Episode 50

1053 Words
MAAGA sana akong magigising, siyempre kahit muchacha ako ni Mikyle, isa pa rin naman akong dakilang estudyante. Looking forward nga ako ngayon kasi akala ko e makakawala muna ako kay Mikyle na super clingy na lang bigla sa akin. Iba rin naman kasi ang gandang natural ko e. Pero hindi rin nakaka-fresh mga ganap ko kay Mikyle, dumagdag pa si Tristan na mukhang ewan sa mga text and miscalls niya. Muntik ko na siyang i-block. Sa ginagawa niya e candidate na rin siya sa pagiging pulang bandila ha. As what I am saying, may pasok sana ako ngayon, ang kaso lang e ang lakas ng ulan sa labas. Nawalan pa ng kuryente, buti nakibalita na ako bago mawalan ng internet, na suspended ang klase. Kaysa naman sa tumunganga na naman ako e nagluto na ako ng almusal. Sinarapan ko na rin, kasing sarap ko bale. Dahil malamig ang panahon e masarap kumain ng sopas, with boil egg and chili powder! Go! Magutom na kayo, maglaway na kayo! “Seems like hindi ka makakapasok sa school ngayon a?” ani naman ni Mikyle na tuwang-tuwa. Happy yarn? “Try kong pumasok kahit ganyan kalakas ang ulan,” sabi ko naman sa kanya na agad niyang ikinainis. Bakit ba? “Excited na excited ka talaga na iwan ako ano? Bakit? Nandiyan na ba iyung kupal na Tristan na iyon?” tanong niya sa akin. Aba e malay ko! At wala rin akong pakialam. Kung tutuosin ay may sapat na ako na ipon para naman makalipat at mag-solo na ako ng apartment. Isa pa e makakahanp naman ako ng ibang part time na work diyan na walang konek sa mga lalaki na pilit na gumugulo sa buhay ko. “Pinagsasabi mo? Alam mo, kayong mga lalaki, iba-iba man ang mga size, kulay at performance niyo, iisa pa rin naman ang hilatsa ninyo hindi ba? Ginawa niyo na ata talagang libanagan ang paglalaro ng damdamin namin,” sabi ko sa kanya. “Sho, may lawit ka rin naman a? Ang ibig sabihin ba noon e manloloko ka rin?” ani nito na mukhang balik taya lang kami. “Baliw ka ata e,” sabi ko sa kanya. “Babae ako! Bwisit ka!” dagdag ko pa. Tawa lang siya nang tawa, masyadong masaya! Iwan ko kaya siya bigla? Charot! May konsensya naman ako ano. Ayaw ko naman magmukhang kontrabida na iiwan ang may karamdaman na lalaki na ito. “Fine, babae ka naman talaga e, babae kitang ituturing basta bigyan mo lang ako ng second chance,” sabi niya sa akin na ang hirap lang paniwalaan. Mas okay pa na paniwalaan na may puting uwak. “Banat mo ang baho! Alam mo, kumain ka nang kumain diyan, magpagaling ka para naman makalabas-labas ka rin. Iwasan mo iyang inom-inom mo ng alak na iyan. Drink moderately as much as you can…” Sa kaka-walwal niya e nadi-disgrasya siya e. “Just tell me, Sho. Hihinto ako sa pag-inom,” sabi nito na para bang gusto na gusto na niya talaga na bumalik ako sa kanya. “Mikyle, ito lang ang masasabi ko sa iyo, ha? Kung gusto mong magbago, gawin mo iyon para sa sarili mo, hindi dahil sa gusto ko, okay?’ ani ko sa kanya. Hindi naman na siya umimik pa, buti naman. KASO struggle lang, dahil kailangan ko siyang paliguan. Alam ko, mga hayop kayo, alam ko ang mga iniisip ninyo. Na andyan na naman ang marupok, na sasabihin niyo na ang arte ko, kung tutuosin e nakita ko naman na ang full package na katawan ni Mikyle, so what is new? Alam niyo ang bago? Pwet niyong may lobo. Siyempre ang awkward kaya. Tinatatagan ko na nga lang ang sarili ko e. Nasa banyo na kami at hubo at hubad na siya. Nakakaloka dahil gising na gising ang andres niya. Handnag sumabak sa pagbiyak. Pero eme ko lang iyon ano, hindi naman ako maharot at takaw sa lalaki. Dapat naman talaga e wholesome lahat ng ito. No feelings attack, or else it is game over to me again. “Mikyle, utang na loob ha? Ayusin mo iyang mga desisyon mo sa buhay. Kapag talaga nagloko-loko ka, sinasabi ko sa iyo, iiwan talaga kita,” banta ko sa kanya. Sinimulan ko ng pabulain ang ulo niya. “Kahit magtikol, bawal?” Taena nga naman ng lalaki na ito ano. “Mamaya mo na gawin iyan, pagkatapos kitang paliguin, bahala ka na sa buhay mo,” paalala ko sa kanya. Grabe, ang hirap niyang paliguan! Hindi na ako natutuwa for the record ha! Matapos siyang maligo e binihisan ko na rin siya. O diba? Saan ka pa ba makakahanap ng katulad ko? Ako e sadyang natatangi sa lahat ng natatangi. Masyado na akong wife material tapos sasayangin lang ako? Sabi ko nga ‘di ba? Hindi ako ang mawawalan, dapat ganyan, know your worth, para hindi ka habol nang habol sa isang lalaki o tao na obvious naman na hindi man lang maibalik o mahigitan ang effort na binigay mo. MATAPOS e sakto na nawalan pa ng kuryente. Alam niyo naman ang isa diyan, takot na takot sa dilim kaya sa akin nakayakap ang loko. Lakas pa naman talaga ng ulan sa labas, hindi na nakaka-enjoy. “Mikyle, nanginginig ka. Sabi ko naman sa iyo na huwag ka munang maligo, tapos ang tagal pa natin sa banyo kanina,” galit na sabi ko sa kanya. “Sorry na,” ani niya na nanginginig na ang boses. Napasinghal na lang ako at saka siya pinahiga na sa kama. “Matulog na muna tayo.” Ang lamig kasi ng panahon na para bang hinihiyakat na ako na matulog. PAGKAGISING ko e parang mawawasak ang pinto. Tulog pa si Mikyle, sino ba ang bisita ng lalaki na ito? Alas sais na ng gabi halos a! Lakas pa rin ng bagyo sa labas, kaya naman napapaisip ako kung sinong babae na naman ni Mikyle ang susugod ng ganito? Pagkabukas ko ay halos tumalon ang puso ko. Basa ang buhok at katawan niya na nakaharap sa akin parang iiyak si Tristan na ansa harapan ko. “Umuwi na tayo.” Naguguluhan ako, pero hinihila niya lang ako. Pero bago pa niya ako mahila palabas ng apartment ni Mikyle, ay may isang kamay naman ang pumigil sa amin. “Dito lang siya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD