Episode 46

1027 Words
HINDI na muna ako pumasok sa nightshift na work ko sa bar. Maliban sa wala na ako sa mood, baka kung ano pang gulo ang gagawin sa akin ni Mikyle. Hindi ko na rin siya maintindihan. Hindi io na rin alam ang purpose niya sa life at ginugulo niya pa rin ako kahit wala naman siyang mahihita sa akin. Nagpasundo na ako kay Tristan, wala naman siyang ginagawa plus tawag pa siya nang tawag. Kaysa sa kinukulit niya ako, aba sunduin na niya lang ako. Naghintay lang ako ng very light, saka ko na natanaw na ang kanyang sasakyan. Buti naman, mukha na akong pinasabugan ng tubig at napakainit sa Pilipinas! Sarap mag-migrate sa Antarctica! "Pasensya na, na-traffic ako e," paghingi niya ng paumanhin. Dapat lang! Dahil sinasabayan ng init ng Pilipinas ang init ng ulo ko! Nakakabanas. "Ay, nakaka-stress. Kung bakit ba naman kasi e nakilala ko pa iyung Mikyle na iyon," sabi ko na nagdadabog. Maganda naman ako, so may K ako para magdabog ano. "Oh, chill ka lang. Heto, binilhan kita ng drinks, alam ko na mainit ang ulo mo," sabi niya sabay bigay ng mamahaling brand na SB na coffee, ice coffee siya actually. Medyo kalmado naman ako. "Tara na, alis na tayo. Gusto ko ng maligo at matulog." Hindi naman sa affected pa rin ako kay Mikyle. Sadyang pinainit niya lang talaga ng malala ang ulo ko kanina. Grabe, pati trabaho ko apektado. Sana huwag na mag-krus ang landas naming dalawa. Siya naman ang mayaman sa amin, siya na lang ang umalis, mag-transfer siya, lumayo na siya ang everything, as long as hindi ko na maalala pa ang mga ginawa niya. Wala siyang pinagkaiba kay Arthur e. "Iniisip mo pa rin ba siya?" seryosong tanong ng kasama ko ngayon. "Sino ba ang hindi? Grabe ang ugali ng lalaki na iyon. Akala ko pa naman e ayos na ang lahat. Iyon pala, wala, deads, nanggugulo pa rin. Ano, sawa na siya sa Miss. Nursing student kaya balik na siya sa akin? Ako nga e tigilan na niya muna sa pagiging kupal niya." Natawa lang si Tristan. "Kupal nga siya. Sinaktan ka na nga niya, sinayang ka pa niya," sabi ni Tristan, naks, kaya magkasundo na magkasundo na kaming dalawa e. Kung ganyan ba naman ang ugali, hindi ba? "Tama iyan! Ganyan sanang mindset, pero hindi na magbabago ang lalaki na iyon. He is a womanizer, so what is new? Majority naman ng mga lalaki manloloko e," sabi ko. Hindi ako manhater, sadyang real talk lang. "Oh, bakit parang pati ako nadamay diyan?" tanong niya sa akin. "Oh, sana umilag ka ng mabilis," ani ko naman na sabay na lang namin na tinawanan. Sana ganito na lang lagi ano? Si Tristan, gwapo, as in pang model ang itsura. Makinis ang mukha, matangos ang ilong, mukha siyang Brazilian Japanese. Ganda ng combo ng lahi 'di ba? Pero siyempre naman, hindi papatalo ang lahi ni Clara at ni Pudra, kaya nga nakagawa sila ng nag-iisang ako sa mundong ito. Walang aangal, tatampalin ko. So nakauwi na kami. Dahil lagkit na lagkit na ako e naligo na ako. Tapos hindi pa makisama ang CR ko sa kwarto, wala na namang tubig! Nakakaasar na naman. Kumatok ako sa pinto ng silid ni TJ. "Hoy, papasukin mo muna ako." In fairness binuksan naman niya agad. Ang masaklap lang, kita ng makasalanan na mata ko anv katawan ni TJ, paano ba naman e naka-white na brief lang siya. "Ano ba iyan! Kung magbibihis ka pala, sana huwag mo munang bubuksan ang pinto!" angal ko sa kanya. Nakakawala na naman ng angas ito e. "Oh, katok ka kasi nang katok akala ko may balak kang gibain ang pinto e. Ano bang meron?" Sungit naman nito, kanina ayos pa 'to a. Pansin ko talaga may pagka-bipolar ang lalaki na ito. "Walang tubig sa CR sa room ko. Paligo muna ha," sabi ko naman. Buti nga nagpaalam pa ako, dapat nga ako ang nasusunod dito e. Bahay niya lang ito, ako ang nakikitira! That is what we call, conviction! "Ayaw ko nga," ani niya sabay cross ng braso. "Ay, mamaya mo na ako banasin. Please lang, pakiramdam ko nag-swimming na ako sa asukal. Super lagkit ko na!" reklamo ko sabay tulak ko na sa kanya at pumasok na ako. "Ligo na ako, huwag ka ng magulo diyan." Sabay pasok ko na sa CR. Buti pa rito may tubig. So naligo na nga ako. In fainrness mabango rito. Hindi naman kasi dugyot si Tristan. Kaya lang iyung sabon niya puno ng bulbol. Ano iyon, koleksyon? May pagkabalahura rin pala. I change my mind. So dahil parang dalaga akong maligo, 2 hours din iyon bago ako natapos. I can say that I am finally clean, so goodbye Mikyle. Kahit katiting na bakas niya ay ayaw ko ng mabakasan pa ako. Walang maiiwan! So after ko na maligo e lumabas na ako. Ang sama ng tingin ni Tristan sa akin. "Kanina pa ako naiihi." Wow ha, parang hindi naman lalaki 'to. "Beh, may bote sa ref. Sana nag-piss ka na muna roon. Hina ng diskarte nito." Nakalimutan ko na naka-short na short ako ngayon, kaya naman pala ang lagkit ng tingin niya sa akin ngayon. "Saan na naman dumadapo iyang mata mo! Diyan ka na ngw, magluluto pa ako ng dinner natin.'' Nilayasan ko na siya kaya naman nanditonna ako sa kusina at balik na naman ako sa chimay mode. At least magandang chimay. Balak ko na magluto ng mabilisang sweet adobo. Parang ako lang, sweet naman, may toyo nga lang. Magtiis ang gustong sumubok ng aking pag-ibig. Bigla namang nag-ring ang phone ko. Unknown number, malay ko ba kung nanalo na pala ako sa lotto. Kaya nama sinagot ko na. Kapag scam ito, hahanapin ko siya kahit nasaan pa siya saka ko siya isasahog sa adobo! "Sino ho 'to?" tanong ko. "Sho, uwi ka na... Ayaw ko ng mag-isa rito... Sobrang lungkot ko na." Parang automatic na nadurog ang puso ko sa narinig ko. "Mikyle... Tama na. Mas clear pa sa ckear envelope na babae ang kailangan mo. Wake up, gising ka na ha! Tumigil ka na." Binaba ko na ang tawag. Tama na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD