christmas gift for you," sabi nito sabay bigay ng box.
"Galing a? May suhol na agad." Napaismid ako habang siya kamot lang ng ulo.
"Hindi, matagal ko ng binili iyan. That is the reason why I want to insist na dalawin kita ngayong pasko."
At ang laman ng box ay isang promise ring, at promise necklace. Para namang natunaw na agad 'yung galit at tampo na kinain ko ng lunch. Siyempre ang sweet kaya! Mga burikat kayo, palibhasa wala kayong ganito.
Isinuot naman niya sa akin ang mga regalo niya sa akin. Siyempre kilig ako.
Kaya naman dahil wala akong Christmas gift, naisipan ko na.
"Gusto mo bang dito na lang matulog?"
Tulog lang!