MATAPOS ang madamdamin namin na usapan ni Mikyle e hindi ko alam pero medyo cringe pala ako sa part na iyon. do not take me in the wrong side ha, genuine iyung mga sinabi ko, mamatay pero walang eme ang mga iyon. Ngayon e nakaramdam naman ako ng pamimigat ng pantog, and parang gusto kong lumipad, siyempre magbawas! So pumunta ako sa isang public restroom. Gusto sana akong samahan ni Mikyle, pero sabi ko huwag na. hindi naman siguro ako maliligaw kako. At saka wala namn sigurong magtatangka na may gawin sa akin na masama. Kaya pumasok na ako sa isang cubicle and I started to do what I have to do. Pero nang maramdaman ko na may mga grupo ng lalaki na pumasok sa CR ay medyo kinabahan ako. Lalo na at nag-lock sila ng pinto. Para akong pinagpapawisan ng malala at malamig. Hindi ko na alam a

