Chapter 42 Lander's POV Bakit parang kasalanan ko pa ngayon na naabutan ko silang magkayap? Ano ang tingin nila sa akin, tuod? O patay na dapat walang maramdaman sa nakita? Nag-react lang ako nang totoo! Ito ang nararamdaman ko ngayon! Pati ako ay wala akong magawa sa bagay na ito! Pinapalala pa ng gagong ito ang sitwasyon dahil nagawa pang mang-ungkat ng nakaraan kaysa ang mag-explain sa ginagawa niya sa asawa ko! Ano rin ngayon ang ibig niyang sabihin sa sinasabi niyang ito? Kitang-kita ko ang pagdurusa sa mga mata ni Ksenia, nahahati ito. Nararamdaman ko sa klase ng bawat tingin nito kay Ramces na gusto rin niya itong daluhan sa damuhang binagsakan nito. Kahit ang bagay na iyon ay big deal sa akin at nasasaktan akong isipin. "Hayop ka, Ramces... Huwag mo akong tablahin o bigyan ng

