Chapter 80 Ksenia's POV Magsi-six na nang umaga nang magising ako. Wala talaga akong maayos na tulog dahil inaalala ko si Ramces. Malamang sa mga sumunod na oras pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpatuloy pa ito sa pag-eempake. Kaunti lang naman ang dala niyang mga gamit pero babawian siya ng mga dadalhin niyang mga pasalubong. Dumagdag pa ang mga pina-request kong bagahe sa mga dalahin niya. Halos thirty minutes lang ang pagitan ng mga tulog ko kaya para akong mukhang wala pa ring pahinga. I care too much about Ramces. I wanna spend the whole night talking with him pero alam ko namang hindi siya makapapayag. Pinilit talaga niya akong yakagin na umakyat na rito sa kuwarto ko. Napag-usapan na namin ang mga dapat. Naplano na namin ang mga magiging hakbang namin about sa pinlaplano naming

