Episode 49

1039 Words
HINDI ko namalayan na sa sobrang pagod ko e nakatulog na pala ako sa sofa. Malaki naman ang sofa kaya naman keribrls and comfortable naman ako. Alangan naman na makibahay na lang ako bigla at doon sa dati ko na kuwarto ako mag-sleeping beauty 'di ba? Basta pagkagising na pagkagising ko e ang unang bumungad sa akin e nasa tabi ko na na natutulog si Mikyle. Nakaunan pa nga ang ulo ko sa braso niya. "Hoy, gising ka na," sabi ko sa kanya. Alam niyo naman na mukhang anghel ang lalaki na ito kapag tulog, iba na nga lang ang usapan kapag gising. "Bakit ka kasi rito natulog? Ang laki na nga ng kama mo sa kwarto. Tapos pinaunan mo pa iyang braso mo sa akin, e ikaw itong may kalagayan e. Ang kulit mo talaga," sabi ko sa kanya na malapit ng maasar. Kamot ang ulo siyang umupo. Inalalayan ko naman na siya. "I don't mind. Basta kasama kita." Binigyan ko lang siya ng ismid. Siyempre hindi tayo papa-apekto sa mga banat niya. Huwag natin patunayan na sobrang rupok natin, pwede? "Tama ka na muna, Mikyle ha. Mag-ayos ka na at magluluto na ako. Uuwi na rin naman ako maya-maya," sabi ko sa kanya. Para naman siyang nalungkot na ewan habang nakatingin sa akin. "Iiwan mo na naman ba ako?" Parang gusto kong humawak sa dibdib ko, kasi ako na ang nasasaktan. Taena, bakit ba kasi ganito? Ginagawa ko naman ang lahat para makalakad na papalayo, at saka magsimula na lang muli. Ang dami ko ng pain na naranasan sa lalaki na ito. Siya na ang naglalakad na red flag. Ano bang mayroon kay Mikyle maliban sa daks at pogi siya? Wala na, lahat ng bisyo nasakanya na. Solid din naman pagiging babaero niya, wala akong masabi na maganda sa kanya, I mean mabait siya at times, sweet at walang duda na bolero. "Eh saan mo pala ako gustong matulog?" tanong ko sa kanya. "Just stay here, and I know that this wounds will heal. Just please, huwag mo muna akong iwan." Ay wow, so may healing galing na ability na pala ako ngayon? "Sige na sige na, para naman maasikaso na kita. Pero kumuha ka na ng nurse ha. Hindi sapat ang knowledgeable ko para maalagaan na kita all around. Need mo ng professional. Wala na ba kayo nang nursing student? Pwede mo naman siyang tawagan a?" suhestiyon ko sa kanya. Suggestion lang naman, wala naman sigurong masama sa sinabi ko! "Sho! Let's forget that. Isang malaking pagkakamali iyon na hanggang ngayon pinagsisisihan ko na," sabi niya na para bang napapahilot ng sentido. "Mikyle, wala naman masama kung magustuhan mo siya. Basta stick ka na lang sa isa. Hindi lisensya ang itsura, kisig at appeal mo para pagsabay-sabayin lahat," paalala ko sa kanya. "Sho, ikaw lang naman ang kailangan ko e." Hindi na ako sumagot, basta alam na ng lahat iyan. Kung magpapakatanga ako na naman, aba e sakit na iyan. Ang ginawa ko e kinuha ko na ang mga kailangan para sa lulutuin ko. Matapos makaapgluto e ligo muna. Jusko, ayaw ko naman panindigan itong amoy ko. Baka mas amoy ulam pa ako. After ng refreshing bath e tinawag ko na siya para kumain. "Huy, tara kain na," tawag ko sa kanya. Siyempre dinala ko na rito pagkain niya. Pinagalitan ko nga kasi siya kanina. Baka sa kakalakad niya e magsariwa ulit ang sugat niya. "Wala na bang chance na bumalik ka rito?" tanong niya habang nasa gitna na kami ng dinner. "Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya. Ano na naman kasing out of the blue na tanong iyan, 'di ba? "Ayaw ko kasi na lagi ko na lang na iniisip na sa iisang bahay lang kayo nakatira ng Tristan na iyon, naiinis ako," sabi niya sa akin. Wow ha? Ang reasonable naman ng reason niya. "Luh, balak ko rin naman umalis doon at magsarili, need ko lang ng budget. Ayaw ko ng may kasama ulit sa bahay. Gusto ko ng gumraduate sa ganoon na set-up. Gusto ko ng mag-solo,'' paliwanag ko sa kanya. "Bakit, ayaw mo na ba rito?" Obvious ba? Iiwas ba ako kung gusto ko pa rin. "Basta, dami mong tanong, kainin mo na iyang pagkain mo. Puro ka lugaw at soft food muna. Saka ka na kumain ng matigas kapag kaya mo ng matunawan. Kung sino-sino kasi ang hinaharot mo, kaya ka inaabangan e," sabi ko sa kanya. Malay ko ba kung ganoon pala ang main scenario. "Wala na, magmula ng umalis ako, hindi na ako tumingin sa iba." Wish ko sana humahaba ang ilong ng lalaki na ito kapag nagsisinungaling, masyado na siyang kumu-kota e. MATAPOS kumain e pinalitan ko ulit ang bandage niya. Ako na rin ang naglinis sa katawan niya. Nasabi niya rin sa akin na homeschooled muna siya for awhile, at ako na naman po ang nabigyan at need siyang asikasuhin, opo, modular po ang lolo niyo. "Ayan, ayos ka na," sabi ko sa kanya. "Hindi pa, habang hindi ka pa bumabalik sa akin." Ay ano ba naman iyan, bakit may ganyang banat na naman. "Alam mo, itulog at ipahinga mo na muna iyan. Balang araw e matatandaan mo ulit na tanging babae lang ang makakapuna ng pangangailangan mo." Diyan sa natahimik. Lumabas na ako ng kwarto at sakto na may tumawag. Si Tristan pala iyon. "Nasaan ka, bakit wala ka sa bahay?" tanong nito na animo e galit na galit gustong manakit. "Wait, paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya na nagtataka. "Nasa Mikyle ka na naman ba na iyon?" usisa niya sa akin. "Nandito nga ako, pero hindi ako nandito para maging marupok at magpatukso. He needs me, malala ang kalagayan niya at kailangan niya ng tao na mag-aalaga sa kanya," wika ko rito. "Malaki na ang lalaki na iyan, and he is capable enough to hire a nurse," wika niya sa akin. "Wait? Paano mo nalaman na need niya ng nurse?" naguguluhan na wika ko sa kanya. "Does it matter? Umalis ka na diyan, Sho... Huwag mo ng ulitin ang pagkakamali mo," saad ko sa kanya. "Tristan, walang lalaki o kung sino pa man ang magdidikta ng dapat at hindi ko dapat gawin." Sa huli e binabaan ko na lang siya ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD