Episode 55

1206 Words
AFTER ng madugo na midterm, finally medyo chill na ako. Matagal pa naman ang finals ng first sem, pero feel ko tumanda na naman ako ng ilang taon. But it does not mean na nag-glow down ako, excuse me lang, kayo lang naman amg patanda. I am still young and fresh. By the way, long weekend ngayon. And hindi ko alam kung planado pero kasama ko ngayon si Tristan. Maaga kaming nagising for some reason na ayaw namin na stuck kami sa mabagal na trapiko sa Pilipinas. Kaya naman kahit super lamig ng tubig go pa rin at kailangan na iligo ko ito. Saka blessing in disguise naman itong lakad namin kahit papaano. At least makakalayo muna ako kay Mikyle. And although I doubt it, iniisip ko na sama after ng bakasyon grande namin sa Baguio ni Tristan, pagbalik ko natauhan na si Mikyle na hindi niya dapat pinaglalaruan ang feelings ko. Tao lang din naman ako na nakakaramdam. Kahit na naka-program na sa utak ko ang fact na isa siyang walking red flag, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng slight attraction sa lalaki na ito. Pasensya na, bakla lang. Although not a perfect and acceptable excuse, at least nagpapakatotoo lang ako rito. Hindi katulad ninyo! "Ready ka na?" aya sa akin ni Tristan na hindi naman obvious na excited ns excited siya niyan 'di ba? "Oo, kanina pa. Ikaw lang naman ang makupad dito e. Tara na," sabi ko sa kanya... Siyempre double check muna kung may naiwan kami. Pinatay namin ang kuryente. Dapat lahat sarado at baka may kung sino pa ang masasamang mga nilalang ang umakyat bahay. Makita pa nila mga panty ko, maganda na ang nag-iingat, ang mahal ng mga iyon e. Nang okay na ang lahat, ako lang naman ang hindi pa gaanong okay, charot. Okay na ako, mga shungakers. Mas okay pa ako sa okay. At wala akong pakialam kung ayaw ninyong maniwala. Edi huwag! My life mu rules. Siyempre may dalang kotse si koya niyong Tristan. Rich kid nga kasi. Ikaw ba naman eh may ari ng maraming restaurant, mga coffee shop, I mean grabe! Ang bata niyang successful. Siyempre medyo inggit ako sa part na mayaman siya, but ginagawa ko na lang siya as a motivation. Ang pangit naman ng crab mentality, alisin iyan sa ugali ng Pinoy, hindi maganda, as in, promise. Sabi nga nila may kanya-kanya tayong turn. If turn nila, edi pumalakpak ka. Ayan ha, ang bait ko na, may mtivational pa akong sinabi sa inyo, kahit na mahina ang ulo ninyo. By the way, nakapagbaon ako ng pagkain para hindi na kami mag-stop over pa masyado. Kapag nasi-cr lang kami doon na lang. "Kumain ka na," sabi ko na medyo shunga ako sa part na iyon. Beh, nagda-drive iyung tao tapos papakainin mo? Ano? Siyam ba kamay niya o siyam ang buhay namin kapag nabangga ang kotse? Mamili na siyempre. "Ako na, susubuan na kita," wika ko rito. "Ayusin mong mag-drive, wala pa akong memorial plan." "Naks, ang sweet naman ng best friend ko." Ayan, mabuti naman at may label kami, nagkakalinawan sa limitations namin. "At saka hindi ko naman hahayaan na masaktan ka. Tiwala lang, safe ka sa akin." "May choice pa ba ako kung magtitiwala ako sa iyo o hindi? Beh, for real hawak mo ang manibela oh. O, isubo mo na itong maki roll, nangangawit na ako, awit sa iyo." Mabuti naman at masunurin na bata ang lalaki na ito. After siguro ng ilang oras na byahe, mag stop over, siyempre ang walang kamatayan na zigzag road e himala na buhay pa ako. Nakakadala minsan na mag-drive ang lalaki na ito. Minsan ayos naman, pero mas madalas pa rin siyang reckless driver. "Kung may plano kang makipag-meet and greet kay Satanas, huwag na muna mo akong idamay ha? Masama akong damo, hindi ko pa planong mawala sa mundo." Please lang talaga. "Haha, grabe ka naman. Nandito na tayo o." ANG ganda ng bahay nila. As in, mansion type na may garden eme eme sila! Grabe may strawberry farm sa tabi, para akong nasa loob ng paraiso. To be honest, ganito na ganito ang dream house ko. "Ang ganda ng bahay niyo rito. Buti hindi ka na lang dito tumira at mag-aral? I mean, look, hindi ko alam kung makakaalis pa ako rito sa ganda ba naman ng view at atmosphere." Lalo na at halos sunset na. "There are things in the past na gusto ko ng kalimutan, and I can't manage to do that if I will stay here longer than weeks or months." Para naman akong nalungkot nang magkasalubong ang aming mga mata. "May and experience ka na pala rito, pero bakit mo pa rin naisipan na umuwi? Hindi ba at much better naman na huwag na lang? Sabagay, nandito rin pala ang family mo," sabi ko habang papasok na kami sa bahay. Grabe, walang maid dito kasi bahay bakasyunan lang. May isang butler at dalawang care taker lang ang present ngayon dito. "Wala pa rito ang mga parents ko. They will arrive tomorrow here for lunch and dinner para makasama natin sila. I chose to celebrate my birthday here because you are my source of happiness lately, at baka may pagasa pa na mapalitan ko ng happy memories ang mga bad memories ko sa bahay na ito." Akala ko ba bakasyon lang usapan namin dito? Bakit parang need ko na ata na ma-pressure mga beh. "Ay grabe, sige, dahil birthday mo naman bukas, gagawin nating memorable ang araw na iyon. Pero hindi ba nakakahiya sa mga parents mo. I mean kahit friends tayo, nakakahiya na bakla pa ang ipapakilala mo sa mga magulang mo. Dapat talaga babae," sabi ko sa kanya. Hindi naman sa pagiging judgemental ano, pero parang ganoon na nga pala. Baka kasi matapobre ang mga magulang ng lalaki na ito, patay na. Para namang nagdilim ng slight ang paningin ng lalaki na ito. "They will not dare to do such thing," sabi niya sa akin. Edi goods naman pala. He guided me to my room, and super ganda, lalo na at nasa second floor, may balcony, pwede kong makita ang labas, at makikita nga ang farm view. Like may hilera ng magagandang bulaklak, mga gulat at prutas. Grabe, ganito ang dream ko. I wish I could be a very successful chef, and after that magtatayo rin ako ng marami na maraming mga restaurant. Matapos noon e bibili ako ng malaking farm kung saan tahimik akong mamumuhay, malayo sa gulo. "Do you like it here?" tanong niya sa akin. "Anong I like it? Tristan, ang ganda rito! Sobra! I love it here. As in, sarap siguro na mamuhay rito o." Hays, sana lang talaga matupad ang mga dreams ko. "Why not? Pwede ka naman dito na manirahan kasama ko. Pwede kitang gawin na secretary ko. And you know how much I like being with you.'' Hala, bakit may paganyan na speech? Akala ko ba friends lang? "Baliw, ayaw ko naman ng ganoon. Kung makakahanap ako ng opportunity, gusto ko iyung pinaghirapan ko, hindi dahil mat tulong ng backer. Thank you sa offer mo, at least if ever na mag-fail ako, may sasalo sa akin." And legit na grabe ang ngiti ng lalaki na ito. Pamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD