LASING na talaga, wala na sa grammar na tama e. Kaya ang ginawa ko e pinatulog ko na siya. May konsensya naman ako kahit ang sarap doblehin ng saksak ng lalaki na ito. Opo, hindi na ako natutuwa sa katigasan ng ulo niya... Pati kasi tulog ko e tuluyan ng nadadamay. So anong gustong mangyari ng lalaki na ito?
Na bumalik na lang ako pagkatapos ng drama niya? Ay walang ganon! Uso effort, saka kahit mag-effort siya e hindi rin naman ako basta o-okay na lang na para bang walang nangyari. Kutusan ko pa siya.
Dahil nga sabi ko sa inyo, kahit medyo halang na talaga ang bituka at kaluluwa ko, may konsensya pa rin ako. Kaya naman kahit pagod, puyat, emotional damage, sige pa rin ako sa paga-asikaso sa lasing na ito.
Kung tutuosing hindi naman ganoon kalalim ang pinagsamahan naming dalawa. Pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alangan naman na sisihin ko ang sarili ko. Eh sa madali akong ma-fall e. Pero heto ang sinasabi ko sa inyo. Hindi sapat na mahal mo lang, dapat sure, dapat nasa green flag, dapat alam mo na natutugunan iyung cravings este iyung worth mo. Nagmahal ka nga kasi gusto mong sumaya, o may karamay ka sa hirap man o sa ginhawa, 'di ba? Tapos hahanap ka iyung magbibigay sa iyo ng blood pressure. Ay iba nga naman iyon.
So ang ginawa ko e inasikaso ko na si Mikyle. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Wala namang malisya kasi nakita ko naman ang lahat sa kanya, kaya ang tanong ko e bakit naman ako mahihiya? Mga echosera. Saka wala ngang malisya e! Ang lambot kaya ng kanya, tulog na tulog, nag-kiss lang ako ng good night. Charot!
Matapos ng lahat ng pagod ko e wala na akong energy na umuwi. Dito na ako natulog, sa sala na lang dahil ayaw ko siyang makatabi. Baka mainis lang ako, masipa ko iyung tahi niya.
Kinaumagahan e nalito naman ako ng slight. Hindi ko kasi alam kung sino ba ang may hangover, si Mikyle ba o ako? Ang sakit kasi ng ulo ko, no joke. Parang ako pa ata ang magkaka-trangkaso. Buti matagal pa amg midterm. Siguro a-absent na muna ako.
Ang sakit ng katawan ko, parang gusto ko ng relasyon, iyung pangmatagal na sana. Kaso wala e, sa dami ng mga lalaki, ang matitino, mga hindi mahagilap. Kung nahagilap hindi rin pasok sa standard. So saan tayo lulugar? Sasabihin niyo naman choosy ako? Malamang! Kung ganito rin ang anyo ninyo, may karapatan kayong maging choosy. Pero kung mukha lang kayong anyong tubig at anyong mukhang lupa, pwede na iyung amoy bayabas ang kilikili sa inyo.
Hindi ako makatayo o makakilos kasi ang bigat ng pakiramdam ko. Para ata akong lalagnatin. Huwag niyong sasabihin na deserve ko ito. Sasapatusin ko mga bibig ninyo.
So as I was saying. Heto na nga, hindi na ako makabangon sa itinulog ko na lang.
Nagising na lang ako nang maramdaman ko na may basa na ewan ang nasa noo ko. Although ang bigat ng pilikmata ko, iminulat ko pa rin, at nasa tabi ko na ang anghel na demonyo naman talaga. Himala at ako naman ang inaalagaan ni Mikyle.
"Wala ka bang pasok? Bakit ka pa nandito?" tanong ko sa kanya na medyo nahihirapan magsalita.
"Huwag ka munang magsalita. Kita mo ng hirap ka e. Can't you see? I am the owner of this apartment, tapos sa tingin mo rin ba na may konsensya ako na iwan ka rito na ganyan ang kalagayan mo?" ani nito habang hinihilamusan ang mukha ko.
"Hindi mo naman kailangan. Papasundo na lang ako kay Tristan, sa bahay na lang ako magpapahinga." Ewan ko kungedyo nagde-deliryo na ako or what, pero kita ko talaga na para bang nagdidilim na nga ang kanyang paningin sa akin.
"Huh, I rather not. Hindi mo tatawagin ang kulugo na iyon. I am the reason why you are in this kind of state, so now you are my responsibility, and I will take care of you starting today," he said.
"Wow, proud ka pa ha? Tigas din ng mukha mo. Alam mo naman pala na ikaw ang dahilan kung bakit ako may lagnat. Kung hindi ka ba naman isa't kalahati na kulugo, hindi ka pa nga okay, iinom ka na naman... Paano kapag tinambangan ka? Ha? Malay mo hindi ka na swertehin sa susunod! Mag-ingat ka nga!" ani ko. Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sa lalaki na ito e.
"Okay, I am so sorry. Pasensya na kung dinadaan ko na lang sa alak ang pagka-miss ko sa iyo. Sinabi ko naman sa iyo hindi ba? This place will never be the same without you," ani nito na ewan. Parang gusto kong maniwala. Na baka kulang na ang araw at gabi niya kung wala ako sa tabi niya.
Pero kada isang beses na ipipikit ko ang mata ko. Naalala ko na naman ang araw na may kasama siyang iba. Isang babae, na maibibigay lahat ng pangangailangan niya.
"Mikyle. Itigil na muna natin ang ganyang usapan. Gusto ko munang magpahinga," pakiusap ko naman sa kanya.
He nodded. "Sige, aalagaan kita sa ayaw at sa gusto mo. O-order muna ako ng kakainin natin. You have to take a rest. Masyado mo ng inaabuso ang katawan mo. You are working and studying at the same time, and it might be not an easy thing. Pero take a rest. Mas makakabuti iyon sa iyo kaysa sa inaabuso mo ang katawan mo." Wow ha? Nagsalita iyung isa sa mga rason kung bakit ako inaapoy ng lagnat ngayon.
Natulog pa ako, pero siyempre ginising din ako ni Mikyle nang dumating na ang mga pagkain. Puro masasarap, pero siyempre lagnat is real talaga mga akla, so anong expect niyo? Matatakam ako? Paano nga ako matatakam e wala nga akong panlasa. At huwag niyong sasabihin na deserve ko ito. Pagsasabunutan ko kayo diyan e.
"Kain na, damihan mo ang kakainin mo ha? Para agad kang gumaling." Tama iyan, dahil layas na layas na ako rito.
Kahit wala akong gana, kahit man lang energy para lunukin ko ang kinakain ko e wala. Pero need kong lumakas. Kaya naman kumain pa rin ako ng marami.
Nakatulog akong muli, at pagkagising ko na nga e gabi na! Grabe, gusto kong magreklamo!
Pero napansin ko rin na nasa kama na ako mag-isa. Medyo okay na ako at nakakatayo na ng mag-isa. Hindi ko na feel na para bang umiikot ang mundo ko. As in mukhang ayos naman na ako. At thankful ako dahil doon.
Paglabas ko e nandoon si Mikyle na para bang naghahanda ng higaan sa sala. Nagtaka naman ako.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.
"Gising ka na pala. Kain muna tayo bago ka matulog," sabi pa nito sa akin na para bang hindi narinig ang tanong ko rito.
"Mikyle, ang tanong ko ang sagutin no. Anong ginagawa mo diyan? Ako na ang bahala sa tutulugan ko mamaya. At pwede na rin naman akong umuwi nito e. Medyo ayos na ako," sabi ko. Pero mukhang walang pakikisama ang katawan ko, at napasandal na lang ako sa pintuan nang makaramdam ng biglang pagkahilo.
"Tsk, ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Ang kulit mo talaga, Sho. Hindi ka rito matutulog. Sa kwarto ka na. Hindi maayos ang dati mong kwarto, medyo makalat doon. Dito ako, sa kwarto ka na. Alam ko naman na ayaw mo akong makasama sa pagtulog. Kaya naman dito na lang ako, basta hindi ka muna uuwi." Sino ba ang matigas ang ulo sa aming dalawa.
"Excuse me, ha? Mikyle, hindi ka rin okay. Tandaan mo may sugat ka pa. Tapos balak mo na rito matulog? Sa kwarto ka na," ani ko.
"Dito na nga lang ako. Basta makapagpahinga ka ng maayos, ayos na rin ako." Ano na naman ba 'to?
"Hindi pwede! Sige na, sa iisang kwarto na lang tayo matulog. Pero huwag na huwag mong susubukan na gumawa ng kalokohan ha? Try mo lang, para makatikim ka ng konyat," banta ko sa kanya para naman medyo madala naman siya.
"Luh? Why would I do that? Mukha ba akong iyung tipo ng tao na pagti-trip-an ang isang tao na may sakit?" he said. Kasalanan ko ba na wala na akong tiwala?