ALAM niyo iyung nakakalungkot, iyung pangit kayo. Charot, pero hindi naman da joke kasi medyo real talk lang tayo ha. Wala tayong time maging plastic ngayon, but anyways nga pala, what I am saying here is, nakakalungkot na natapos ko na rin ang mahaba kong bakasyon.
Pero happy rin naman pala. Kasi makakalaya na ako sa walang preno na binig ng mother ko. Ewan ko ba, himala na wala pa akong problema ngayon sa pandinig. Siguro iyung tenga ko na lang ang nag-adjust ano.
"Kung ano-ano na naman ang naiisip mo diyan at natutulala ka na lang mag-isang bata ka! Siguro sinisiraan mo ako ano?" ani ni Clara sabay may batok pa na kasama. Wow ha? Akala mo kamay ng dalaga ang kamay ni Clara, e sa true lang na ang sakit ng bawat batok niya, daig pa ang hagupit. At saka bakit ba alam niya na bina-backstab ko siya sa isip ko? Ano, namana niya ang powers.
"Nay naman! Paano ko magagawang isipin iyon sa iyo? Eh love na love kita. Ang sarap mo ngang yakapin nay e." Iyung hug na may kasamang pananakit ng katawan. Ganun sana 'di ba?
Pero mukha hindi naniniwala sa akin si nanay. E wala naman akong magagawa sa bagay na iyon. Basta ang alam ko e kalahati ng nararamdaman ko gusto ng lumayas sa pamamahay na ito, kalahati naman e gusto pa rin na magbakasyon. Hays, when?
Si nanay naman e sa isang higlap lang e nagawan na ng paraan na ma-empake na ang mga gamit ko. Hindi naman siya excited na palayasin ako ano po? Grabe na talaga!
"Ayan ang allowance mo ha, Sho. Naku ikaw sinasabi ko sa iyo huwag ka muna magjo-jowa, sabagay hindi ka naman ganoon kagandahan, wala ka rin naman kepyas, so wala naman sigurong magkakamali, but in case lang! Huwag mo ng hangarin pa na manlalaki. Iyang pera mo e sinupin mo, ha? Huwag mong gagamitin pang-booking," wika nito na ikinawindang ng aking pagkatao. Jusko, nanay ko ba 'to?
"Nay, alam mo, ang sama ng tingin mo sa akin! Makalayas na nga, akala mo e maganda,'' sabi ko sabay karipas na ng takbo dahil baka maabutan ako ni Inay, at tiyak na makakatikim ako ng hagupit ng idang elepante, like legit.
MABUTI at hinatid ako ni tiyo sa bagong boarding house ko. Nakahanap kasi ako ng mas malapit at mas mura. Hindi ko nga alam kung bakit masyadong mura ang offer ng land lady, and take not mga panget, siya pa ang lumapit sa akin. Walang halong eme iyon!
Nang nakarating na ako sa bago kong boarding house e expect ko siyempre na nandoon na ang makakasama ko. Dalawa kami actually, pero hiwalay naman ng kwarto kasi para siyang apartment set up. Ang bongga 'di ba?
Nang makapasok eh nakarinig na ako ng may nagluluto sa kusina. Wish ko lang talaga na gwapo at mabait ang makakasama ko. Kung katulad lang ni Mikyle, salamat na lang sa lahat.
Speaking of the devil with ten inches. Hindi na nagparamdam sa akin ang hayop na iyon. Sabi ko na nga ba at kasama siya sa kan toot kalimot group e.
Pero naisip ko na pabayaan na lang siya. Bahala na siya sa buhay niya at matanda na siya. Kung ayaw niya sa akin, e di wow bwisit siya. Ang dami niya masyadong dada e ang siste iiwan niya rin naman ako pinatagal pa. At ano naman ang akala niya, na pipigilan ko siya? Magmamakaawa ako? Luluhod ako ganoon ba? Ay huwag na mga bakla! Masyado akong gold para gawin ang bagay na iyon.
Pumunta na ako sa kusina. At bigla akong natakam sa nakatalikod na lalaki. Walang damit pero naka-boxer and apron. Pero parang pamilyar ang likod niya. May pamilyar pa nga na nunal e. Saka parang may ka-height.
"Oh, Sho, nandito ka na pala. Hatid na ba kita sa kwarto mo," sabi niya sa akin.
"Hindi pa naman siguro huli ang lahat at doon sa luma ko na lang ako na boarding house tutuloy," ani ko kay MIKYLE. Bwisit, so all this time tama ang kutob ko na may plano ang loko kaya todo walang paramdam. Hayop nga naman!
"Utang na loob lubayan mo muna ako." Sabi ko pa naman sa sarili ko iiwas na ako sa tykso, at si Mikyle ay isang naglalakad na tukso. Bwisit na bwisit na naman ako.
"Why? Hindi ka ba masaya na kasama mo na ako? Bakit may plano ka na bang may makasama na iba? Who is that shitty guy! Tell me, Sho, at may ipaghuhukay na ako,'' sabi nito, at talaga nga naman na mukhang seryoso na seryoso ang loko!
"Hoy! Alam mo hindi ko alam kung may saltik ka lang o praning ka na masyado. Wala akong ibang lalaki ano. At kahit gusto ko man e wala akong time. Sa iyo pa lang pagod na pagod na ako maghahanap pa ako ng iba,'' sbai ko sabay hair flip na may kasamang irap. Kaasar siya.
Ngayon naman ang bipolar na si Mikyle e todo nakangiti na para bang timang. So talaga bang ayos pa ba ang utak nito or what? Medyo ang creepy ng gwapo na lalaki na ito e.
"At least ako lang at wala ng iba. So here, heto ang magiging kwarto mo," sabi niya sa akin at saka kami pumasok sa isang kwarto. And it looks like my dream room! As in ang disento, ang ganda, para bang pinasadya.
Ay teka nga, pinasadya? So it is part of the plan? So itong lalaki na ito all this time, may ganap na talaga na magkasama kaming titira rito bago matapos ang aking school year? Aba e kagaling naman, sarap magdabog!
"Ikaw nga lalaki ka umamin ka sa akin. Plano mo ito ano? Sino ba naman kasing matino na tao ang magbibigay ng offer na ganitong kamura na condo. Huwag ako!" sabi ko nga sa kanya.
"Yes, I admit that this is all part of my plan," aniya sabay yakap sa akin. Ayan na naman, jusmiyo, natutunaw na naman ako dahil sa pagiging marupok. Sarap na naman magdabog. "But is it my fault that I just want to be with you?"