Chapter 93 Lander's POV Hindi ko na hinintay ang final verdict ng mga doctors ko tungkol sa kondisyon ko at sa plano kong pag-uwi ng Pilipinas. Ako mismo ang pumunta ng airport at nagpa-book ng ticket. Ako lahat ang nasunod sa pagkakataon ito. Ni hindi makaangal ang kahit isa sa kanila sa mga desisyong hindi ko na rin ipinaalam sa kanila. Nalalaman na lang nilang lahat iyon sa driver ko na lagi kong kasama. Kahit sa isang araw pa ang schedule ng flight ko ay inumpisahan ko nang mag-empake ng mga gamit ko. Napansin ko pang napasilip si Mama sa akin sa may awang ng pinto pero nagpanggap na rin akong hindi siya nakita nang marami akong matapos ngayong araw. Ilang beses siyang nagpabalik-balik para gawin ang dalawang bagay, ang pagmasdan ako at ang ginagawa ko rito. I took a deep breath as

