Chapter 43 Ksenia's POV "What?!" singhal nitong tanong sa akin. "Ulitin mo," nanggigilalas nitong patuloy, hindi na alam kung saan ibabaling ang mga mata, sa mukha ko ba o sa nanginginig at lumalamig kong ko nang mga kamay. Para akong biglang naubusan ng sasabihin. Pati hininga ko, hindi ko na namamalayang lumalabas sa pa. Titig na titig lang ako sa mukha niya, iniisip na ano mang oras ay maglalaho na ang pagtingin nito sa 'kin. Mapupunta lahat kay Kivenne ang atensiyon nito kapag nalaman na niya ang tungkol dito, which is completely fine with me, pero alam ko sa sariling mag-a-adjust ako sa bagay na iyon. Hinigpitan ko pagkapit ko sa sarili. Naibigay ko na ang picture ni Kivenne rito noong sanggol pa lamang ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinakatititigan nang mabuti. Sa

