GRABE sa dami ng tao. As in dagda talaga dahil madaming sosyalera na nga e social climber pa. Akala mo naman hindi nambuburaot at nagpapalibre sa mga boylet nila. Hindi nila ako gayahin, a very workaholic gurl.
So bale naglilinis na ako ng mga tables. I mean, cashier ako obviously, pero kung may maitutulong naman ako na other prio, edi go na ako. Kawawa naman si Shiela, baka ma-exhaust baba niya mga teh.
Biglang bumahing si Shiela dahil para lumayo ako sa kanya. Nagwisik ako ng alcohol na parang pari lang. "Teh, baka may halo iyang bahing mo na iyan ha? Magpa-ICU ka na kaya?"
"Grabe ka namang bakla ka! Nabahing lang e! Pakiramdam ko kasi may kung sino na namang diyablo ang sinisiraan ako sa isip niya." I am not guilty though, iba ang sinisiraan sa nagsasabi ng totoo.
Ang ginawa ko e tinapos ko lang ang mga dapat kong tapusin. Bumalik din ako sa kahera dahil may mga paparating na customers.
"Welcome to TJ Cafe, how can I help you?" tanong ko pero bigla naglaho dahil sa nakilala ko sila. Si Mikyle kasama ang mga kampon niya, at may mga bitbit pa silang chicks. Ang kakapal naman ng make-up, akala ko e naging morgeu na lang bigla ang atmosphere.
"Please order na your drinks and pastries. Ang kasama ko na po ang magse-serve." Bali na-upo na ang others, kasama na ang dati kong boss. Alam niyo naman.ga babaero talaga.
Nakakagulat dahil si Mikyle pa talaga ang nag-order, pwedeng iba naman na. Wait, kung alam ko lang nq mangyayari ito, baka tinanggap ko na ang alok ni Tristan kanina na pahinga na lang muna ako ng malala. Vacation leave with pay iyon. Kaso mukha akong pera at hindi naman makapal ang mukha ko. Sige na, titiisin ko na lang iting nararamdaman. Ko na iritasyon kay Mikyle.
Pero siyempre hindi naman ako plastik like you. So aaminin ko rin na may part sa akin na miss na miss ko na rin siya. Ang bago lang e praktis na akong huwag marupok.
"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin. Mukhang okay naman siya. Gwapo pa rin, mukha pa ring mabango, mukha namang maayos ang tulog niya at kumakain sa tama. Hindi ko na kailangan makipagkamustahan pa.
"Wala pong 'Kamusta na' sa mga drinks and cakes po namin," sagot ko pabalik.
Tumawa naman siya sabay hawak sa kamay ko pero agad ko rin nilayo. Ano siya, ginto? Ako nga e tigilan niya.
"Damn, I miss this kind of Sho. Baka pwede namang bumalik ka na sa bahay natin?" alok niya. Pinagsasabi naman nito? Wala naman kaming bahay e. Delusional na masyado ang lalaki na ito.
"Hi po, working hours ko po kasi ngayon, my personal matter is something that should be involved here. Pagkatapos ko na lang po mag-work, maybe I can give some time to talk, but not now." Makiramdam ka naman, please!
"Hintayin kita hanggang sa matapos ang shift mo," sabi niya sa akin na para bang pursigido.
"Mamuti na ang mata mo habang dilat, pero mamayang 3am pa ako uuei dahil may raket pa ako,'' ani ko na hindi na maiwasan pa na makapagsakita na ng pabalang. Partida hinabaan ko na ang pasensya ko niyan ha!
"Why! Bakit kailangan mo pang magpakahirap? Nandito naman ako o? Handa ko naman ibigay mga pangangailangan mo," sabi niya sa akin.
"Sir, order niyo po." Sa huli e hindi ko na sinagot mga pambobola at pambibilog niya sa isip ko. Tama na siya sa akin.
Matapos mai-serve saka ko na sinabihan si Shiela na sa inventory muna ako. Siya rin na nandito na iyung kapalitan ko sa shift. Pahinga muna kasi ako niyan bago ako rarampa sa bar mamaya. Waiter naman ako.
Biglang pumasok si Shiela rito sa stockroom habang tumitili. Tunog inuunong tambucho ng sasakyan ang kilig nitong babae na ito.
"Teh! Ang gwapo nila teh! Alam ko naman na bet na bet mo iyung nakaputi kanina na kamukha ni Lee Min Ho! Hay grabe teh! Huwag mo ng pakawalan iyon, narinig ko usapan niyo kanina. Ex mo ba?" Hayop naman talaga itong babaeng turumpo na ito. Chismosa pala talaga. Hindi ko man lang natiktikan na nakiki-Marites na pala siya kanina.
"Chismosa mo! Walang ganoon at certified playboy na, babaero pa iyon. Kaya tigilan mo iyang kakakilig mo diyan, walang romantic sa lalaking gwapo pero hindi marunong makuntento!" Real talk lang na may kasamang fact check!
"Ay, may point ka roon. Sige na balik na ako roon. Focus sa goal, gwapo lang sila." Napaka-talandi naman talaga kasi e.
Bale kahit na ayos na ang inventory, nagtagal ako ng an hour dito. Para sure naman na kapag nakalabas na ako e wala na si Mikyle at ang grupo niya.
Kaso pagkalabas ko e nandito pa si Mikyle, siya na lang. Nakatingin sa akin na pwra bang maaawa ka talage teh. Kaso lumang tugtugin na niya iyan e. Stop na lang malala. Dahil hindi na tatalab sa akin iyang ginagawa niya.
Matapos ang shift ko e umalis muna ako sa shop. Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako sa shift ko. Para kasing nawala na lang bigla ang lakas ko. Ganoon ka unhealthy sa buhay ko si Mikyle.
"Sho, kausapin mo naman ako. Sabi mo kanina after ng shift mo mag-uusap tayo?" ani niya na inaabangan na pala ako. Kung alam ko lang na may ambush interview, edi sana nag-ayos na lang ako ng malala.
"Mikyle, nasabi ko lang iyon dahil ayaw kitang mapahiya. Akala ko ba ayos na? Tahimik na tayo pareho o. Wala ka naman mapapala sa akin e. Nasa ibang tao, sa isang tunay na babae ang exciting part, kaya naman lumabayan mo na ako parang awa at utang na loob mo na," sabi ko na lang sa kanya.
"Dahil ba sa gago na Tristan Janes na iyon? Kaya ba?!" sigaw niya. Nakaka-attrack na kami ng ibang tao rito e.
"Pwede ba huwag kang sumigaw! Mahiya ka naman. Mikyle, kung ano man ang gawin ko sa buhay ko, wala ka na roon, tahimik na ako, huwag ka na sanang manggulo pa." Please lang naman.