SA huli e napapayag ko silang dalawa na mag-stay na muna kami sa apartment ni Mikyle. Sa una e pareho na ayaw ng dalawa. Si Mikyle sinasabihan na trespassing daw si Tristan, si Tristan naman e sinusundo lang daw ako. Kung may matris lang ako, kanina pa siguro nalusaw sa stress. Mga bwakanangshet mga lalaki na ito e.
Ganito ba talaga ang ugali ng mga gwapo? Parang medyo gusto ko ng maniwala kay Andre E a? Ano, iibig na ba ako ng pangit? Huwag na, si Skusta nga ang chakabells, pero nqgawa pang manloko, ems!
Ngayon e pagabi na. Malakas pa rin ang ulan, may kuryente na kanina pero I think may natumba na naman na poste ng kuryente, kaya balik kami sa fleshlight, charot! Flashlight kasi iyon, nga vovong nilalang talaga kayo.
Siyempre gabi na, kaya gagawa na ako ng dinner. Alangan naman na magluto ako ng breakfast 'di ba? Mga shunga talaga kayo, nakakainis kausap.
So nagluto ako ng bulalo. Mabuti e nakapag-grocery ako kahapon bago magkasakuna. Kaya naman may stock kami ngayon at hindi magugutom.
"Kain na, huwag na kayong mag-ambaan ng away diyan. Ikaw, Tristan, inaatake ka na nga ng lagnat, nangwa-warshock ka pa! Ikaw rin, Mikyle. Ano? Matapang ka na ba? Ikaw itong grinipuhan sa tagiliran hindi mo pa rin kayang bawasan iyang angas mo," sabi ko sa dalawa.
Daig ko pa ang nanay kung makabawal sa kanila. Hindi na rin ako happy sa fact na mga bwakanangshit sila ha? Ginagawa na nga nila akong nurse dito e. Kapag ako naasar na at nasagad na talaga ng tuluyan, ako na ang magre-reto sa kanila ng nursing student!
Sa huli e pareho ko silang dinalhan na ng pagkain sa sala. Doon na lang kami kakain para sama-sama at mabantayan ko na nga sila. Nakatago na lahat ng kutsilyo at matatalin na bagay rito. Baka maging cast pa ako ng SOCO kapag nagkataon na nabulungan ng demonyo ang dalawa na 'to.
Mukhang ayos naman at payapa ang dinner namin. Sinarapan ko talaga ang luto ko, para naman magkaroon ako ng peace of mind. Sabaw lang pala katapat ng dalawang ito e.
Kaso nang naghuhugas na nga pala ako ng plato, nakarinig na naman ako ng malakas na kalampag. Ayon, nagre-wrestling na ang dalawa sa sala. Mabilis akong umawat. Jusmiyo! Iyung sugat pa naman ni Mikyle nagsasariwa na naman.
"Ano na naman bang gulo ito? Tristan, anong nangyari? Bakit mo naman papatulan iyung tao e may lagnat ka na nga, tapos napuruhan mo pa iyung sugat niya. Ano ba iyan," sermon ko.
"Eh kasi iyan, iyang gago na iyan, sabi ba naman sa akin e kasama mo siyang matutulog!" Eh ano naman ngayon? Wala naman kaso iyon? As if naman easy to get ako!
Ngayon isa pang problema itong sugat ng lalaki na ito. Agad ko naman na ginamot, buti at hindi namaga or what na masyado.
"Tristan, ayaw ko ng ganyang ugali ha. Kakalabas lang nang tao sa ospital, tapos ganyan. Paano kung napano siya? Kasagsagan ng bagyo alangan isugud natin siya sa ospital. If ganyan ang ugali mo, bumalik ka na lang sa bahay," ani ko sa kanya nang makatulog na si Mikyle.
"Sho, huwag ka namang ganyan," ani niya na para bang nagpapaawa. Iilang linggo ko pa lang siyang nakikilala, nakakaamoy na ako ng pulang bandila a?
"Huwag ka ring ganito. Nakisilong ka na nga sa bahay nang tao, tapos pupuruhan mo pa? Kung gusto mo siyang saktan, ako na lang. Ha? Ako wala akong injury, pero siya mayroon," dagdag ko.
"Sho! Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Have you forgotten what he did to you? Ha? Malinaw naman na binibilog niya lang ang utak mo para bumalik ka na sa kanya," sagot nito na para bang frustrated na frustrated.
"Iyon na nga e. May kasalanan siya sa AKIN, hindi sa iyo. Bakit ikaw ang nananakit sa kanya? Sa tingin mo ba masarap sa puso ko na ginawa mo iyon? No, Tristan naman kasi. Hindi ko malilimutan ang ginawa niya. I hate people who loves betraying, backstabbing and keeping secret that could shake my mind. Pero exception muna ang kaso niya ngayon. Kaya please, mamili ka. Stay here and behave or better leave and hintayin mo na lang akong bumalik sa apartment," ani ko sa kanya.
At the end e naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat. Sinabihan ko rin siya nag mag-sorry sila sa isa't-isa bukas.
Natulog kaming tatlo sa iisang kwarto. Sa lapag kami magkatabi ni Tristan. Sa kama mag-isa si Mikyle.
Pero pagkagising ko sa umaga, kaya pala ang sikip e nasa tabi ko na natutulog si Mikyle.
"Huy, gising," sabi ko rito. "Bakit ka rito natutulog? Ang luwag ng kama mo o? Shunga ka ba? Kaya nga kita roon pinatulog kasi baka matamaan ang sugat mo," asar na wika ko.
"Ayos lang tamaan, kaysa sa pinapanood kita na katabi mo iyang gago na iyan sa pagtulog," ani nito na halatang galit na galit na e.
"Bakit ba ang init ng dugo mo sa kanya, ha? Mikyle huwag na kayong gumawa ng gulo, please lang. Saka na kung maayos na ang lagay ninyo. Mga pasyente ko kayo e. Iyung isa may lagnat, ikaw naman may malaking sugat. Hays! Magshi-shift na lang ako ng course," ani ko na asar na asar.
Bigla lang siyang ngumiti. "Anong ngini-ngiti mo diyan? Hoy, sa tagiliran ka may tama, wala sa utak ha! Nakakatakot ka na!"
"Wala, naisip ko lang na bagay nga sa iyo ang nurse uniform." At bigla ko na lang naalala ang kataksilan niya sa akin. Nawala ang ngiti ko at bumangon. Mukhang mahina na ang ulan, ngunit nakakatakot pa rin lumabas sa lakas ng hangin.
"Saan ka pupunta?" tanong niya na para bang rattle na rattle.
"Magluluto na ng almusal, nakakahiya naman sa dalawang prinsipe," dahilan ko na lamang.
"No, nawala iyung ngiti mo nang nabanggit ko iyung word na nursing. I know that you still feel so much hate, hindi mo rin ako mapapatawad ng ganoon kadali. Pero handa akong gawin ang lahat, para lang mabago ang lahat." Dalawang beses na kasi, ang hirap ng paniwalaan.