Chapter 79 Lander's POV "Basta, anak, parang nakita ko talaga siya... Hindi ko naman ito sasabihin sa iyo kung hindi... Alam kong mag-asawa kayo, siyempre magkakampihan kayo... Baka naman kinasabwat ka ng asawa mo na huwag sabihin na nandidito siya... Baka lang naman, hijo...." Tumawa pa ito nang marahan sabay dagdag, "Kung anu-ano na itong mga naiisip ko but what if naman tama ako, hindi ba? I just want to surprise her too, Lander... Siya ang isu-surprise namin kasi bumalik siya... And I can't any longer for that to happened, hijo..." Kaya pala napatawag ito. Gusto niyang gulatin ang anak niya in case man na totoong naroon ito. Wala nga lang mangyayaring ganoon kasi wala naman si Ksenia roon. Ang hirap tuloy sabihin ang totoo rito. Ang hirap na ipaliwanag sa paraang hindi mawawala iyon

