TININGNAN ko naman ang laman ng fridge, ng mga cabinet, may storage room pa at ang daming pagkain! Sadyang hindi lang talaga sanay na magluto ang lalakinna ito "Paano ka nabuhay na wala ako? Hindi ka nga paka marunong magluto. Marunong kang magsaing, minsan palpak pa. Mikyle, dapat matuto kang maging independent kung pinili mo na maging independent sa buhay," wika ko habang dini-defrost na iyung manok na lulutuin ko na special adobo with tomato sauce and everything. Pagpasensyahan niyo na kung eme eme lang ang iluluto ko ngayon. "Kainin mo muna iyang hotdog habang nagluluto ako kung nagugutom ka na talaga. Hindi iyung hinihubaran mo na ako sa mga tinginan mo e," sabi ko sa kanya. Hindi na niya kasi inalis ang titig niya sa akin. Aware naman ako na sobrang ganda ko. Kahit kayo kapag naki

