ANO pa bang magagawa ko, palay na ang lumalapit sa manok. Ay wait, bakit ko ba ikinukumpara ang sarili ko sa manok? Ang ganda ko naman na manok.
But anyway, highway and Gokongwei, wala naman talaga akong choice. Hindi na ako magiging plastic na katulad ninyo ano po, opo, dahil medyo marupok ako kapag si Mikyle na ang usapan. Saan ka pa kasi, mayaman, malaki ang ano, malaki ang katawan tapos igop na igop pa. Pogi iyung ibig sabihin ng igop, baka iyon lang hindi niyo pa alam.
By the way, ito na ang unang araw na papasok ako after my long vacation. Nakakapnibago pa rin na gumising ng maaga. Kung pwede lang na maging mayaman na lang at huwag ng mag-aral. Jusko, sa ganda at fresh ko na ito, baka AFAM na o kaya naman ay sugar daddy na ang tiyak na lalapit sa akin.
Lumaba na ako ng kwarto matapos makapag-hot shower, ang bongga ‘di ba? Hindi naman halata na isang libo lang binabayaran ko sa napakamahal na boarding house n ito, kasi iyung lalaki na patay na patay sa akin, sa kanya na lahat ng gastos. Aba, huwag siyang magrereklamo, dahil in the first place ginusto niya ito ano. Bawi rin naman siya sa akin dahil ehem, huwag siyang mag-iinarte dahil ako na ang nakatoka sa mga gawaing bahay. Aba, ki-na-reer ko na, siya rin naman kung ituring na niya ako e para bang ako na ang misis niya. Ultimo nga briefna sinusuot niya ako ang naglalaba.
Go na ako sa kusina upang magluto na ng aming breakfast. Siyempre sabi ko nga ako ang misis ni Mikyle. When kaya sila ulit mag-iinuman na magbabarkada ano? Saka nag-resignna rin pala ako sa part time ko. Wala e, ayaw kasi ni Mikyle na mag-work ako. Problema ng damuho na iyan ang daming desisyon sa buhay.
“Kain na, hoy! Tigilan mo na ang kakatikol diyan!” sigaw ko sabay katok sa kwarto niya. Ayaw ko namang pumasok dahil baka makakita ako ng alter ang galawan sa loob ng kwarto ni Mikyle. Minsan nga inaatake ako ng highblood and sugar and everything, mantakin mo ba naman na kung minsan e maglalakad iyan sa apartment, ni ho at ni ha walang suot na damit. Tama po ba iyon?
Lumabas naman siya at tamang punas lang siya ng basa niyang buhok habang nakatapis lang siya, at akala ko ba diet ako? Bakit parang bigla akong natakam.
“You know, Sho, we have plenty of time. We can actually do it very quickly.” Sounds tempting, este, what?! Anong akala niya sa akin?
Nanlalaki ang mga mata ko na hinampas ang malapad niyang balikat at braso. Grabe ako pa ang nasasaktan sa ginagawa ko sa kanya e. Pakiramdam ko kinikiliti ko lang itong higante na ito.
"Hoy, ang kapal ng mukha mo, ng abs mo at lahat-lahat! Anong quicky? Gusto mong gawin kong quick ang mga oras mo sa mundo? Hala, pumunta ka na sa kusina at saka ka na kumain. Mauuna na ako sa campus, bagal mo kasi e," sabi ko sa kanya. Take note, alam ko naman kasi ang mga schedule niya kaya alam ko na mamaya pa ang pasok niya. Napaka-inconvinient naman sa part niya kung ihahatid pa niya ako.
Kanya namang pinag-cross ang kanyang vraso habang seryoso na nakatingin sa akin. "Why? Are you planning to meet someone other than me?" tanong niya na masisindak na lang kayo ng bongga na bongga!
"Pinagsasabi mo na namang lalaki ka? Ang lawak talaga ng imagination mo ano grabe. Kung ako sa iyo, kumain ka na roon, para naman malamnan na ang tiyan mo. Gutom lang iyang kakaganyan mo," masungit na sabi ko sa kanya sabay karipas ng takbo. I feel it! Alam ko na hahabulin niya ako at saka niya ako pipilitin na ihatid. Hindi ba siya aware na baka kapag nagpatuloy nito ang bagsak e machi-chismis pa pala kami. Lagot na lang talaga.
NAKASAKAY na ako ng jeep. May nakatabi pa nga ako na pogi e. Kaya naman masaya kong nasimulan ang araw na ito. Siyempre dahil pogi si kuya, dikit ako ng kwunti sa kanya. Pasimple na amoy, at grabe! Amoy mayaman mga teh. Sensitive ang ilong ko, so alam ko if fake or real ang perfume ng isang tao.
"Baka naman maubusan na ako ng amoy niyan," pansin niya sa akin habang may mala-anghel na ngiti. Bakit parang naging masama bigla ang kutob ko sa mga bagay-bagay ngayon.
"Grabe ka naman! Ayan, piso, bili ka ulit ng pabango," sabi ko sabay lapag ng piso sa kamay niya, pero agad ko rin naman na binawi. "But on the other hand, huwag na lang pala. Mukha ka naman mayaman, hindi mo na kailangan ito. Saka bwkit ka ba nagji-jeep?" tanong ko sa kanya kasi pakialamera ako na judgemental.
"Gusto mo bang i-kuwento ko sa iyo habang kinakain ko ang butas mo?" tanong niya na ikinawindang ko. Mahina lang iyon at kami lang na dalawa ang nakakarinig. Tanginis, sabi ko na nga ba e! Lahat na lang ng gwapo na napapalapit sa akin demonyo at ma-levougue talaga!
Bigla akong napa-atras talaga. Pero siya naman ang lapit nang lapit sa akin. "Ano ba, hindi ka ba makainti. May espasyo roon lapit ka naman ng lapit sa akin. Don't worry, hindi na kita lalapitan pa. Lubayan mo na ako." Wrong movr talaga mga mhie. Nakatagpo na naman tayo ng baliw na lalaki na katulad nito.
"Akala ko ba tipo mo ako? Alam mo ba na hindi ako basta pumapatol sa bakla. Pero mukhang cute ka naman," sabi niya na may kasamang kindat. Shuta, kung ano ang kina-anghel ng mukha niya, baliktad naman sa ugali. Partida ganito na ba mga tao ngayon? In the first place mga strangers kami sa isa't-isa.
"No thank you! Huwag na lang at pwede mo na akong lubayan. Kung tinitigasan ka, pukpok mo sa pader na para bang tigti-tres na yelo. Tingnan ko lang kung hindi humupa ka-livougue-an mo." Diyan na nga iyang ma-el na iyan! Ang kapal niyang bastusin ang isang Protacio Sho Juanito ha! The acidity of him!
Mabuti at nakababa na kami at mabilis akong lumayo sa kanya. Ang kaso e para bang sinusundan niya pa ata ako. Pero iyon ang akala ko. Tadhana nga naman.