Episode 42

1016 Words
SURPRISINGLY, malapit lang bale ang apartment na tini-tirhan ni Tristan James sa University, mas convenient pa kasi may suggestions si boylalu na pwede kong maging work. Ang gagu kasi gustong ala-Mikyle, gusto daw niya na tumulong sa akin sa mga gastos ko. Madatong naman kasi raw siya. Siyempre kahit na maganda ako at may rights naman para maging certified gold digger e hindi ko pa rin ginawa iyon. Huwag niyo akong itulad sa inyo, pwe! Kqya naman nag-suggest na lang siya ng pwede kong part time work. Pwede ako na cashier ss isang cafe sa umaga if free ako, at pwede rin sa gabi kasi may bar din sa tabi. Lahat iyon e business ni boss TJ. Naks, tender juicy talaga mhie. At least hindi siya katulad ng ex ko, oo, ex roommate na ipilit ang gusto kahit ayaw ko. Hindi man lang marunong rumespeto sa desisyon ng may desisyon. Nakakaloka. "Dito na ang kwarto mo. Magpahinga ka na. If may kailangan ka pa katukin mo lang ako rito, ako na ang bahala sa rent," sabi ni Tristan James. Bigla tuloy akong tinubuan ng konsensya kahit usually wala naman talaga akong konsensya, dahil pasmado na nga ang puso at kaluluwa ko. "Sorry nga pala kung nasusungitan kita ha. Hindi naman kasi ako aware na mabait ka naman pala. Huwag ka kasing mamanyak-manyak, naaasar ako sa mga manyak." Sabay irap ko na medyo nahihiya. Kayo na mag-imagine, napapagod na ako kakadada sa isip ko rito oh. "Haha, ayos lang iyon. May kasalanan din ako. Sa totoo lang medyo inis ako sa mga bakla kaya ininis din kita. Kasi naman nang nasa jeep tayo makatingin ka sa akin puno ng pagnanasa." Hoy! Binabawi ko na! Ang kapal naman ho talaga e ano? "Ay, lakas ha? Anong iniinom niyong bitamina at hindi ka masyadong kinakabahan, ha? Saka bakit ka ba nasa jeep nang araw na iyon, e ang yaman at dami mong kotse," tanong ko pa. Minsan kasi mas magulo pa sa bulbul ang utak ng lalaki na ito. "Haha, nagbago naman ang pananaw ko kasi iba ka sa kanila. Natapang ka, makulit, sarcastic, and smart. Napaka-charming mo rin. You are a kind person, hindi mo deserve iyung ginawa ng kupal na iyon. Papaasahin ka lang non hanggang sa huli," sabi niya sa akin. Desisyon na naman ba ito? Haha. Pero hindi rin naman siya nagsisinungaling. Beh, hindi madali ang desisyon ko ngayon na iwan si Mikyle. Kanina nga muntik pa akong mabuwal dahil sa rupok. Parang hindi ko kayang gawin iyung ginawa ni Sanchai. Hays, ganda lang talaga ako pero minsan e stressful. "Mabuti na nga rin na nalayasan ko na siya. Kung ano man ang problema niya sa buhay, hindi ko na hawak. Go lang siya kung sino man ang gusto niyang ligawan, kahit ligawan niya pa lahat ng babaeng dadaanan niya edi go. Basta huwag niya na lang akong guguluhin!" Galit na galit tayo for today's video. "Talaga ba? Hindi ka na babalik sa kanya? Baka mamaya e sa una ka lang matapang tapos iyak ka rin sa huli. Mamaya kaunting lambing at uto niya e babalik at babalik ka rin sa kanya." Bakit ba ang judgemental ng lalaki na ito? O galing siya sa future at alam niya ang mga plans ko, charis. "Hindi na mangyayari iyon! Hindi na ako papayag. No to pagiging marupok! Aayusin ko na ang buhay ko. Aral muna bago disgrasya. Saka na ang boylet at otoko, tama na muna!" sabi ko with full of conviction pa iyan mami. "Sure? Walang bawian?" Wow, naninigurado! "Oo, kapag nakita mo akong nababaliw at sinusumpong na naman, ikaw na ang bahala sa akin, binibigyan kita ng permiso na parusahan ako," sbai ko sa kanya habang nakataas ang kamay. "Weh, pwede kita parausan." Aba e tarantado talaga mga lalaking kakilala ko ano? "Parusahan! Bingi ka na nga malibog ka pa! Diyan ka na nga! Pumasok ka sa kwarto mo saka ka roon magjabol, tigilan mo iyan Ttista James ha, naka kakarating ko lang dito e magpasundo na ako," banta ko sa kanya. "Ayiee, hindi ka naman po mabiro ng tapad. Sige na, akin na mga gamit mo na iba tutulungan nq kita na mag-ayos.'' Nakakapanibago naman. Ilang araw pa lang may character development na. Musta naman iyung isa, sinula at sapol ganoon pa rin ang ugali. Ayaw ko non, pass na talaga! Swipe left na mga mare at masyado ng red flag. After inayos e pinalabas ko na siya sa room ko. Ang ganda ng pinahiram niyang room sa akin in fairness. Talagang pati kulay ang lamig sa mata, hindi katulad ng mga mukha niyo, nakakainit sa ulo. Oo, mas malala ang ugali ko kapag broken hearted! Send ibubugaw at malay naman ninyo at umayos ang pakikitungo ko sa inyo at maging paborito ko pa kayong plastic friend. Naligo ako ng very light, pero napatagal kasi ang sarap may jacuzzi sa banyo ko. Sa bahay namin tamang batcha lang, di pa maupuan kasi plastic, nasisira tapos nagagalit si Clara. After non e nakatulog na ako. Nakakapagod kaya try ninyo ano. Kahit anong gwapo ni Mikyle nakakawala siya ng lakas sa stress. Napakababaero niya. Wala siyang awa at konsensya. Manipulative ang hayop na iyon! "Sho, gising na!" sabi ni Tristan James sa akin na halos ibalibag na ako. "Hoy! Bakit ka nandito? Ni-lock ko ang pinto a?" sabi ko sa kanya. "OA naman, hindi naman kita gagalawin. Muntik ko ng magiba ang pinto hindi ka pa rin kasi gising." Ay sorry ha? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? "Oh, ayan gising na gising na ako at mulat na sa katotohanan. Ano na bang oras?" tanong ko sa kanya. Baka ma-late na ako niyan sa school e. "Gabi pa lang, hindi ka pa kumakain ng hapunan. Tara na," sabi niya. Hala, hinihintay niya ako? Ang special ko naman, sana kayo rin. Hindi niyo naman sinabi na naka'y Tristan James pala ang susi. "Ha, sana nauna ka ng kumain. Mamaya niyan e nalipasan ka na ng gutom," ani ko na nag-aalala. "Ang mahalaga e hinintay kita kahit na gaano pa katagal, tandaan mo iyan." Bakit parang may something?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD