SAME address, same place, same memories, but it feels too different. Hayaan niyo akong mag-drama rito ha. Pagsasampalin ko kayo ng tsinelas na may takong e. Keri niyo?
Bitbit ko ang ilang mga gamit ko, at saka mga importante na dinala ko like medicine, iyung niluto ko, mga ganoon ba mga accla.
Tiningnan ko kung nasa ilalim pa rin ba ng paso ang susi, at nandoon pa rin iyon. May realization lang ako. That there are things that inevitably changing, pero may mga bagay na ganoon pa rin sa sandaling panahon. Pero wala e, Sho, ahon ka na, masyado ka naman na atang nasasaktan. Pahinga malala na tayo.
I unlocked the door, at agad na kumaway sa akin ang makalat na sala. As in teh, akala mo nilooban ng masamang loob.
Agad naman akong pumunta sa kwarto niya, hindi naka-lock ang pinto, at nandoon siya sa isang gilid.
Oo na! Wala naman akong kasalanan dito pero daig ko pa ang suspect kung makaramdam ng konsensya.
"Nananaginip na naman ata ako. I kept dreaming and imagining that Sho is here," sabi niya habang parang ilang araw na siyang hindi naligo, mugto ang kanyang mga mata habang nakakaawa ang itsura niya.
Ang dating masigla at hambog na Mikyle na nakilala ko, hindi ko makita sa Mikyle na kaharap ko ngayon, para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa.
"Ako 'to, hindi ako aparisyon, hindi ako imagination, hindi ako panaginip lang. Gusto mo ba kahit may saksak ka pa sa tagiliran, masampal lang kita, ha?" sabi ko na itinatago na lang ang awa ko sa inis. Ayaw ko naman mag-open ng opportunity na para bang heto o, nandiyan pa rin iyung feelings, I can't get over. Ayaw ko naman non teh. Ano? Sayang na naman ang paglalayas and everything ko? Tama na nga 'di ba? Red flag na kasi teh.
"Bigla siyang tumayo, ngunit napa-upo na naman siya ulit habang hawak ang tagiliran niya na mukhang dumurugo. Mabuti na lang talaga at may alam ako sa mga ganito.
"Ako na, ang dugyot mo, ang likot mo, ano-ano na lang ang ginagawa mo sa buhay mo, Mikyle! Hindi ka man lang tumawag ng maglilinis ng bahay mo, hindi ka man lang magpatulong sa mga barkada mo! Ano na lang pala ang gagawin mo sa buhay mo kung ganoon? Ha? Magmumukmok ka na lang ba rito habang mukhang pinagbagsakan na lang ng langit at lupa? Utang na loob naman, Mikyle, hindi mo deserve ito, at basta!" nasabi ko na lang kahit na ayaw ko ng maraming sinasabi pa.
"Ikaw nga si Sho," wika nito. Alangan namang ibang tao!
"Ako nga! Juliet Juliet ka na naman diyan e. Akin na at magpalit ka ng damit, maghilamos ka, mag-ayos ka, amoy kulob ka na at ng buong bahay nito. Ano? Bahay pa ba ito o posonegro? Jusko, naalis lang ako rito nagkaganito na ang lugar mo. Alam ko naman na may dugyot tendency ka, pero ang lala naman ha, Mikyle," ani ko sa kanya.
"Huwag ka ng umalis, Sho, sobrang lungkot na, baka hindi ko kayanin," sabi niya na para bang dinudurog na lang ng pino ang puso ko.
"Alam mo na hindi ganoon ang sitwasyon natin. Hindi ako nandito para bumalik, nandito ako dahil concern ako sa iyo. Kahit papaano may mga mabubuti ka rin naman na nagawa sa akin, at ewan ko sa iyo! Ang dami namang pwed ena tumulong sa iyo. Nanligaw ka pa nga ng Nursing Student, remember? Anyare?" ani ko. Bigla na lang siyang yumakap sa akin.
"Magbabago na ako, I will change for the better, for you, just don't leave me again. I am so lonely without you, Sho, I am begging you... Luluhod ako sa harapan mo, huwag mo lang akong ulit iiwam," ani niya sa akin, at para bang may pumipisil na ewan sa puso ko.
"Mikyle, huwag muna natin iyang pag-usapan. Ayusin muna natin ang mga dapat ayusin. Ang bahay na ito, ang sarili mo, ang pag-aaral mo, basta lahat!" paalala ko naman sa kanya.
"No! Sho, please, let's talk about us," he insisted habang nakahawak sa parehas na balikat ko.
"Mikyle, isa pa at aalis ako rito, bahala ka na. Wala na akong magagawa kung sa simpleng request hindi mo ako mapagbigyan, kanya-kanya na lang ulit tayo rito." Sa huli e siya rin ang sumuko, siyempre hindi ako, swerte naman niya masyado.
"Sige, pero dito ka muna. Huwag ka munang babalik sa Tristan na iyon," ani niya na biglang masamang mood na lang siya. Eh? Ano na naman ba iyang arte na iyan?
"Wala rin naman si Tristan, kasi nasa Tagaytay siya," nasabi ko sa hindi ko alam na kadahilanan. Ang daldal ko talaga shutanginamers.
Ngumisi pa siya habang nililinisan ko ng clean towel ang mukha niya. Grabe, parang may masama na naman ata itong binabalak a?
"Problema mo? Ngisi ka pa diyan, burahin ko iyang labi mo e," sabi ko sa kanya.
"At talagang inform ka kung nasaan iyung gago na iyon ha? Galing din," sabi naman nito. Problema niya?
"Alangan, e sa iisang bubong lang kami nakatira e. Sala niyaya niya rin kasi akong sumama. Siyempre tamad saka wala naman akong close sa mga friends niya, nagpaiwan naman na lang ako," sagot ko, e bakit ba kasi explain ako nang explain dito?
"Sa iisang kama ba kayo natutulog?" tanong niya na para bang may interrogation na lang bigla.
"Luh, baliw ka ba? Anong isang kama? I mean parang dito rin noon. One apartment but separate rooms! Duh, alam mo naman ang privacy ko ano," wika ko rito.
"Then dito ka na lang kaya muna? Wala kang kasama, wala rin akong kasama. E parang bagay tayong dalawa," pasimpleng banat naman niya.
"Tigilan mo ako sa pagka-mais mo. Okay? Stappit!" Saka ko na siya nilinisan ang katawan niya. Grabe, ang toned pa rin. Sarap di- basta!
Matapos kong nilinisan e balak ko naman na magluto nago maglinis sa labas. Akala ko ba rest day ko ngayon? Anyare?
Basta naglinis na lang ako habang siya naman e naghihintay sa niluto ko. Nakakagutom na talaga ha!