TANUNGIN niyo kung okay lang ako? Siyempre hindi ako okay. Kung okay ako ngayon hindi ako magra-rant ng ganito. Kapagod! Akala mo talaga e nasa 40 na ang edad ko sa sobrang haggard, sarap na lang talaga na mag-drop.
Sa college hindi fairytale ang buhay. I know, lalo na kung working student talaga. Naiintindihan ko na hindi mayaman ang pamilya ko, mukha lang akong prinsesa sa ganda, pero I can't get rid the fact na hindi lahat ng needs ko e matutugunan pa ng magulang ko. Marunong naman akong magbanat ng buto.
Ang kaso lang kasi, pagod na nga ako sa pagtatrabaho at paga-aral, may kasama pang sama ng loob. Kulang talaga ang siyam na buhay kung mayroon kang Tristan at Mikyle sa buhay mo.
Mukha lang blessings in disguise kapag sinabi mo na may mga gwapo ka na kasama. Mga nanghahabol na gwapo sa iyo. Teh kung alam niyo lang, nakakairita na. Minsan nga naisip ko na lang na magpakalayo-layo. Wala bang offer ang mga magulang nila? Isang milyon layuan mo lang ang anak ko. Siyempre hindi naman ako papayag, lugi masyado! Ang mahal ng bigas, mga grocery tapos one million lang? One millions dollars, go ako!
Ngayon nga e kasalukuyan akong nasa coffee shop. Medyo problemado ako dahil nga sa dalawang lalaki sa buhay ko. Ayaw ko ng dagdagan. Kung pwede lang isaksak ko sa pwet ni Lei ang mga lalaking nanggugulo sa akin, ginawa ko na. Nakaka-exhaust ng energy and everything.
Kumuha ako ng basahan at magpupunas muna ako ng mga table. Mala-Cinderella muna ang ganap ko while wala pa namang customer.
Pero nang tumunog na ang pinto, meaning may customer na e balik pwesto na ako sa cashier. Hindi ko naman alam na si Mikyle pala ito, himala na mag-isa, at wala nga siyang kasama na babae. Naku, meron iyan, tinatago niya lang for sure! Huwag ako.
Grabe na talaga iyung trust issue ano? Maganda na nga na tulad ko niloloko, mga pangit pa kaya na katulad ninyo.
"Anong sa iyo?" masungit na bungad ko sa kanya.
"Smile ka naman. Parang hindi ka masaya na nakikita mo ako ngayon a?" ani niya na may ngisi na. Magaling na 'to, nakakapang-asar na e.
"Sino bang nagbalita sa iyo na masaya akong makita ka? Iharap mo siya sa akin, kukutusan ko," ani ko rito. "Nasaan na ang order mo. Dami ko pang gagawin o."
"Grabe ka naman. Isang araw ka na kasing hindi dumadalaw sa akin. You have no idea how much I am longing for your presence," wika nito. Pwede ng ipasok sa NBA, masyadong bolero. Ano? Matapos i-shoot ang ball, hindi pa rin magsasawa? Wala mamang special sa manhole ko. Ganda lang talaga mga beh. Pero hindi naman iyon ang topic e.
"Bakit naman kita dadalawin? Puntod ka ba? Regla? Ano? Magsalita ka. At saka busy ako ano! Ikaw lang ata sa university ang nasobrahan sa chill. Senyorito, baka lang ho nakakalimutan ninyo, malapit na ang midterm examination. Baka na naman bumagsak ka sa mga subject mo. Huwag ka naman sanang umabot sa point na mag-senior citizen ka na rito sa university." Alam ko, bakit ko nga ba ini-stress ang sarili ko sa lalaki na ito?
"Tsk, sakit mo talagang magsalita. Pasalamat ka at importante ka sa buhay ko. Huwag ka mag-alala, nag-aaral na ako ng mabuti sa iyo. Nakakahiya naman kay Protacio, nag-aaral ng mabuti, nagsusumikap na magtrabaho, and just so you know that you are my inspiration," ani nito sa akin.
"Ayos na sana ang madamdamin na speech mo e, kaso binuo mo pa ang pangalan ko. Ulitin mong buoin ang pangalin ko, sisirain ko talaga ang pangarap mo. Ganda-ganda ko ngayon tapos tatawagin mo akong Protangona!" Muntik na akong magbuga ng apoy rito. Sige nga, kung jowa niyo ito, bahala na kayo sa buhay ninyo.
