Chapter 92 Ksenia's POV "Ano pa ang mga nangyari at napapansin ninyo?" mahinahon kong tanong sa mga ito. Maipadama ko man lang sa kanila ang simpatya at pag-aalala ko sa kanilang lahat. "Hmmm..." Ramdam kong nag-aalangan pa ang mga ilan sa mga ito pero kailangan kong malaman kaagad kung anu-ano pa ang mga nagpapaabala sa kanila. Hindi nakatutuwang sumasabay sa mg trabaho nila rito sa masion ang mga iyon. "Ayaw na po sana naming pag-usapan pa ang tungkol dito, Ma'am, pero kasi... kasi iniisip din po namin kayo..." "Never mind about us," I quickly snapped. "This not only about us, this also about each of you... Kasama namin kayong lahat dito sa mansion... Pamilya na rin namin kayo... That's it kaya walang dahilan para patagalin pa iyan... Dapat ay nagsasabi kayo kaagad sa amin tungkol

