HINDI ako halos nakatulog. Iniisip ko kung bakit nga ba ganito na lang ako kung malasin. Nang nakaraan buhay ko ba e sinayang ko na lahat ng swerte ko, kaya ngayon e inuulan na lang ako ng malas? Parang hindi naman fair ang buhay ko nito! Nang nandito na ang tatlong bruha e expected ko naman na ang gagawin nila. Hindi ako sumigaw sa bawat hampas, kurot, sampal, palo at kung ano-ano pang pagpapahirap nila sa akin. Mahapdi na ang mukha at katawan ko. Puno na marahil ako ng kamot at sapak. Hindi ko an siguro makikilala pa ang sarili kong mukha kapag nanalamin ako. But I never ever let a single tears to drop. Dahil never ko na ibibigay ang satisfaction na gusto nilang makuha sa akin. Neknek nila, hindi nila makukuha iyon. I will not let them have fun, ako ang masusunod dito kahit ano pa an

