Chapter 78 Lander's POV Inaayos ko na ang mga gamit ko dahil mamaya ay aalis na ako. Babalik na ako sa tinutuluyan ko and after ko naman doon, didiretso naman sa tinutuluyan ng asawa ko. Habang nagliligpit ay nasa isip ko pa rin ang pag-uusap namin ng Mommy ni Ksenia. Yeah, ang pangalawa niyang ina. Ang kinilala niyang ina sa nakaraang limang taon niya sa Italy, noong siya ay naging isang Venezia. Dahil sa mga ilang bagay na nabanggit ito ay hindi ko kaagad nakuha ang tulog ko kinina. Tumawag ito four hours ago, bago sana ako matulog. And although tapos na ang naging pag-uusap namin, parang naroon pa rin iyong urge na gusto ko pa itong makausap tungkol din sa naging topic namin kanina. "Hello, anak... Lander, naririnig mo ba ako, hijo?" tanong nito sa akin pagkasagot ko ng tawag niya s

