Sa true lang e malungkot na malungkot ako ngayon dahil nga ito na ang huling araw ko sa isla. Ang bilis lang ng isang buwan, hindi namalayan, may iba na pala siya, charot! Sa sobrang inip e kung ano-ano an lang ang mga nababasa ko na nobela. Isang buwan na kaming ayos ni Mikyle wala naman akong problema na sa kanya dahil natural na mabait naman talaga siya, at mas naging sweet at malambing marahil, iyan ang mga bagay na napansin ko, and iyon lang, tapos na, charot. Napansin ko na may character development talaga siya. Noon red flag siya, medyo kumupas na kaya pink flag na siya mga mars. Dagdag pogi points na ngayon e isa na siayng ganap an gentleman. Mapangunawa na siya, hindi na siya laging galit, and to my surprise kaya na niyang ibaba ang napakataas nga naman niyang pride, sino ba nam

