Episode 52

1017 Words
BALIK na tayo sa reyalidad mga acckla. Sa wakas e wala ng bagyo, balik na sa normal ang buhay ko. From time to time e nabisita pa rin naman ako kila Mikyle, but not as often as you imagine. Siyempre kailangan na tayong lumayo. Pati nga kay TJ, bet ko na rin na lumayo sa lalaki na iyon. Ngayon nga e nasa pastry subject kami. Jusko, ang haggard ko na naman. Pero maganda pa rin, hindi natin kakalinutan iyung fact na hindi ako pumapangait kahit ano pa ang mangyari, intiendez? "Bakla, ano na? Tulala ka na naman diyan. Hindi ba at ang sabi namin sa iyo huwag dalasan ang booking?! Ayan, mukha ka ng graduating student sa itsura mo," ani ni Lei sa akin, akala mo naman ikinaganda at ikinaangat na niya ang pangi-insulto niya sa pagkatao ko! "Etchuserang palaka ka talaga kahit kailan! Hindi ba pwedeng pagod lang? Sa trabaho at sa pag-aaral pa lang ubos na ang energy ko. And take note, hindi ko naman kailangan ng booking. Sa sobrang ganda ko, sila na mismo ang nag-aaya, nagmamakaawa, at gustong makipagkita!" ani ko sa kanya. "Eh ikaw? Need send cash ka pa!" Muntik na akong sugurin ng baklang papansin, e mabuti na lang laging nandito si MM para pigilan kami. "Kayong dalawa, hindi talaga pwedeng hindi magtalo. Sige kayo, sa kakaaway ninyo sa isa't-isa, baka kayo pa pala ang magkatuluyan," biro niya, isang masamang biro ng kaibigan naming kepyas! Sabay naman kaming um-arte na nasusuka. Ang kapal ng hiyas ng bakla na ito, the audacity na mag-inarte, dapat ako lang! "Teh, kayong mga babae iba't-iba talaga ang mga paraan niyo ng panglalason sa aming mga bakla. Kung hindi niyo kami haharutin, ipapares niyo kami sa hindi dapat i-partner! Mga bruba talaga kayo!" ani ko rito. Sarap tadyakan! Kung tatanungin niyo ako kung nasaan ako ngayon, bakit ko naman sasagutin ang tanong ninyo? Gold ba kayo? Chos, siyempre nasa pambansang tambayan kami sa university. Wala lang, e sadyang sabay mga break namin, kaya ang sarap i-break ang paa at leeg ng baklang kasama namin. "Teh, kinikilabutan ako kamo. Sabihin mo nga kung may plano kang ipatumba ako, para naman maipa-blotter na kita," ani ni bakla sa akin. "No need, ang kapal ng mukha mo para ipatambang kita, e hindi ka naman dapat pagaksayahan pa ng panahon," balik ko naman sa kanya. "Hep! Awat na!" ani ni MM ulit. "Maiba tayo,'' panimula ni MM. "Kamusta namana ng pag-iwas mo kay Mikyle, at siyempre ang status niyo ni Tristan James?" tanong niya sa akin. Alangan naman sa isang bakla diyan, e wala naman iyang ganda ang silbi. "Wala naman masyadong ganap. Alam niyo naman na nurse eme ako ni Mikyle, tapos same lang din kay Tristan. Hindi ko na lang binibigyan ng malisya, nakakapagod din kayang maging maganda," ani ko sabay ngisi. "Sarap mong bangasan," sabi ng isnag insecure frog diyan. Bakit parang kasalana. Ko pa ngayon? Ha? "Kung kasalanan ang pagiging maganda, then my bad! Sisihin mo ang mga magulang ko! Pinutok ang inire ako na ganito ang mukha!" sabi ko. Pagkatapos na pagkatapos ng bonding naman na may halong bardagulan e sa wakas, nakauwi na ako. Wala kasi iyung last subject na papasukan namin. Minor subject na feeling major subject. Buti wala iyung masungit na prof na iyon na akala mo e may sariling bansa at mundo sa sobrang higpit. Gawa ata na hindi man lang naranasan na ligawan ha. My bad pala. Pagkauwi ko e nakatulog na ako. Ang kaso e nagising naman ako dahil may tunatawag. Alas nuebe na pala ng gabi at masyadong napalalim na ang tulog ko. "Hello?" ani ko kahit gusto ko ng magsisigaw ng masasamang words dito. "Hello, Sho? Si Robert ito. Si Mikyle naglasing kasi, hinahanap ka," sabi niya. Mukha ba akong gamot sa toma? "Eh ano naman? Iuwi niyo na at saka niyo na patulugin! Iuwi niyo ha?! Baka mamaya e matambangan na naman iyan. Bakit ba kasi hinayaan niyo na mag-inom? On the first place hindi pa naman siya totally na okay," ani ko na inis na inis na talaga. "Pasensya na, Sho, malungkot kasi itong kaibigan ko, hindi ka raw nadalaw sa kanya ng tatlong araw. Ayon, nagwawala na siya ngayon sa bar. "Sige na, sige na. Susunod na ako diyan at magta-taxi na lang ako. Bayaran niyo ha! "Oo, ako na ang bahala." Sa madaling sakita wala akong choice. Tumakas ako kahit na ayaw ni Tristan na lumalabas ako sa gabi. Ang higpit ano? Naiintindihan ko naman, kaso madalas na siyang ganito at hindi ko na rin nagustuhan ang ganito na klasenge behavior niya. Si Mikyle din kasi na ito e! Papansin masyado! Ano ba naman na gagawa at gagaw atalaga siga ng gulo at dahilan para puntahan ko siya. Minsan ang sarap na lang din na huwag na siyang pansinin. Bale para bang kanya-kanya na kami. Pagkapunta ko sa bar e ang dami ngang casualties at nasira. Hindi naman sa nag-aalala ako. Kung alam ko lang sobrang yaman ng lalaki na ito. Hulaan niyo pala kung ano ang ganap ko sa huli. Opo, ako ang nag-uwi sa lalaki na ito, wala naman akong choice e. Kaya naman habang akay ko si Mikyle papasok ng apartment niya e nagsasasabi ako rito. Sana talaga makahanap na siya ng jowa, hindi na kasi ako natutuwa pa. Oo, medyo masakit kung iisipin, pero naisip ko na lang na luluwag naman ang mga iisipin at poproblemahin ko. "Mikyle, pakawalan mo na ako. Hindi mo naman siguro ako kailangan pa. Ano ba naman iyung maghanap ka na ng iba. Tatanggapin ko naman e. Hindi iyung ganito. Need ko ng mag-move on kahit wala namang tayo." Ang selfish mo kasi! Kapag kailan mo ako nandito lang ako, pero kapag kailangan na kailangan na kita sa iba ka kumakalantari. "Ayaw ko ng mag overthing, ayaw ko ng umiyak habang nag-iisip na baka ganito at ganyan. Mikyle, I am so done, so please let me go." Akmang aalis ako nang hilahin niya ako at halikan. "Sorry, Sho, sorry if I will be more selfish, because I never want someone like this," he said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD