Chapter 94 Lander's POV Napatingin ako sa labas ng shield ng eroplano rito sa gawi ko nang i-announced ang nalalapit na paglapag namin. Binalingan ko si Kath na mahigpit na nakakapit sa kamay ko. Nagdesisyon siyang sumabay sa akin sa pag-uwi dahil ayon sa kaniya, wala naman na ako sa Paris na aalagaan niya. Mula sa bahay hanggang sa makasakay kami ay nakaalalay lang siya sa akin. Ngumiti siya sa akin nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Marahan niyang tinapik-tapik ang ibabaw ng kamay ko. "Lander, are you okay?" Tumango ako at ngumiti na rin. "Yeah... Paano ka pala mamaya? May susundo ba sa iyo?" "Yeah... Si Daddy... Gusto ka rin daw niyang makita, eh... Gustong kumustahin... Huwag kang mag-alala sa kaniya... Hindi naman siya galit sa iyo, eh... Mas nauna pa nga siyang naka

