SUNDAY, siyempre hindi ako magsisimba. Hindi na ako tatanggapin doon kasi hindi ako naging mabait na tao. Sa bahay na lang ako magdadasal. Wish ko maging single na lang kayo forever para damay-damay na. Hindi naman pwedeng ako lang may miserable na kapalaran dito 'di ba?
So ano nga ba ang ganap natin for today's video? Una wala akong work, naka-leave ako kasi tinambakan kami ng video presentation. Ayaw ko ng magluto, hindi ko na pala pangarap iyon. Masyadong fake news iyung 'A way to a man's heart is through their stomach'.
E kung pwede naman kumuha ng ice pick saka sila tutukan sa tagiliran. Kapag hindi nag-I love you too, bigyan ng maagang kamayan, ganun lang naman ka-basic iyon. Palibhasa e mga mahihina ho kayong nilalang, periodt.
Ano naman ang ganap kay Mikyle. Yup, you heard it right mga bingi. Same pa rin, nakailanh block na ako sa mga sim number niya, mayaman ata masyado, at hindi na rin ako natutuwa. Minsan nakonsensya rin ako. Alam ko, iyung konsensya na nararamdaman ko may halong karupukan. 'Di ba? Sino ba ang matutuwa roon.
Pero tinatatagan ko na lang ang loob ko. Ako lang mag-isa ngayon dito, wala lang. Si Tristan kasi pumunta sa Tagaytay with his friends. Wala naman akong close doon, wala rin akong planong makipag-socialize. Ayaw ko ng maraming tao ang nakiki-close sa akin. Tapos puro pa sila mga rich kid. Baka kapag niyabangan nila ako, sampalin ko sila ng bente.
Kahit na todo aya na sumama ako, hindi pa rin ako pumayag sa request ni Tristan. Baka raw kasi mabulungan ako ng kung sinong dyablo saka na lang biglang pumunta kila Mikyle. Eh ano palang ganap ng mga effort ko na mag-move forward kung sa kanya pa rin pala ako tutuwad? Hindi ba? Minsan utak din gawing usable. Nangangalawang na rin kasi e.
Nagutom ako, kaya kahit tamad akong pagalawin ang lahat ng cells, tissue nerves and everything, hindi ko pa rin nakayanan ang protesta ng large and small intestine ko.
Gumawa ako ng simple ng breakfast, iyung makakalimutan ko na iyung past. Hala! Harurut! Nahaharurut ko kayo, mga tanga kasi kayo.
After mag-cook, siyempre direkta kain na. Matapos ma-satisfied binged watching na lang muna ng mga movies at series. Tamad pa akong gumawa ng mga activities.
Habang pinapanood ko na iyung exciting part, biglang may nag-doorbell. Kaya naman ako e binuksan ko na at nandoon ang isa sa mga kaibigan ni Mikyle. Anong ginagawa naman niya rito?
"Namali ka ata ng lugar na pinuntahan. Hidninrito nakatira si Mikyle," sabi ko sa kanya na walang ganap. Pero si Robert parang may gustong sabihin na hindi agad masasabi.
"Hindi, ikaw talaga ang pinuntahan ko. Kailangan lang talaga kasi e,'' sabi niya. Ako pa ba uutangan niya? E ang yaman-yaman naman ng bugok na ito a.
"Wala akong pera, sa iba ka mangutang," ani ko na akmang isasara na ang pinto ng ipitin niya ang sarili niya.
"Aray!" sigaw niya kaya nabuksan ko ng mas maluwag ang pinto.
"Bwisit ka ba? Bakit mo na naman iipitin ang sarili mo? Kailangan mo rin ata ng tulong ng propesyonal e," inis na wika ko.
"Sho, parang hindi naman tayo naging magkaibigan. Hindi ko kailangan ng pera, hindi ako nandito para sa ganoon na dahilan. Ikaw ang kailangan ng kaibigan ko, Sho, kailangan na kailangan ka ni Mikyle." Ha? E halos dalawang araw na ngang di nangungulit iyon e. Akala ko pa naman nasa tahimik na siyang pag-iisip.
"Papaunta na ako sa part na malapit na akong maging okay. Sana siya rin. Hindi niya ako kailangan, ang kailangan niya magseryoso na siya sa pag-aaral, isang babae na tunay niyang mamahalin kaya stop na siya sa pagiging palengkero niya. Hindi ko alam anong trip pa niya ha, as in ayaw ko na," sabi ko rito.
"Gabi-gabi na lang siyang nasa bar, umiinom ng alak, wala ng direksyon buhay niya magmula nang iwan mo siya." Oh, bakit sounds like parang kasalanan ko pa ngayon?
"Kaibigan mo si Mikyle, tama hindi ba? If iyon naman pala, please lang, pakilayo na siya sa akin. Ayos lang ba na nagkakaganyan ang kaibigan niyo sa isang bakla lang?" ani ko.
"Hindi ka lang naman isang bakla lang e. Kilala ka naman namin. Ikaw lang ang nagpapasaya kay Mikyle." Pota, so parang entertainment showcase na pala ako ngayon.
"Mayaman naman kayo, mag-renta kayo ng clown, ng comedian or entertainer. Huwag ako, may puso rin naman ako. Marunong din naman akong masaktan, for your information lang," sabi ko rito.
"Sho, kakalabas lang ng ospital ni Mikyle. Nakipag-away siya sa bar, pero wala naman siyang galos. Pero nakapagtataka na may tumambang sa kanya sa labas. Pagkalaba sniya may sumaksak sa kanya." Para naman akong nanlamig sa narinig ko.
"Ano?! Ano na ang nangyari sa kanya? Bakit hindi mo naman agad sinabi!" sabi ko na medyo nagpa-panic na.
"Ayos na siya, buti hindi napuruhan ng gaano. Pero ayaw niyang magpaasikaso. Kumuha na kami ng private nurse pero nagkukulong lang siya sa dating kwarto mo." Nalungkot naman ako bigla.
Kahit ganoon iyung kupal na iyon, at ganoon ang ginawa niya sa akin, hindi niya deserve ang nangyari sa kanya. Ayaw ko naman na bumalik at bigla na namang ma-attach ng sobra. Kaya nga dumidistansya na ako e, kasi ayaw ko ng masaktan pa.
"Ano pala ang gusto niyong gawin ko?" ani ko.
"Pwede ba na quit ka na muna sa work mo? Alagaan mo si Mikyle. Papasahuran ka naman namin. Hindi naman magtatagal dahil after na maging okay na siya, pwede ka ng umalis," sabi nito.
"Dadalawin ko siya mamaya, pero ang offer mo pag-iisipan ko na muna." Hindi ganoon kadali ang desisyon na gagawin ko.
Ang dami ko ng self investment, effort, at hindi rin basta-basta iyung trauma na nakuha ko. Ang laki na ng trust issue ko dinagdagan niya pa.
Pinaalisnko na siya, ako naman e nag-ready na magluto ng kakainin niya. Siguro porridge na lang muna at soft tofu. Basta kumain siya, magpagaling at mag-uusap na kami ng maayos. Mga beh ayaw ko naman na iwas na lang ako nang iwas. Sign na siguro ito na dapat may closure at ipaintindi ko sa kanya na wala na ang lahat.