Episode 43

1016 Words
"Ano ba naman iyang mata mo, bakla ka. Ang chaka mo na nga mas lalo ka pang naging chaka! Ano na lang sasabihin ng mga tao sa iyo? Sa amin? Na may kaibigan kaming nakipagtitigan sa mga ipis. Magang-maga naman ang mata mo," ani ni baklang Lei sa akin, akala niya kinaganda niya ngayon ang bagong lipbalm niya, hindi naman marunong magsipilyo ang baklang kanal! "Hay nako! Kahit ano pang mangyari sa mukha ko, wala kang rights na tawagin akong pangit! Ikaw lang ang pangit dito, huwag mo akong echosin! Ang ambag mo lang naman sa pagkakaibigan na ito e i-emphasize mo kung gaano kami kaganda, gets mo na ba?" sabi ko sa kanya para matauhan naman siya. Hulaan niyo kung nasaan kami ngayon? E 'di nasa pambansang tambayan ng mga pusong sawi, chariz, sinong sawi? Ako? Asa, hindi kawalan si Mikyle ano. Hindi lang siya ang daks, gwapo at mayaman sa mundo. Ang laki-laki ng Earth tapos walang much better compared sa kanya? Imposible naman iyon! Sige, at dabil masipag kayo e hulaan niyo ngayon kung nasaan na nga ba kami? Walang iba kung hindi sa mall, inulit ko lang, huwag kayong ano diyan. Bali ang ganap ngayon e ganito. Mamaya pang hapon hanggang gabi ang klase ko, while itong dalawa e nademonyo ko na mag-cutting. Bakit ba, e gold ako e. "Kaya ka pala pinagpalit sa malapit ni Mikyle," banat naman ni bakla sa akin. Gusto atang lumabas na lang bigla ang baga niya rito e. "Magkapikunan pa kayo niyan. Saka Lei naman, broken itong kaibigan natin, hayaan mo na. Alam mo naman na mas masungit iyan kapag nasasaktan," sabi ni MM na dakilang tagapag-awat sa amin ni bakla. May mga kaibigan kasi tayong walang delikadesa e. "Sinong broken? Ako? Hay nako, peyk news na peyk news yan. Never, asa, as in! Kung saan siya masaya edi go, basta huwag niya na akong guluhin," ani ko sabay inom ko na ng lemon juice ko. "Hindi broken pero nag-aaya bukas ng shot puno? Mare, tama na pangdo-dogshow mo sa sarili mo ha? Alam naman nating lahat na hidni ganoon ang sitwasyon mo," ani ni bakla. Alam na alam niya ang nararamdaman ko. Nasa mugto na mata ko ang evidence. "Bahala na, siguro makakalimutan ko rin siya. Fine, aminin ko na sa inyo. Hindi ako ayos, hindi rin ako sigurado kung magiging maayos pa ako. Kasalanan ko rin naman e. Pinangako ko na walang lalaki ulit ang titibsg at gagamit sa akin, pero ang rupok ko talaga, grabe." Nakaka-s**t lang, bakit sa dinami-rami ng makakasama ko sa boarding house, makikilala ko, mahuhulog ang loob ko, sa ma-effort pa na red flag. "Hindi mo naman lahat kasalanan. Siya rin itong lapit ng lapit sabay bigay pa ng red alarm sa iyo e. Pa-fall, pero babaero, hindi rin mawari ang ugali," sabi ni MM na halatang pinapagaan lang ang mabigat na nararamdaman ko. "Mabuti na rin na umalis ka. Blessing in disguise at gwapong mayaman na naman ang tutulong sa iyo. Girl, lapitin ka ng mayaman na gwapo! Tingnan mo kung daks tapos pikutin mo! After mo masimot ang bank niya, saka mo na kami partehan," ani naman ni bakla. Lalo atang lumalala ang stress ko, ang sabi ko unwind e. "Alam mo teh, utak mandurugas ka talaga. Tumutulong lang iyung tao, saka huwag na nga natin bigyan ng malisya. Ayan na naman kasi e. Sa kakaganyan napapahamak tayo, sadyang very wrong na naman." Aba, madala naman sana ako 'di ba? I will draw the line kahit anong mangyari, e focus muna ako sa goals. "Tama iyan, aral ka na muna. Sana nga e mabait lang siya," sabi ni MM. MATAPOS amg bonding namin sa mall e diretso na ako sa apartment, nagbihis kumain ng meryenda bago pumasok ng university. Grabe ang effort kong talpan ang ebidensya ng pagkasawi ko sa pag-ibig. Imagine mo naman ang laki ng pamamaga ng mata ko, need ko talagang itago. "Sabay na tayo," sabi ni TJ na kakalabas lang sa kwarto niya. Timing naman siya masyado. "Sige," sabi ko na lang, kahit naman gaano e ang bait na ni loko. Napansin ko rin na naka-eyeglass siya. Weird, minsan kasi mukha siyang maangas na para bang magyayaya lang ng gulo sa kanto, minsan naman e para siyang mabait na gentleman na matalino na akala mo e taga-ibang paaralan sa galawan. Habang naglalakad na kami papasok e pinagtitinginan nila kami. Alam ko kasi na sikat pala itong loko na ito. Kung baga e sadyang icon na icon ang datingan. "Hindi ka ba niya ginugulo?" tanong niya out of nowhere. "Ginugulo, pero wala na siyang means to communicate sa akin... Block na siya sa mga social media accounts ko, kahit na makailang sim card pa bilhin niya e nagpalit na rin ako ng phone number." Never again kay Mikyle na selfish at napaka-basta! "Mabuti iyan, kapag lumapit siya sa iyo magsumbong ka sa akin. Hindi ko na siya hahayaan na lumapit pa siya sa iyo," wika nito sa akin. Curious na curious na ako, kaya naman taka ko siyang tiningnan. "Tristan, tapatin mo nga ako, bakit ba ang bait mo sa akin? Bakit tinutulungan mo ako ngayon? Ano bang dahilan mo?" tanong ko sa kanya na hindi ko na mapigilan. "Nang makita kitang umiyak, lumambog ang puso ko, pero ang pinakaayaw ko e iyung ginagago at pinaglalaruan ang damdamin. Ayaw kong makita ka na para kang laruan ng Mikyle na iyon," sabi niya, kaya naman napabilib ako sa kanya. "Mabuti ka pa. Ako ngayon e need munang mag-heal ng nararamdaman. Need kong maging successful, saka na siguro ang love na iyan, dahil super hopeless na lang talaga ang chance na makatagpo ako ng matinong lalaki." Iyung alam ko na tanggap ako, exclusive kami, at mamahalin namin ang isa't-isa. "Malay mo naman makatagpo ka. Hindi naman lahat ng tao kamukha ng gago na iyon. May lalaki pa rin na matino, sadyang nakatagpo ka ng katulad niya." So ang tawag na pala roon e kamalasan? Wow naman pala talaga ha? "Hindi bale na muna, ang mahalaga e natuto ako sa mga pagkakamali ko." Tama behavior mga bakla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD