ITO na ang unang pagkakataon na makakagala ako after so long na para bang na solitary confinement ako. Update ko lang kayo sa beauty ko nan a-damage ng tatlong mangkukulam na iyon ano. Pagaling naman na halos ang mga sugat at pasa ko. wala naman akong gaano na issue na. Pero masama pa rin ang loob ko sa mga inggitera na mga iyon. ang masasabi ko lang sakali man e deserve na deserve nila na makalaboso at mabulok sa kulungan. Sa isip ko na nga lang e sana hindi na sila mabigyan ng vip treatment sa selda. Pagbayaran na sana nila ang mga ginawa nilang krimen. Hindi naman ako chismosa ano, nakwento lang sa akin ni Mikyle na ayon na nga na marami na rin pala silang biktima, at halos mga nakasama pala ni Tristan. To think na may mga baliw bala na kayng gawin iyon. Okay, tama na tayo sa bad mem