"Haha, sorry na, Sho, you just have no idea how cute you are whenever you are mad." Ay ganoon? May condition pa pala para maging cute ako? Paano kung sipain ko tagiliran niya? Cute din siyang pinagbubuhatan ng kamay e.
"Tigilan mo muna ang pambobola sa akin. Baka gusto mo ng um-order. Sayang laway ko rito o?" ani ko sa kanya.
"Sayang? Akin na, higupin ko laway mo para naman hindi sayang." Napaka talaga ng lalaki na ito!
"Yuck, Mikyle bakit ka ganyan, dugyot moments? Hays, ano na nga ang order mo!" Mabuti naman at iyung as usual ang sinabi niya.
Agad ko ng inasikaso ang order niya. Laging take out ang binibigay ko. Ayaw na ayaw ko na nagtatagal siya rito. Baka mamaya e magkasalubong pa ang landas nilang dalawa ni Tristan James. Ay mahihiya ang WW2 sa mangyayari.
"Talagang take out?" ani niya sa akin. Goods naman a? Para hindi na siya tambay nang tambay rito.
"Oo, umuwi ka na, mag-review ka pa. Huwag mo akong bigyan ng palusot. May nalalaman ka pang photograpic memory o muscle memory, tigilan mo ako ha, nasa basurahan mga test papers mong nangingitlog." Napakamot ulo naman siya.
"Then, why don't we make a deal? At least you are insisting that I should study hard and well, you should make effort to force me to do so," wika niya sa akin, with that sly smile. Mukha talagang gwapong mambubudol si Mikyle kapag ganito ang tinginan niya sa akin.
"So bakit ako pa ang dehado? Ako ba ang babagsak ang grades kapag hindi ka nag-aral ng maayos?" tanong ko sa kanya. Ahead siya ng year sa akin, pero nalaman ko na dalawang beses na siyang nag-repeat.
"If nag-ulit ako, ang ibig sabihin lang noon ay? Siyempre, magkasama na tayong ga-graduate, at mas matagal pa kitang liligawan." Bakit naman niya ako liligawan? Mukha ba akong pusa na itatapon sa gubat? Bwisit din ang lalaki na ito e.
"Tigilan mo ako sa ligaw moments na iyan. Wala na akong time sa love life. Lalandi na lang ako, shupi! Doon ka na, lalamig na ang kape mo, layasan mo na ako, lubayan mo na ako," pakiusap ko sa kanya.
"Huh, if you'll flirt, then sa akin na lang. Huwag ka ng maghanap pa ng iba. Nandito naman ako, okay?" ani nito.
"Pwedeng ibang lalaki naman?" sbai ko sa kanya. Although kahit sakit sa ulo, sa puso, sa kung saan-saan pa ang lalaki na ito, I can't deny the fact na siya na ang pinakagwapo sa buong university ha, hindi lang sa department niya.
Gwapo siya, as in dream na dream siya ng mga babae at beki. Kaya marami ngang naghahabol sa kanya e. Kasi privilege niya iyon, pero pass na ako. Masyado siyang mayaman at gwapo. Iniisip ko pa lang na kung magpapabudol ako, ako at ako talaga ang lugi sa aming dalawa.
"Subukan mo lang, Sho. Whoever that guy is, hindi na siya sisikatan ng araw." Para akong sisinukin sa takot..paano ba naman mukhang hindi nakikipagbiruan ang lalaki na ito.
"Hoy, masyado ka namang seryoso ano? Sa tingin mo ba may time pa akong humarot diyan? I don't have the leisure to do so." Kita na nga niyang aral trabaho na lang ako e.
"Goods, sa akin ka lang dapat maging abala." Insert ang kapal ng mukha niya. Kung pwede lang, lalagyan ko ng sticker na red flag ang noo niya sa mga pinagsasabi niya e. Hindi ba siya marunong matakot?
"Hoy, ang lakas mong magbuhat sa sarili mo ha? Tigilan mo na ako." At mabuti e napilitan ko na siyang umalis. Naku, stress talaga kapag napapadpad siya sa pinagtatrabahuan ko.
PAGKAUWI ko e pahinga na ako. Alam niyo iyung hindi ko na iniisip kung gutom na ba ako, or what, basta gusto ko ng matulog ng diretso.
"Oh? Matutulog ka na naman na walang laman ang tiyan mo? Bangon, may nailuto na ako roon. Kahit kaunti lang e kumain ka na," ani Tristan sa akin. Ayaw kong magpatunag, gusto na gusto ko na talagang matulog. Ang kaso masyado talagang consistent ang lalaki na ito.
"Oo na! Oo na!" Paano e biglang buhay niya sa akin in a bridal style way. No choice na ako nang ibaba niya na ako sa kusina. Hindi man lang masabihan ang lalaki na ito.
Pero in fairness magaling magluto ang kuya ninyo. Huwag na kayong magtaka pa, dahil nga kaklase ko siya. Alangan naman na nasa cuisine industry ang papasukin hindi marunong magluto hindi ba? Mga utak talaga ninyo, may kulang at kulang talaga.
Agad kong inubos ang kinakain ko at magpasalamat sa kanya.
"After ng midterm exam, pwede ka bang sumama sa akin?" tanong ni Tristan na mukhang nahihiya pa sa akin. Parang tanga 'to. Sa akin pa talaga mahihiya?
"Depende kung saam tayo pupunta, at bakit may biglang lakad tayo? Anong meron? Paki explain, agad sana." Wow, demanding?
"Kasi, ano, that is my birthday, and I am planning to go in Baguio with you, sana masamahan mo ako. I want to be with you, kasi nandoon ang mga parents ko." Hala, bakit may meet and greet na agad kasama mga magulang niya.
"Ha? Hindi ba masyadong nakakahiya? Alam mo, ang dapat na dinadala mo roon, iyung girlfriend mo, hindi ako, ano ka ba," sabi ko sa kanya.
Mukha naman siyang natameme. E ako naman alam niyo naman na mabilis ma-guilty sa mga bagay-bagay.
Alam ko naman na hindi niya ini-insist ni Tristan na bayaran ko iyung utang na loob ko sa kanya, pero kung ganitong mga small thing small thing lang, kaya ko naman.
"It's a prank! Siyempre sasama ako!" sabi ko sa kanya na ikinaliwanag naman ng mukha niya. Kung masaya siya e masaya na rin ako. Ako na ang bahalang mag-draw the line.
Hindi ako feelinger or ambisyosa na iisipin na ganito ganyan. Alam ata alam ko na may gusto sa akin si Tristan, alam ko iyon. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nagustuhan niya sa akin, dahil in the first place ang daming babae ang nagkakagusto sa kanya, hindi rin naman ayos ang first impression namin para sa isa't-isa. Kaya hindi talaga ako sure kung ano ang source ng reason niya why? Bakit nga na ako, e hindi ko naman deserve iyung love and effort na ibinibigay niya. Natatakot ako na kung hindi ko masuklian ito dahil sa mga personal reasons ko, natatakot ako na baka masaktan ko lang siya.
I manage to take a small break. Matapos naming kumain nagpababa lang ako ng kinain then sleep well na.
ARAW ng midterm exam. Super confident naman ako sa mga review na ginawa ko... Pati practical exam e plantsado, salamat sa kusina ni Tristan, may mga ingredients akong pwedeng galawin doon. Hindi naman sayang dahil kinakain naman namin. Malaman lang ni Clara na nagsasayang ako ng pagkain baka matagpuan ko na lang ang sarili ko na nakababad sa kumukulonna mantika 'di ba?
After ng first day of exam, nakita ko na okay ang mga scores ko. Kaya naman napasabi na lang ako na deserve ko 'to... Wala nga lang akong kasama na gagala, busy ang mga plastik na kaibigan ko, late kasi mga exams nila compared sa akin.
Ayaw ko naman na kumain ng unli wings or sangyup, tapos magmumukha akong loner doon na para bang ang hirap kaibiganin. Well, mahirap naman talaga akong kaibiganin e. Lalo na kung wala ka na ngang pera at ganda, tapos hindi pa alam i-handle ang ugali ko. It id all about the tolerance, since alam ko rin iyung mga part na madalas e may toxic na mentality ako.
I was about to leave the campus nang may makita akong familiar na lalaki. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Nalilito ako na pinagpapawisan ng malamig, kabado at gusto ko ng umatras, hindi pwede na makita ako ng lalaki na iyon, kahit ano man ang mangyari, hindi ko hahayaan na mangyari iyon.
Pero hindi ko alam kung anong malas ba at nakita ko siya, hindi rin naman ako nagkakamali nang makita ko ang uniform niya. Engineering department. s**t, hindi ako pwedeng maligaw roon.
Ang tagal ko siyang iniwasan, ang dami kong effort makalimutan ko lang ang mga ginawa niya sa akin na halos nakadikit na sa balat ko.
Kung makikita ko lang siya e maaalala ko kung gaano ako katanga noon. At hindi ko na hahayaan na mangyari pa muli iyon.