SEMESTRAL break na kaya naman pahinga na naman ako nito. Pero charot lang ang pahinga. Need ko ng kumayod ano. Hindi naman ako prinsesa kahit mukha akong prinsesa. Bless you mga shunget. Kaya ang nangyari e maghahanap ako ng work for today's video. Dahil alam niyo naman na kailangan ko ng pera sa napakamagastos na course ko. Kung bakit ba naman kasi e napakahilig. So ang ganap e nagluto na ako ng breakfast and lunch. Magbabaon ako habang maghahanap ako ng maganda na part time. Iyung the rest ng niluto ko e para iyon sa kapitbahay ko. Nandito na nga si Mikyle, speaking of the devil. Napansin niya ata na bihis na bihis ako. Kaya naman nagtanong na siya as expected. "Saan ang punta mo at bihis na bihis ka?" tanong niya sa akin. "Pupunta ako ng Malacañang, okay ba porma ko?" Mukhang hindi

